Weird

610 26 7
                                    

Clarisse POV

" Good morning." Nakayu kong sabi sa principal.

" Sige, maupo kana."

" Gusto ko sanang sabihin na  pansamantala lang itong magiging president ka dahil ikaw talaga ang butler ni John. Do you remember him?"

John? Parang narinig ko na'yan or something na nabangit ng iba na narinig ko? Pero bakit parang may kung anong nangyayari sa puso ko. Napahawak ako doon at ramdam kong bumibilis yung tibok nito.

" Clarisse??" Napatingin siya saakin na nagtataka. Umayos naman ako at humarap sakanya.

" S-sorry po." Lumabas agad ako sa office hindi ko alam kung bakit. Basta ayokong naririnig yung pangalan na'yun. Parang aatakibin ako sa puso eh. Grabe kabog ng puso ko.

Sino ba talaga siya? Nitong mga nakaraang araw alam kong nabangit yun ng isang estdyante dito eh.

FLASH BACK

" Kyaaa! Clarisse pa-picture!"

" Sure." I smile.

" Thank you! Kamusta na kayo ni John. Omg! Miss kona ang Jose, Bye! Thank you ulit!"

END FLASHBACK

Mukang kailangan kong alamin kung anong meron kami nung lalaki na'yun at bakit ganito yung nararamdaman ko.

KRIIIIIIING

Nagulat ako ng tumatakbo papunta sa gate yung mga estudyante kaya gumilid ako agad.

" Woooah! Uwian na."

" Tapos na ang paghihirap natin!"

" Be may kwento ako sayo tungkol kay crush!"

" Nakakinis yung teacher namin late kaming pinalabas!"

Para silang nakawala sa kulungan kung makaasta. Bumalik ako sa katinuan nung maalala kong nasa room yung bag ko kaya pumunta agad ako doon.

" Bestie!!" Napatingin ako kay Jubya at kumaway.

Ngumiti lang ako sakanya pero nawala yung ngiti niya nung kinuha ko bag ko. "Bakit?" Napansin ko rin na tuwing sasagot ako sakanya napapa simangot siya.

" A-ah...uuwi kana?"

" Oo, pero may gagawin pa ako. Bakit may sasabihin kaba?"

Ayan naman yung mukha niya mas lalong lumungkot. " A-ah ganon ba?"

" Teka umiiyak kaba?"

" Clarisse, 'wag mo nalang siyang masyadong pansinin. May problema lang 'to," sabi ni Erza at hinila si Jubya.

" Oo, nalulungkot lang talaga siya." Sabi ni Taru.

Nilagay ko yung bag sa balikat ko.
" Ganon ba? Sige mauna na'ko may gagawin pa ako. Sana maayos yung problema niya." Umalis na'ko pag kasabi ko nun.

Parang may kumirot sa puso ko ng tumapak na'ko sa labas ng room namin pero binaliwala ko nalang.

" Clarisse!" Niyakap ako ni Moon pagkasabi niya nun.

" Tagal mo naman. Ano tara na?"

" A-ano kasi may gagawin pa ako eh, kaya ko na naman umuwi mag isa eh."

" Hindi pwede! Sasamahan kita."

" Kaya ko na. Umuwi kana." Tinulak ko siya palabas ng gate.

" Sabay kami ni Ashlen. "Dagdag ko.

" Oh, sige-sige! Bast itext mo'ko kapag may nangyaring masama ah." Tinaas baba niya pa yung kilay niya.

" Oo na! Shoo, shoo na."

" Ingat ka huwag sasama sa hindi kilala." Tinignan ko pa siya kung umalis na siya at tsaka ako pumunta sa office. Halfday lang kami ngayon. Halos mga 4:30pm palang kaya maliwanag pa sa labas.

" Clarisse...sorry sa mga sinabi ko kanina"

" O-okay lang po."

" Bakit niyo po ako pinapatawag?"

" Gusto ko lang humihingi ng paumanhin sayo. "

" Ayun lang? " Napatingin siya saakin ng masama.

" Po..." Dagdag ko at bapangiti naman siya.

" Wait. Meeting tayo bukas kaya agahan mo 5:30am sharp!"

" Opo! Thank you." Lumabas na agad ako sa office.

Nang makalabas ako sa gate may humarang saakin na puro babae halos nasa lima sila.

" Do you miss me?" Sabi nung babaeng maigsing buhok na mukhang adik na ewan.

" Do I know you?" Halos mainis siya sa sinabi ko.

" HINDI AKO NAKIKIPAG BIRUAN SAYO!" Sigaw niya saakin sa kaya nagulat ako sa sinabi niya kaya napaatras ako.

" I see..." Aalis na sana ako ng hilahin niya yung braso ko.

" Ayoko sa lahat yung tinatalikuran ako ha!" Tinanggal ko yung hawak niya sa braso ko.

" Bakit? "

" Ganyan kaba umasta ha? "

" Excuse me nagmamadali ako. Hindi ako nakikipaglaro sainyo." Turo ko sakanila isa-isa.

" May problema ba? " Dagdag ko.

" Ikaw! Ikaw na babae ka. Hindi mo ba'ko natatandaan ha. Ako si Allira!"

" And??" Nagtataka kong sagot sakanya.

" Iniinis ko ba ako ha! Simula ba ng iwan ka nang Jc na'yan, naging ganyan kana?" Jc? Sino yun?

" What are you saying? Nababaliw kana ba? "

" Allira. Mukhang hindi naman siya si Clarisse. Halata palang sa pagsagot parang walang kaalam alam!" - Girl 1

" Oo nga noh. Pasensya na miss." Tinaasan niya ako ng kilay at umirap " Kalimutan mo nalang yung nangyari." -Siya

" Sige. " Yumuko ako sa harap niya. " Mauna na ako."

" Weird?"

" Yeah, baka hindi talaga siya."

" Look a like kamo!"

Nagmadali na akong maglakad. Tumingin ako sa likod kung wala na sila. Nang hindi kona sila maninag lumakad na ulit ako kaso nahulog yung hawak kong notebook at libro.

J.C POV

" Yeah, pauwi na ako. "

" Dalian mo Jc! Kanina kapa nasaan kana ba?"

" May pinuntahan lang ako. "

" Alam mo ikaw ba bata k—" Nahulog ko yung cellphone ko ng may bumangga saakin na babae.

" Sorry, Miss." Lumuhod ako para tutulungan siya kaso kinuha niya agad yung notebook at libro niya.

Tumayo siya at yumuko na parang sinasabi na ' Sorry ' Natauhan ako nang makita ko yung cellphone ko sa lapag.

Clarisse POV

" Hoy! nakikinig kaba. Jc kina—" Napatigil ako nung marinig ko iyon. Tinignan ko yung lalaking nabangga ko.

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad paalis. Bakit familiar siya sa'kin. " Jc? " banggit ko nagulat ako nung napahinto siya. Nung titingin na sana siya bigla akong nagtago sa likod ng poste.

Ayan na naman yung puso ko nararamdaman kong papalapit siya dito kaya pabilis nang pabilis yung tibok ng puso ko.

" Jc! Kinakausap kita anong oras ka uuwi."

" A-ahh...sinong uuwi? "

" Sino pa bang uuwi dito ha!? "

" P-pauwi na. " Naramdaman kong umalis na siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Tumakbo agad ako papunta sa bahay

Itutuloy....

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon