Chapter 11: Past

26 3 13
                                    

Heather's Point of  View

Nasa bahay kami nila Prince ngayon nag prpractice para sa na assign samin na ipeperform bukas. Excited na talaga ako. Hehe.

Ang napili naming theme ay Singing and Dancing.

Habang sina Rythym naman ay kakanta at tutugtog lamang.

Busy kami sa pag pra'practice ng dumating ang Mommy ni Prince kaya napatigil kami.

"Prince darling. I just bought you a new pair of Shoes do you want to try it--" Napatigil ang Mommy ni Prince sa pagsasalita ng makita niya kami. Hindi niya yata kami kanina napansin kasi nakayuko ito at tinitingnan yung binili niya. Shoes daw ni Prince.

"MOM! Drop the Darling. Nakakahiya! Nandito mga kaibigan ko." pagmamaktol ni Prince sabay cross arms at pout.

"Sorry Darling. So, You have new friends huh?" nakangiti ito samin. Kaya ngumiti rin kami sa kanya. Napasopistikada ng Mommy niya. Nakakamangha.

"Well. Yeah. Nakikita mo nga sila ngayon eh." wala talaga tong galang. Kunti nalang iisipin ko na na ampon lang tong Prince. -,-

"Wait. Ija. Anong pangalan mo? Familiar ang face mo." Napaturo naman ako sa sarili ko.

"Ako po?" Nag nod naman ito.

"Heather po. Heather Kate Yu." Sabi ko dito. Nagulat naman siya ng marinig niya ang pangalan ko.

"Omg. Anak ka ba ni Karlos at Hana?" Ako naman ngayon ang nagulat. Kilala niya parents ko?

Well. Hindi na dapat ako magtaka dahil sikat sila sa Business World pero ang tawag ng ibang Business tycoons sakanila ay Mr. Yu and Mrs. Yu lang. Hindi nila tinatawag ang magulang ko sa kanilang first name dahil masyado silang respetado.

"Kilala niyo po Parents ko?" Gulat ko paring tanong sakaniya. Ngumiti lang ito at nagsalita.

"Yes. I know them. Highschool Bestfriends ko sila. Nagkawalay lang kami ng mga landas ng mag College kami dahil iba iba ang pinasukan naming paaralan. Nawalan kami communication sa isa't isa kaya hindi namin alam kung anong nangyari na sa iba." Oh kaya naman pala.

Nagkwentuhan lang kami ng Mommy ni Prince ng magpaalam na ito dahil may pupuntahan pa raw ito.

7 na ng gabi ng matapos kami sa pag pra'practice. Nakikain na rin kami kila Prince dahil nandito na naman kami.  Hekhek.  Mga walang hiya talaga tong mga kasama ko.  Mabuti na lang at hindi ako kapal moks.

9 na rin ng makauwi kami.  Syempre nag chikahan pa kaming sampu kaya natagalan bago magsiuwian.  Haha. 

Gustong gusto ko talaga na maging okay na ang boys sa apat na to.  I want them to be my friend too.

Kaya habang nasa byahe kami kinausap ko sila about dun. 

"Gurls.  Uhm.  I have a request. "Napatingin naman yung 4 sakin.  Tinanguan lang ako ni Barbie na nasa shotgun seat.  Kaya pinagpatuloy ko na ang aking sasabihin. 

"Pwedi bang sumali ang mga boys sa circle of friends natin? Kasi gusto ko talaga silang maging kaibigan ehh." Tahimik lang silang apat.  Parang hindi nila alam ang dapat sagutin sa tanong ko.

Wala ang boys dito dahil sa Car ni Luke sila sumakay kaya kaming Girls lang ang nakasakay dito sa Car ni Barbie.

"Heather Girl. Sorry but bawal ehh.  I hope you understand." Bakit parang ayaw na ayaw nilang makasama ang limang yun?  Haysst. 

"Why?" napabuntong hininga naman si Rythym habang yung tatlo nag iwas lang ng tingin.  May tinatago sila. 

Tahimik lang kaming lima, wala paring sumasagot sa tanong ko kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.  Alam kong sinusulyapan ako nung apat pero di ko lang sila pinansin. 

Musical Art AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon