44

114 9 2
                                    


Clarisse POV

Inantay ko munang maka lapit si Jc dito bago ulit alugin yung bag niya para alam niya yung pinag ga-gagagawa ng Fransisa na'to. Dahan-dahan nahulog yung test paper mula sa bag niya. Lahat sila natahimik yung ingay kanina biglang nawala.

" B-bakit nandyan yan? " Nagulat siya nung makita niya si Jc na nakatingin na walang emotion sa kanya.

" J-john... " Lalapit na sana siya pero napatigil ito nung mapansin niya si Ma'am Angie.

" Mom... "

J.C POV

Lumapit ako kay Fransisa habang nakatingin lang sakanyan. " Ano to? " Hindi siya sumagot sakin pero kita ko sa mga Mata niya na kinakabahan siya.

Hinawakan ko siya sa braso niya, agad kong hinila si Fransisa papuntang garden. Nung makalayo na kami binatawam ko siya at hinarap sakin.  " Anong ginagawa mo!? " Sigaw ko kay Fransisa.

" J-john... "

" Hindi mo kailangan gawin yun kay Clarisse, Ano bang nasa isip mo? Sabi ko sayo na huwag mong gagalawin si Clarisse diba. "

" P-patawad... "

" Nasayo na'ko diba? Ano pa bang gusto mo? "

" Nasakin ka nga pero hindi mo'ko mahal! Nagawa ko lang yun dahil siya parin yung mahal mo. Siya parin yung gusto mo! "

" Sisa, Hindi ganon kasi ganon kadali yung pinapagawa mo. Totoo gusto ko pa si Clarisse.Gustong-gusto."

Napatigil siya sa sinabi ko at humagulgol ng iyak. " Pinili lang kita dahil... " Napatigil ako dahil nakikita ko sa kanya na sobrang nasasaktan siya sa sinasabi ko.

" A-ano? Sabihin mo. " Nang hihina niyang sabi.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. " Pinili kita dahil naaawa lang ako sayo. S-sorry" dahan-dahan siyang napaupo sa lapag habang umiiyak na parang bata.

" A-ako naman una m-mong minahal diba? Ba-bakit hindi nalang ulit ako?Bakit nangako ka pa sa'kin."

" Gusto ko lang naman na mahalin mo ulit ako pero bakit ginagawa mo sa'kin 'to, Ang tagal kong naniwala sa mga pangako mo." dagdag niya

" Sisa...hindi ko naman matuturuan yung puso ko kung sino mamahalin ko pero yung sarili matuturuan mo gumawa ng tama lalo na yung ginawa mo kay Clarisse. "

" Pero...may dahilan ako kung bakit ko nagawa kay Clarisse 'yon! "

" Kahit na! Wala ka pa rin sa katuwiran para gawin yun, Ano ba!?"

" Eh ba-bakit ka nangako sa'kin bakit mo'ko pinaniwala sa mga salita mo. P-paano mo nagawa sa'kin to? "

" Sisa. Alam ko mali ako, mga bata pa tayo nun." Napatigil siya sa pag-iyak nung sinabi ko yun.

" Mga bata!? Huwag mo nga kong pinagloloko! " Pinaghahampas niya ko pagkatapos niya nun sabihin.

" Fransisa! " Napatigil siya nung sigawan siya ni Ma'am Angie. Dahan-dahan 'tong lumapit sakanya at sinampal ng malakas.

Napahawak nalang si Fransisa sa pisngi niya. " Kailan kita tinuruan gumawa ng ganon? " mahinahong sabi ni ma'am pero halatang galit siya sa pagbigkas ng salita.

" SAGOT! "

" M-mom... "

" Sige na, John. Ako ng bahala dito. "

Clarisse POV

Nakatingin lang ako sa labas habang nagpapaliwanag yung teacher namin sa gagawing field trip. Ilang araw na din yung lumipas at hindi kona nakikita si Fransisa, siguro dahil sa nangyari nung nakaraan. Ilang araw na din yung lumipas simula nung mangyari yun.

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon