Truth

95 6 0
                                    

Carlo POV

" Ano ba'to? Bakit sa lahat ng field trip dito pa. Mga hikers ba tingin nila sa'tin. " Inis na sabi ni Clarisse. Kanina pa'to nag rereklamo hindi na matigil yung bibig. Haynako.

" Umakyat ka nalang malapit na naman ata tayo eh." Sabi ko.

" Kanina mo pa yan sinasabi eh! " Sabi ni Jubya at hinampas niya ako sa braso.

" Kapag tayo mali ng dinanan malilintikan ka saamin. " Hampas niya ulit sa'kin. Grabe nakakasakit na'to ah. -_-

" Ano ba kapag ako nagkamali ako ng hawak mahuhulog tayong lahat dito. Bakit ba kasi may kasama akong dalawang puro reklamo." Bulong ko.

" Hoy anong sabi mo? " Tanong ni Clarisse.

Clarisse POV

" Wala akong sinabi. " May narinig ako sinabi niya hindi ko lang masyadong naintindihan eh.

Kung alam ko lang na ganito hindi na talaga ako sumama eh. Humawak ako sa malalaking bato para kapitan 'yon.

" Clarisse. " Napatingin ako dun sa tumawag sa'kin. Nagulat ako nung nag pa slide niya papunta sa'kin.
" Hoy! " sabi ko sakanya. Napakampit ako dun sa bato pero si Jc nahulog doon sa batuhan. Tinignan ko kung okay lang siya pero hindi na ito gumgalaw.


" Ano ba! Bakit kaba nagpadulas kita mong bato babagsakan mo!" Sigaw ko sakanya.

" Hoy! " Sigaw ko ulit pero di parin siya kumikilos. " Hoy! Carlo. Patay na ata si Jc. "

" Walang mamamaatay sa ganyan ka babang pinagbagsakan. Talunin mo lang yan buhay ka pa eh. " Sabi niya sakin.

" Talaga? Sige tumalon ka nga. " Sabi ni Jubya. " Ano ayo—" pero huli na dahil tinanggal niya yung pagkakapit ko doon sa mga bato na nasa pader.

Nahulog agad siya sa mga batuhan kaya tumalon narin ako papunta sa kanila. " Buhay ka pa? " Tanong ko kay Carlo.

" A-aray. Papatayin ata ako ni Jubya." Sabi niya pero hindi kona pinansin at tumingin kay Jc na nakaupo na pala sa gilid.

" Ayos ka lang ba? " Tanong niya sa'kin.

" Ikaw nga dapat kong tanungin eh. Bakit ba kasi nagpapadulas ka, delikado kaya ano akala mo kaya kitang saluhin? Laki-laki mong tao. "

" Bakit ba kasi dito kayo dumadaan? Hindi ko naman alam na madudulas ako doon eh. Tumalon lang ako sa Zip line dahil nakita ko kayo. " Sabi niya at pinunasan yung dugo sa braso niya napatigil siya at tumingin sa'kin na akala mo nakakita ng multo. " Nasaan yung saksak mo? Sinaksak kaba ni mamu? "

" Huh? Anong pinagsasabi mo? "

" Hoy ikaw may zip line pala dito hindi mo sinasabing kupal ka! "

" Hindi ko naman alam eh. Ang dami ko na ngang sugat dinadagdagan mo pa. "

" Narinig ko kanina nung nauusap kami ni Carlo. " Agad siyang lumapit sa'kin at hinanap yung saksak na sinasabi niya.

" Kailan kaba nagkaalam ha! "

" Alam mo naman wala akong alam tapos nagagagalit kapa na hindi ko alam na may zip line. "

" Saksak? " Inisip ko kung anong sinasabi niya. " Ahh! Yung charger? Lobat na kasi ako nun. Walang saksakan na naganap. "

" Nasaan si Mamu? "

" Umalis na. Gusto niya lang humingi ng tawad. " Aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya. " Huwag mo na siyang sundan sabi niya. Mag uusap pa sila ng papu mo. "

Napatingin naman siya sa'kin at napangiti. " Mabuti naman okay ka lang. " Tingin mo'to nakuha pang gumanyan eh siya nga sugatan samin.

Moon POV

Naghanda na kami mga pagkain sa labas habang yung iba inaayos yung upuan at lamesa na gagamitin pa. Nilapag kona yung mga pagkain saktong nakita ko sila Carlo papunta dito. " Carlo! " tawag ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lamg sa paglakad. " Kamusta? Okay kaba? " asar ko sakanya.

" Tanong mo sa lelang mo! " Inis niyang sagot. Napatingin dito si Natsu at Cyril.

" Aba! Nagagalit na ang Carlo ah. " Sabi ni Natsu.

" First-time ah. Kain kana dito nandito paborito mong pagkain. " Naaptigil siya at sinabing. " Ayoko nga"

" Nagpapakipot ka pa. Hindi bagay sayo. " Natatawang sabi ni Natsu.

Jubya POV

Halos lahat na ng mga tao nagsisikainan na. Nag boodle fight pala kami kaya tuwang tuwa sila. Napatigil ako sa pagkain nung hindi ko nakita si Carlo. " Cyril. Nakita mo ba si Carlo? "

" Nagmumukmok pa yun. " Kumuha ako ng Plato at nilagyan yun ng mga pagkain.

" Saan mo dadalin yan? " Tanong ni Cyril.

" Ibibigay ko kay Carlo. Alam ko gustom na yun eh. Ang layo kaya ng nilakad namin. " Inasar asar niya ko pero hindi kona siya pinansin. Pagkadating ko doon sa tent pumasok agad ako at napatingin sakin si Carlo.

" Ano na naman? "

" Galit ka? "

" Hindi. Ginagamot ko lang yung sugat ko. " Sabi niya at pinunas yung bulak sa sugat niya.

" Akin na nga. " Kukunin kona sana pero nilayo niya. " Huwag na baka madagdagan pa eh. "

" Grabe ka naman. " Napatigil ako at nagsalita ulit. " Sorry, dahil sa'kin nangyari sayo yan. "

" Hayaan mona, nangyari na eh. "

" Oh, Ito dinalhan kita alam ko kasing gutom kana eh. " Natuwa naman siya at kinuha niya agad yun. " Salamat ah! "

" Sorry nga pala ulit. Sige aalis na'ko. " Tatayo na sana ako kaso hinala niya ako.

" May sasabihin ako. "

" Ano yun? "

" G-gusto kita. "

" Ano? "

" Gusto kita Jubya. Matagal na. " Natawa ako sa sinabi niya. " Kumain kana nga dyan. " Pinipilit ko umarte ng normal sakanya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

" Seryoso ako. "

" D-diba kayo ni Ashleen? "

" Hindi naman talaga kami. Tinulungan ko lang siya makalimot sa dating ex niya. Kumbaga panakip butas lang ako para tuluyan siyang makalimot. "

" Huwag mo nga akong pinagloloko. Tumigil ka nga dyan. Hindi kana nakakatuwa. "

" Ngayon ko lang sinabi pero matagal na'to, nasasaktan ako kapag nakikita ko kayo ni Mhico. Alam kong gusto mo siya pero hindi kona kasi kayang dibdibin yung sakit. Alam ko naman na hindi mo ako gusto. " Kitang kita ko yung ngiti niyang pilit.

" A-alis na'ko. " Tinawag niya ulit ako pero hindi kona siya pinansin. Pagkalabas ko nandun si Ashleen. Aalis na sana ako nung nagsalita siya.

" Totoo 'yon, "

" Narinig mo? Alin dun yung totoo?"

" P-parehas. Totoong naging panakip butas ko siya kahit na sabibin kong huwag niyang gawin. Ginawa niya parin dahil araw-araw niya akong nakikita na umiiyak. Totoong gusto ka ni Carlo. "

" Huwag niyo nga akong lokohin.  " Pagkasabi ko nun tumakbo na talaga ako paalis. Bumalik ako doon sa kinakainan ko, iniisip ko parin yung sinabi ko Carlo. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito.

" Jubya! Kanina pa kita tinatawag. "

" Huh? "

" Sabi ko mahatiran mona si Carlo? "

" O-oo... " Pagkasabi ko nun kinain ko yung kalahating kamatis.


Itutuloy...

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon