G r a y

611 23 8
                                    

Clarisse POV

Napabuntong hininga habang naglalakad dito sa campus. Feeling ko kasi pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.

" Hi. Pochi." Nagulat nalang ako dahil may sumulpot sa harap ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.

" A-anong ginagawa mo? "

" Binabati ka. " Inirapan ko siya at tumayo ako.

" Hatid na kita. " Nakangiti niyang sabi sa akin at akmamg kukuhain niya na ang bag ko.

" Hindi na. Ang lapit ko nalang oh, ilang lakad nalang."

" You know what? Gusto ko ang pag tataray mo." Umakbay siya saakin habang sinasabi yun.

Siniko ko yung tiyan niya. " Ouch! Sandali." Napahawak siya doon. Napasobra yata yung siko ko sakanya mabuti yan sakanya.

" Buti nga sayo." Inirapan ko siya at tumakbo alam ko kasing maabutan niya ko kapag naglakad pa ako.

J.C POV

" H-hey! W...wait." Hahabulin kona sana siya kaso napatigil ako ng makita ko yung lalaki na kasama niya kahapon.

Napatigil ako at dahan-dahan na lumapit sakanya. " Sandali, ikaw yung kasama—Pochi?" Napatigil ako dahil may hawak siyang pochi at akmang kakainin niya na.

" Pochi? " Napatingin siya sa hawak niya. 

" Gusto mo ba? " Umayos ako ng tayo at hinarap siya.

" Hindi ako tumatanggap ng kahit ano lalo sa mga hindi ko kilala. "

" Oh. Nice. I'm Gray." Lahad niya ng kamay niya.

" Stupid. " Aalis na dapat ako ng may sabihin siya.

" Ayaw mo? Pinabibigay kasi sayo 'to ni Clarisse." Napatigil ako at tinignan siya ng masama.

" May sinabi ako na ayoko? Akin na nga 'yan."  Sabi ko at kinuha ko kaagad sakanya yon. " Ikaw binabalaan kita. Huwag kang lumapit lapit sa pochi ko.  Naiintindihan mo ba? "

" Hindi."

" Ano bang meron sainyo? Sabihin mo nga. Ano kaba niya? " Habang sinasabi ko 'yon nakahawak siya doon sa alaga niya kaya.

" Haa...anoo.."

" Umayos ka nga bakit mo hinahawakan 'yan." Turo ko doon sa alaga niya. " Dito pa talaga sa harap ko."

" Naiihi ako. N-nasaan ba ang res—"

" Doon. Tapos lumiko ka. "

Gray POV

" Teka! " Hindi na niya ata ako narinig dahil nakalayo na siya.

" Salamat ah!!" Sigaw ko sakanya. Saan nga ba ulit sabi niya. Doon at liko. OKAY!

Sinunod ko yung daan napapatingin ang mga babae sakin habang pumapasok ako.

" KYAAAAAHHH!! "

" Whooaa." Napatalsik ako ng tinulak ako ng babae.

" BASTOS! BASTOS!"

" Bakit? "

" TULOOONG BASTOS! "

Clarisse POV

" Grabe naman yung babae na'yun kung maka sapak."

Habang tumatakbo ako napatingin ako doon sa babae kaya napatigil ako saglit kaso saktong pagtigil ko may bumangga sa akin at halos tumilapon ako sa pader. Grabe ang malas ng araw ko ngayon ah.

" Sorr—CLARISSE!? "

Napahawak ako sa ulo ko at tinignan kung sino ang bumangga sa Akin.

" Gray?? "

" D-dito ka nag aaral? "

" Oo. "

" Ohh! Nice."

" Anong nangyari sa bibig mo?"

" A-ah? Ito na pagkamalan na manyak doon sa CR ng babae. "

" Bakit ka doon pumunta? "

" Ayun kasi yung turo saakin eh. Nga pala dito rin nag aaral yung lalaking nakaaway mo?"

" Nakaaway ko? Saan?"

" Sa bahay mo kahapon."

"Si Jc? Oo, dito rin siya bakit?"

" Siya nagturo sa akin ng daan. Doon daw ang CR"

" Ano!? " napatayo ako sa sinabi niya at naglakad papunta kung saan ko nakita kanina si Jc.

" Teka...Clarisse. Saan ka pupunta?"

Gray POV

" Nakakaloka na'to ah." Napahawak ako sa noo ko habang hindi alam ang gagawin.

" Saan ako dadaan? " Pinikit ko yung mata ko.

" Minimini may nimom " Pagkatapos ko sabihin yun binuksan ko agad yung mata ko.

" AHHHH! "

" Grabih kha namen makachuro sha ilung kho." Sabi niya habang nginunguya yung kinakain niya. Masasabi kong ang gwapong nilalang ang nandito sa harap ko na parang gusto ko siyang kagatin sa gwapo niya pero mas gwapo nga lang yung isang lalaki kanina, sa gwapo niya bigla nalang akong naiihi. Teka, mali bura bura!

Umayos ako ng reaction ko na parang isang cool at astig na lalaki habang pinapagpag ang polo ko." P-pasensya na boy."

Nilunok niya yung kinakain niya at halatang nagulat. " Hindi boy pangalan ko! AKO SI CARLO. Sino si boy? Mas gwapo ba siya saakin?"

" A-ano.."

Inuga-uga niya ako habang hawak ang balikat ko." Sumagot ka. Kamukha ko ba siya? "

Halos mahilo ako sa ginagawa niya. School ba ito ng nga crazy person  Bakit ganto ang firstday ko dito. @.@

J.C POV

Naka focus ako habang tinitignan ang bunubu kong puzzel dito sa office ni Ma'am Angie. " Malapit na isa nalang." masaya kong sabi habang dinadahan-dahan ang lagay dito sa flag.

" Focus..." Bulong ko.

" Focus..."

* BOGSH *

Natumba ang binuo kong puzzel dahil nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan na padabog at si Clarisse yung nakita ko.

" Pochi??"

" Ikaw. Bakit mo ginawa 'yon kay Gray!? "

" Ha? Sino 'yon?"

" Yung kasama ko!"

" Ha? Eh, wala ka namang kasama."

" Kahapon! "

" Ahh..."

" Oh, bakit ano na naman bang ginawa ko at galit na galit ka d'yan?"dagdag niya.

" DINALA MO SIYA SA CR NG BABAE!"

" Hindi ah, Pumunta siya doon mag-isa kaya hindi ko siya dinala doon. "

" Kahit na ikaw ang nag turo ng daan diba!? "

" Akala ko kasi babae siya eh. Pasensiya naman."

" Ang sama mo!"

" Ako pa masama? Tinulungan ko na nga eh." Napairap siya pagkasabi niya nun.

" Nakakakinis ka na!"

" Mas nakakainis kayo. Lalo na pag magkasama kayo."

" Bakit kaba nagagalit? "

" Ano bang gusto mo magalit ako sa kapitbahay ko? Ganon?"

" UMAYOS KA NGA!"

" NAGSESELOS AKO. AYAN OKAY NA?"pagkasabi niya nun natigilan ako, yung kilay ko na nakakunot biglang nawala at napatingin ako sakanya. Napayuko naman siya tumingin sa akin.

" Okay...s-sorry."

Napabuntong hininga siya bago ulit magsalita." Pasensya na sa ginawa ko sakaniya pero hindi ibig sabihin nun makikipag ayos na ako... " tumayo siya at dinaanan lang ako dito. Naiwan akong naka nganga dahil sa sinabi niya.

Itutuloy...

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon