Ken's Point of View
"Pare. Alam niyo bang finollow ako ni Dawn Merial. Haha gwapo ko kasi kahit sikat na model nahuhumaling sa kagwapuhan ko." tss. Ang hangin talaga netong si Prince. Ang sarap hulugan ng plywood.
"Tss. Wag kang feeling bro. Finollow rin ako nun. Actually last month pa." pagmamalaki naman ni Max sabay tawa. Hahaha. Actually lahat kami finollow na nung model siya lang talaga ang nahuli. Hahaha.
"Finollow na kaya kami nun last month pa." pagpapainggit ko sakanya natahimik naman ito at nagcellphone ulit. Mukhang maghahanap ng chix. Haha.
Pupunta kami ngayon sa tambayan ng tropa ng makita ko sina Barbie na nakatunganga sa hallway. Anong mga trip nila?
"Wazzup?" Sabi pa ni Prince at umakbay sa kapatid ko. Amputs. Binatukan ko nga. Ang loko napakahilig mananching.
"Aray ha! Ang Sakit nun!" sabay pout niya eww. Parang bakla kadiri!
"You know! You're so ewwy.. Stop it kaya. You look lay a paso." Di ko napigilang hindi matawa sa binanat ni Sam. Hahaha. Paso. Owww. Sakit nun sa ego. Hahaha.
Napanganga naman ang loko. Di yata niya inaasahan na mababara siya sa wala sa oras.
"Tama na yan. Tumigil na kayo." pagsusuhay ni Rythym. Kaya tumahimik yung dalawa pero nag aaway parin sa tingininan nila. Hahaha.
Napansin ko naman ang pag iiba ng mood ng kapatid ko. Parang may sakit, inggit, at galit sa expression niya ngayon kaya hinawakan ko siya at tinanong kung okay lang ba siya pero tumango lang ito at naglakad na palayo."Barbie Girlll! Where are you going?" habol na sigaw ni sam pero tinaas lang nito ang kamay. Parang nagsasabi na wag siyang susundan kaya nagkibit balikat nalang ang iba.
"Ba't parang kulang kayo?" napatingin kaming lima kay Matt at Melody na nagsabay sa pagtanong. Alam kung sabay sabay kaming ngumisi ng nakakaloko nung namula yung dalawa.
"Sparks." simpleng sabi ni Rythym na nakangiti parin nagtaka naman ang dalawa at nagkatinginan sabay iwas ulit. Haha pumapa PBB Teens sila ah. Hahaha.
"Yieee.. You two are so bagay. Now ko palang narerealize." Tili ni Sam habang pumapalakpak pa ito. At makikipustahan ako ngayon sasabat yan si Prince. In 3. 2. 1.
"Wag ka ngang maingay! Para kang baboy na kinakatay. Ang panget panget ng tili. Nakakairita." hahaha. Sabi ko na nga ba eh. Haha syempre magpapatalo ba si Sam?
"Baboy your face. At saan ka naman makakarinig ng tili na maganda ha aber? Tss. Papansin rin to." sabay irap ni Sam at umupo sa may bench na nasa tapat namin. Kaya lumapit kami sakanya at umupo ang mga girls habang kami nakatayo lang.
"Pero seryoso. Nasan sila Luke at Heather?" napatingin kami kay Melody na nagtanong ulit. Kaya sinagot na namin siya.
"Di rin namin alam. Akala nga namin na magkakasama kayo eh."
"Hmm. Guys. Anong oras na ba?" tanong ni Max na nakashades. Ay ang loko parang bulag. Anong trip nito? -__-
"7:18 am na already." sagot ni Sam habang nakatingin sa phone niya.
"Tambayan." Napatingin kaming lahat kay Rythym. Nakangiti ito. Kaya nagtaka naman kami. Ang weird ng mga tao ngayon.
"Nasa tambayan niyo sila. Yung kubo na nasa may likod ng school." napa face palm naman ako. Aishh. Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun. Tss. Pero pano niya nalaman. Mukhang napansin naman niya na nagtataka kami kung pano niya nalaman.
"Haha. Lol. Stop staring guys. Nauna diba si Heather pumasok ngayon? Eh diba wala pa tayo dito kaya wala pa siya kasama. Boring naman kung maghihintay lang siya kaya malamang nag dora the explorer yun. Eh transferee nga diba hindi pa niya masyado kabisado yung Academy. Kahit naman ako. Yun din ang gagawin ko pag ako palang mag isa sa Academy edi maglilibot libot nalang muna ako." napanganga naman kami. Wtf?! Tama nga siya. Tss. Ano ba yan. Ba't hindi gumagana ang utak ko. Tss.
BINABASA MO ANG
Musical Art Academy
RandomIsang International School ang Musical Art Academy. Mga elites, artista, at modelo lamang ang nakakapag aral dito. Hindi academics ang priority nila kundi ang talento ng mga mag aaral dito. Kaya halina't samahan akong tuklasin ang kanilang iba't i...