Chapter 3: The New Girl

30 6 5
                                    

Melody's Point of View

Nagising ako ng marinig kong merong kumakatok. Kaya kahit labag sa kalooban kong bumangon galing sa kahihiga ay wala akong nagawa kundi buksan yung pintuan.

"Melodyyy! Ano ba! Gumising ka na nga! Mag aalas syete na! Nakakaloka ka! Bilisan mo diyan kundi babatukan talaga kita!" rinig kong sigaw ng kakambal ko kaya binuksan ko na ang pinto.

"Oo na! oo na! Maliligo na! Napakaexcited naman nito! Tss." Sabi ko habang kukusot kusot ang mata ko.

"Bilisan mo! Double Time!" Sabi niya sabay baba na. Tss. Napakaingay naman niya! Umagang umaga nag bubunganga! Kinarer ang pagiging in charge. Tss.

Wala kasi ang parents namin. Nasa business trip kaya kami lang at yung mga kasambahay ang nadito. Ewan ko nga kila mommy kung ba't siya ang in charge eh ako naman ang unang pinanganak. 30 seconds ang agwat namin. Tsk.

Pero naiintindihan ko naman. Kulang kasi si Rythym ng torinilio sa utak kaya baka siya nalang ang ginawang in charge.

After 30 minutes

Pagbaba ko nakita ko sila Rythym, Sam, at Barbie nasa Sala nanonood ng TV.

Kaya binati ko sila ng good morning at ganun din naman sila. Kaya umupo na ko sa Dining Area namin at kumain ng Breakfast. Di ko na sila inaya kasi alam ko naman tapos na sila.

Nang matapos akong kumain nagsipilyo na ako at inaya na silang umalis. Dla nila ang kanya kanya nilng kotse kaya nakisabay nalang ako kay Rythym.

"Oh? Ba't sumakay ka dito? Meron ka naman kotse pero gingawa mo lang display." Ano ba yan! Nagbubunganga na namn. Kaya inirapan ko lang siya at nag seatbelt.

"Eh sa tinatamad ako eh. Sige na tara na. Late na tayo diba." sabi ko sa kanya at sinuot ang earphones ko. At natulog saglit. 20 minutes ang byahe papunta sa school kaya okay lang na matulog kahit saglit.

Naalimpungatan ako nung narinig kong tumigil na ang sasakyan. Madali lang namn kasi akong magising kaya hindi nag bunganga yung kakambal ko. Hehe.

Paglabas ko ng kotse ay nakita ko na silang tatlo na nasa gate na. Kaya tumakbo ako papunta sa knaila at sabay sabay kaming pumasok sa loob.

Habang naglalakad kami binabati kami ng mga estudyanete kaya todo ngiti naman ako. Sila kasi snob lang. Ang tataray diba? Ako lang ang hindi. Hihihi.

"Saan ba gaganapin yung Audition?" tanong ni Rythym.

"Sabi ni Ken sa may Gymnaturium raw. Malaki kasi dun kaya dun nalang gaganapin kesa sa Audi." sagot naman ni Barbie.

Kaya pumunta kami sa Gymnaturium. Pagdating naman napanganga kami sa dami ng nakapila. Parang nag aaudition lang sa PBB. Well di ko sila masisi sikat na paaralan ang Musical Art Academy.

Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan. Kagrupo ko naman si Sam kaya kami ang nagsama. While yung dalawa pumuta na rin sa kani kanilang upuan.

Nung nagstart na ang Audition. Maraming nagpakitang gilas. Magagaling naman sila kaya lang meron kaming hinahanap sa mga boses nila. Di ko lang alam kung ano. Kaya heto wala pa kaming napapasa. Habang yung sa Danvers meron ng 3, sa Actors 1, sa Musicians 3 rin, sa Popstars naman  meron ng 4.

Siguro nagtataka kayo kunga bakit mas marami ang sa popstars. Eh dapat nga yun ang mas mahirap, pero anong magagawa ko eh nandun yung Fiona at Devone. Wala naman magagawa si Matt kasi isa lang siya. Kita na rin sa mukha niya ang pagkairita. Dahil lahat na nakapasa sa Popstars ay mga lalake. Landede kasi ni Fiona. Tsk.

"Melody Girl? Do you not pansin na us nalang yung wala pang napapass?" tanong sakin ni Sam kaya ngumiti lang ako sa kanya. Di ko kasi alam kung bakit di pa ako nakakapili. Saakin kasi mangagaling ang Final Desicion.

Musical Art AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon