Barbie's Point of View
Today is Monday. First Day of School ngayon kaya sobrang ingay ng mga students nung naglalakad ako sa hallway. Well hindi pa ko nasanay eh talaga namang maingay ang mga estudyante dito. Mapa first day man o hindi.
*bzzzt* *bzzzt*
Napatingin ako sa phone ko nung nag vibrate ito, kaya napatigil ako sa paglalakad.
At nakita kong may nag text sakin, kaya binuksan ko ito.
1 messege recieved
From: My Stupid Bro:P
Lil sis! Ba't mo naman ako iniwan?! Ang daya naman eh! Hindi mo ko ginising late na tuloy ako!Aba't! Napaka abnoy naman pala nitong kapatid ko. Ako pa talaga ang gigising sa kaniya eh tulog mantika siya. At wala rin akong balak na maging alarm clock niya kaya manigas siya. It's not my fault anymore kung di siya natulog agad kagab'e.
Napailing nalang ako dahil sa pagka abnoy ng kapatid ko at tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong 7:15 palang kaya pumunta muna ako sa may punong tinatambayan minsan naming magkakaibigan. Pupunta nalang ang mga yun dito mamaya kaya dito nalang ako maghihintay sa kanila.
Omg! I'm so makakalimutin na talaga. I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Barbie Angela dela Fuerte 15 years old. A Senior student dito. Last year ko na rin dito dahil gragraduate narin kami. I'm so excited na nga eh pero syempre malungkot rin at the same time. Napamahal na rin itong school na to sakin ehh.
Meron akong kapatid na lalake, si Kenneth Angelo dela Fuerte yung abnoy na lalake na nagtext sakin kanina. May pagka abnormal kasi yun. Ewan ko nga kung saan nagmana eh. Normal naman kasi ako.
Pansin niyo yung pangalan namin? Barbie and Ken. Nakakaloka. Ginawa kaming manika ng parents namin. Pano ba naman si mommy idol niya si barbie at ken, kaya walang nagawa si daddy nung yun ang ipangalan samin ni mommy. Under eh. Hahaha
Napatigil lang ako sa pag iisip nung biglang may tumabi saakin. Ng lingunin ko yun di ko na napigilang hindi tumili. Pano ba naman nandito na yung mga bestfriends ko. Hindi ko yata napansin kasi nga diba nga kinikwento ko pa ang talambuhay ko.
"Kyaaahh! Barbieee girl!! I missed you talaga super!" sigaw ni Sam sakin.
"Will you stop shouting?! Katapat mo lang kaya si Barbs. Ang OA mo talaga." suway naman sakanya ni Rythym.
"Hmmp! I just missed her naman kasi. I can't help it you know." pagdedepensa naman ni Sam sa kaniyang sarili.
Bago pa humaba ang usapan ay sumingit na ako.
"Okay Girls stop it na! Hahaba lang ang usapan pag mag ingay pa kayo. Shut up nalang okay?" sabi ko sakanila sabay akbay.
"Yeah yeah whatever Barbieee Girl." Sam
"Whatever." Rythym
Hay nako. Itong dalawang to talaga ang hilig mag asaran. Tsk tsk.
"Rythym? Where's Melody by the way? She texted me kasi kanina when I'm still at my car." pag coconyo nitong Sam. Ano ba naman yan! Ba't ganito tong magsalita. Abnoy rin! Sa kahaba haba ng pinagsamahan namin di parin to nagbabago mabuti nalang at nakaya namin ang alien language niya.
"Nakikichismis yun as usual. Di ka pa nasanay na napakachismosa nun." sabi nalang ni Rythym habang kinakalikot ang phone niya.
"Sabagay." Sabay naming sabi ni Sam. Kaya napatingin kaming dalawa at natawa sabay umiling iling habang nakangiti parin.
Hindi rin nagtagal napagdesisyonan na rin naming tumayo na at bumalik na sa school.
Naglalakad kaming tatlo ng mapansin naming nagkukumpulan ang mga estudyante sa may bulletin board kaya lumapit kami para makibalita kung anong meron.
BINABASA MO ANG
Musical Art Academy
DiversosIsang International School ang Musical Art Academy. Mga elites, artista, at modelo lamang ang nakakapag aral dito. Hindi academics ang priority nila kundi ang talento ng mga mag aaral dito. Kaya halina't samahan akong tuklasin ang kanilang iba't i...