Prologue

114 5 0
                                    

Disclaimer

This is a work of Fiction.
Names, Characters, Businesses, Places, Events, and Incedents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, and actual events is purely coincedental.

Plagrism is a crime.

Prologue

Musical Art Academy

Isa itong international school.

Ito ang Paaralang hindi nababagay para sa mga Nerds, Athletes, Rebels, and Ordinaries.

Sa paaralang ito, hindi ang Academics ang Priority nila kundi ang mga Talents ng mga Estudyante na nag aaral dito.

Dito nag aaral ang mga sikat na Artista, Modelo, at Elites. Sila yung mga estudyanteng binayayaan ng talento at yaman.

Ang paaralang ito ay hindi pangkaraniwang paaralan. Hindi ka dito basta basta makakapasok, dahil kailangan mo munang mag Audition dito upang makapasok ka sa paaralang ito.

Ang mga natatanggap ay pinapapili ng mga grupong doon sila magaling o nababagay.

Pero hindi rin sila basta basta makakapasok sa grupo. Kailangan rin nilang magpakitang gilas sa mga leader nito bago sila makapasok.

Kung hindi nagustuhan ng leader ang mga pinakita mong gilas ay pwede ka nilang hindi tanggapin. Kaya mapipilitan kang maghanap ng ibang grupo. Pero kung walang leader na tumanggap sayo, ay pwede kang i drop out sa paaralang ito kahit na pasa ka sa Audition pero kung hindi ka pasa sa mga Leaders ay tanggal ka parin.

Pero pwede ka ring hindi sumali sa mga grupong ito. Kaya lang ay hindi ka makakaperform o participate sa mga Activities/Shows sa paaralang ito.

Ang paaralang ito ay merong limang grupo. Ito ang:

1. The Singers - dito napupunta ang mga magagaling kumanta. Mapa opera, classical, o modern man.

2. The Actors - dito naman napupunta ang mga magagaling umarte. Mga pang artista ang dating sa pag aarte.

3. The Dancers - dito napupunta ang mga magagaling Sumayaw. Mapa Folk Dance man o Modern Dance.

4. The Musicians - habang dito naman napupunta ang mga magagaling tumugtog ng iba't ibang uri ng instrumento.

5. The Popstars - at ang pinakahuli. Dito napupunta ang mga Talented o sabihin na nating mga binayayaang mga estudyante na magagaling sa Singing, Dancing, Acting, at tumugtog ng mga Instrumento. At sila rin ang sumisikat agad kumpara sa mga ibang grupo.

At yan ang limang grupong nagbubuo sa Musical Art Academy.

Musical Art AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon