Chapter 9: The Old Popstars

24 4 0
                                    

Rythym's Point of View

Nandito ako ngayon nakahiga sa aking kama. Hindi ko parin naalis sa isip ko yung nangyari kanina. Hindi namin alam kung anong nangyari kay Heather. Kahit sina Barbie nagtataka na rin sa kinilos nito kanina.

Iniisip ko parin ang dahilan ng pag alis ni Heather kanina ng bumukas ang kwarto ko. Napatayo naman ako agad. Aba aba! Hindi ba sila marunong kumatok! Kabanas ha!

"Sissy!! Taraaaa! Sama ka samin! Pupuntahan namin si Heather sa bahay nila." Bungad ni Melody sakin. Kaya tumayon na ako para sumama.

Paglabas namin ng bahay nakita namin yung nakakabatang kapatid ni Matt.
Kaya lumapit ito saamin.

"Mga ate! Saan punta niyo?" Ate ang tawag niya samin since 1 year lang naman ang gap nito samin.

"Dyan kila Heather." Sagot ni melody sakanya. Mukhang nagtaka naman siya. Ay oo nga pala di pa pala niya kilala si Heather.

"Yung Kapatid ni Kyle dyan na taga North High dati." sabi naman ni Barbie na mukhang napansin rin ang pagtataka ni Mikee. Nagblush naman ito bigla ng marinig ang pangalan ni Kyle. Crush kasi niya ito. Hahaha paran mga pbb teens lang ang peg. Hohoho.

"You want to sama?" sabi naman ni Sam. Habang nakangiti ng nakakaloko. Hindi pa man nakakasagot si Mikee ay hinablot ko na agad ang kamay niya at sinama na papunta kila Heather.

*ding dong* *ding dong*

"Sandali lang pupunta na!" rinig naming sigaw ng kapatid ni Heather. Si Mikee naman ay hindi na mapakalai. Hahahaha.

Nang bumukas na ang gate nila ay nagtaka agad si Kyle.

"Oh? Mga magagandang binibini ano ang ginagawa niyo dito? Hinahanap niyo ba ako?" sabi pa neto. Tss. Kung di lang to kapatid ni Heather linunod ko na to.

"Actually no. Si Heather ang pinunta namin. Kaya pakitawag naman." pfft. Basag trip to si Melody. Hahaha.

Lumukot naman bigla yung mukha ni Kyle. Ang cute. Sana may kapatid rin akong lalake.
"Oo sandali. Tss. Ano ba yan! Tomboy ba si ate? Bakit naman siya ang hinahanap nila?! Nakakapagtaka. Noon lalake ngayon babae. Ano ba naman yan." natawa kami sa narinig namin. Hahaha. Parang timang lang.

"Ateeeeee! Mayroong naghahanap sayooo mga bisita mo yataaaaaa." rinig naming sigaw ni Kyle. Ang lalakas ng mga boses parang nakalunok ng megaphone.

"Aba naman! Papasukin mo! Nag babake pa ako!" Sigaw naman pabalik ni Heather.

"Ikaw nalang! Bisita mo naman yun ehhhhh!"

"Aba aba! Sige ikaw dito at ako dyan! Anong gusto mo iwan ko tong binibake ko ha?!"

"Basta ayoko!"

Rinig na rinig namin yung mga sigawan nung dalawa. Ganyan ba sila palagi? Sigawan ng sigawan? Haha.

"Mga Dambuhalang to! Ang ingay niyo nagbabasa ako! Ano bang problema niyo at nagsisigawan kayo ha?!" Pfft. Natawa na kami sa sigaw nung ate nila. Mga nakalunok sila ng megaphone. Ang lalakas ng boses hooo. Hahahahaha.

"Pano ba naman! Si Kyle ayaw papasukin ang mga bisita ko. Eh nagbabake na ako alanga naman iwan ko to dito!" Sumbong ni Heather.

"Eh hindi ko naman sila bisita eh! Ako nga hindi mo pipapasok anh mga bisita ko. Kaya ako rin!" Sumbong naman ni Kyle.

"Pano?! Magkakalat lang yung mga kaibigan mong yun. At sino ang tagalinis?! Tayo! Walanjooo! Mabuti sana kung nandito si Manang eh wala 1 week pa bago siya bumalik. Tss!" at nag aaway na naman sila. Hahaha. Rinig na rinig dito ang mga boses nila. Hahahaha.

Musical Art AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon