Rythym's Point of View
Nandito parin kami ngayon sa Audi dahil hindi pa tapos mag Announce ang Principal namin. At sa totoo lang nakakabagot na! Gusto ko ng kumain! Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
"...and now please welcome our Director Mrs. Talia Ocampo- Paredez"
*clap* *clap* *clap*
Nagising ako sa pag mumuni muni ng magpalakpakan ang mga estudyante kaya naki palakpak narin ako kahit na wala akong kaalam alam kung ano ang nangyayari.
"Anong meron?" bulong ko kay Barbie na nakikipalakpak rin. Ngumisi siya saakin ng nakakaloko. Yung ngiting nag sasabi na "di na nakinig no?" Smile.
Kaya umirap nalang ako at tumingin sa director namin na mag si'speach. Narinig ko naman si Barbie na tumawa ng mahina. Edi wow. Hmpp! Nagtatanong ako ng maayos pero pinagtritripan ako. Bahala sila diyan.
"Aishh! Ano ba yan! Ang ingay ingay! Palakpak ng palakpak eh wala namang alam sa nangyayari! Nakakaingay lang sila! Napaka OA namang pumalakpak ng mga tao!" pagpaparinig naman nung lalaking nasa unahan namin. Yung katabi nung lalaking nasa unahan ko. Pero gara! Kami OA?! Mga papansin rin tong mga hinayupak na to! Mga Pashnea! Kung isumbong ko kaya sila kay Cardo?! Tsk!
Hindi nalang namin pinansin yung KSPG or sabihin na nating Kulang sa Pansin Group. Mga nagpapansin lang yun kasi walang pumapansin sa kanila.
"Good Morning Everyone." Bati nung director kaya bumati rin kami. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi ang mga instructora ang mag jujudge sa darating na Audition para sa mga papasok sa Musical Art Academy." Nagulat kami sa announcement ng director namin. First time kasing hindi sila ang mag jujudge. Pero kung hindi sila sino?
"Ang mga instructor ang magsasabi kung sino sino ang mag jujudge sa kanila. At napagdesisyonan rin namin na gawing 1 year ang pag aaral nga mga senior this school year don't worry only seniors." maraming nagreklamo at maraming naexcite. "Para mapaghandaan talaga ang darating na debut niyo. Kaya magsipagbalik na kayo sa inyong mga grupo. That's all thank you for the time and goodbye." sabi ni Director sabay baba sa stage at alis sa Audi. Umingay ang Audi sahil sa Announcement na naganap ngaying araw.
"What the freaking hell?! 1 year?! It's so unfair! Ano ba yan! Ba't yung last seniors hindi naman ganun?! Aishh!" reklamo ni Melody kaya binatukan ko.
"Wag ka na ngang magingay diyan! Kung gusto mo mag reklamo wag samin! Kundi sa mga instructors natin! Sa kanila ka magtanong!" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga no? Ang talino mo talaga twinyyy!! Sige girls mamaya nalang ha? I'll ask our Instuctors. Bye" sabi niya sabay flying kiss. Hayss kahit kelan talaga isip bata yung kakambal kong yun. Tsk tsk. Pero kahit ganun yun mahal ko yun no. Shhh lang kayo ha? Baka lumaki ang ulo nun. Haha :p
"Let's go girls. Punta na tayo room or sa cafeteria muna?" Tanong ni Barbie samin.
"Cafeteria nalang muna tayo gutom na ko eh. Mamaya nalang tayo pumunta sa Room. Di naman agad yung mag uumpisa agad agad." sagot ko sa kanila at hinila sila papuntang cafeteria.
Ken's Point of View
"Ano ba yan! Bakit iniba? Pano na yan?! Baka pag hindi ang mga instructors ang mag judge, hindi magagaling ang mga makapasok dito sa Musical Art Academy." Reklamo ni Prince. Tama nga naman kasi. Baka hindi magagaling ang makapasok pag hindi sila ang nag judge.
"Oo nga. Siguradong gugulo ang Paaralang ito pag hindi magagaling ang mga makakapasok." Pag sang ayon ko naman sa sabi ni Prince.
"Tss. Edi dun kayi magreklamo sa Director natin! Hindi saamin!" Ang aga aga ang init ng ulo nitong si Luke.
BINABASA MO ANG
Musical Art Academy
РазноеIsang International School ang Musical Art Academy. Mga elites, artista, at modelo lamang ang nakakapag aral dito. Hindi academics ang priority nila kundi ang talento ng mga mag aaral dito. Kaya halina't samahan akong tuklasin ang kanilang iba't i...