Barbie's Point of View
Naglalakad ako ngayon papunta kila Sam. Sabay sabay kasi kaming pumapasok. First Day of School ngayon. Hindi First Day yung kahapon dahil wala namang pasok. Kaya ngayon ang First Day. Hehe.
Nakaearphone ako habang naglalakad kaya wala akong naririnig. Kanta lang ako ng kanta ng biglang may kumawak saakin kaya nagulat ako at napatingin kung sinong hinayupak ang humawak sakin.
"Alam mo bang bawal maglakad sa kalsada pag naka earphone" pangaral sakin ni Prince.
"Hindi ko alam. Wala naman nakalagay na ganun sa Batas diba? So pano ko malalaman." Pambabara ko naman sa kanya. Hindi nalang siya nagsalita kaya pinabayaan ko nalang.
Nakikita ko na ang bahay nila Sam dito kaya binilisan ko na ang aking pag lakad. Magkakatabi lang ang mga bahay namin ang kaso nga lang ay malalayo na ito kung ilalakad dahil ang mga bahay dito sa village namin ay para na ring mansyon kaya malalaking hakbang rin ang dapat mong talakayin bago ka makarating sa katabing bahay mo.
Pero sunod parin ng sunod tong Prinsipe na to. Ugh! Sa totoo lang?! Crush ba ko neto? Haha feeler ko no? :p
Pero seryoso! Nakakairita na kaya di ko na napigilan at hinarap na siya. Kaya napatigil naman siya.
"What do you want?" taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumisi naman siya sakin na pagkalaki laki kaya kumunot na ang nuo ko.
"Pwedi ba ako makisabay sa inyo pumasok?" pagpapacute niya sakin. Err. Ang sarap batukan neto! Pabebe amputs!
"Tsk. Oo na. Basta wag kang makulit." Pag papayag ko namn sa kanya. Pumayag na ako kasi alam kong hindi yan titigil. Tsk. Kilala ko na kasi silang lahat kasi kinikwento ni Ken sakin ang mga to sakin. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero hinayaan ko nalang kasi alam kong wala siyang mapagsasabihan eh ako lang naman ang kapatid niya.
*ding dong* *ding dong*
Lumapit naman ang si manang at pinagbuksan kami ng gate.
"Si Sam ho?" tanong ko habang paupo sa sofa.
"Nasa office ng Daddy niya. Sige maiwan ko muna kayo."
"Ah sige po manang." at umalis na ito. Tahimik lang kaming dalawa ni Prince ng bumaba na si Sam ay napatayo na rin ako.
"Tara na." Aya ko. At tumango lang siya. Hindi pa yata niya napapansin si Prince kasi nasa likod ko nakaupo.
Sumakay na si Sam sa kotse niya kaya sumakay narin ako. Pupuntahan na kasi namin sila Melody and Rythym. Isang car lang ang gagamitin namin para sabay sabay na.
"What time is it na ba?" tanong ni Sam habang kinukuha sa bag niya ang susi sa kotse niya. Sasagot na sana ako ng unahan ako nung epal. Nakaupo na pala sa passenger seat di ko manlang napansin.
"7:05 am na. Tara na kaya. Para hindi tayo malate. 7:30 kailangan pumunta tayo sa Audi dahil may sasabihin ang Director saatin." Epal ni Prince saamin.
Napahinto naman si Sam sa pagpapaandar ng kotse niya ng marinig niya ang boses ni Prince kaya napalingon siya sa likod.
"You?! Pano ka nakasakay sa kotse ko?!" Gulat na tanong ni Sam kay Prince. Kaya tumingin sakin si Prince at nag wink. Hayy. Ako na naman ang mag eexplain. Kaya sinabi ko ang pangungulit at ang pag pasok sa kotse ni prince.
"Ah. Okay." Tipid niyang sabi sabay maneho na.
Matt's Point of View
Nasa Cafeteria kami ngayon nila Luke at Max ng Tumahimik bigla ang mga tao sa Cafeteria. Kaya napalingon kami sa may Entrance nito at nakita namin yung Astig na babae na nag Audition kahapon. Hindi pa siya nakauniform dahil hindi pa yata binigyan ng Principal.
BINABASA MO ANG
Musical Art Academy
RandomIsang International School ang Musical Art Academy. Mga elites, artista, at modelo lamang ang nakakapag aral dito. Hindi academics ang priority nila kundi ang talento ng mga mag aaral dito. Kaya halina't samahan akong tuklasin ang kanilang iba't i...