**Zeref POV**
5:00pm na ng hapon nang makabalik kami sa St.Vincet Academy.Tila lahat ng studyante dito ay gulat na gulat sa aming pagbabalik napakadaming bulungan tungkol samin kahit saan kami pumunta section padin namin ang topic.
"D-diba i-iyan yung mga Student's 2-B?tanong ng isang studyante sa kanyang mga kasama.
"Oo sila nga yan ang cursed section.sagot ng isang babae.
"Ba-bakit 13 nalang silang bumalik dito?tanong nung isang babae sa gilid namin.diba bago sila umalis sa Academy nato ay madami pa sila?
"Oo tama ka madami sila nun kaya nga nakakagulat na sila nalang ang bumalik.saad nung isang babae.Nakakaawa naman sila.
Hindi kona nagawang patulan ang mga taong naguusap tungkol sa section namin dahil pagod ako sa biyahe at inaantok nadin ako.
Guys bilisan na natin bumalik na tayo sa room natin gusto kona mag pahinga.iyon nalang ang nasabi ko.
"Si-sige.sagot ni Realyn.
Kaming lahat ay wala nang gana bumalik pa sa tinutuluyan naming apartment.mas pinili namin na dito nalang magpalipas ng gabi sa Academy tutal kahit tanghaliin kami ng gising ay okay lang dahil wala naman ng pumapasok na teacher samin kahit isa.
Nang makabalik kami saaming room ay nagulat nalang kami dahil kung ano ang itsura nito ng umalis kami ay ganun padin ang itsura ng bumalik kami.Bakas padin sa room nato ang patayan dahil nandito padin ang ibang dugo ng classmate namin.Pero hindi nanamin ito pinansin sa halip ay agad nalang naming nilapag ang aming mga gamit at nagkanya kanyang latag ng mahihigan upang maagang makatulog.
------
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa narinig kong ingay ng speaker.Agad naman akong tumayo para patayin ito pero kahit anong patay ang gawin ko ay ayaw padin nito huminto.Kaya naman naisipan kong gisingin si Edward para magpatulong.
Akma kona sanang gigising si Edward ng mapansin kong parang may kulang samin.
G-guys na g-gumising kayo.nauutal kong sabi.
"Ano bayon Zeref ang aga pa nanggigising kana.wika ni Jay-R.
"Nawawala si Kris.saad ko.Lahat sila ay nagulat at mabilis na napatayo dahil sa kanilang narinig.
"A-ano pa-panon-hindi nagawang ituloy ni Cindy ang kanyang sasabihin nang biglang magbukas ang TV sa aming harapan.
Hindi namin masyadong maaninag ang tao sa TV dahil merong dugo ang screen nito kaya naman agad ko itong nilapitan at pinunasan.Nang matapos kong
punasan ang screen ng TV laking gulat nalang ako sa aking nakita."Hello guys nakikilala nyo paba ako?pa-panong nangyari ito panong buhay pa sya kitang kita ko sa harapan ko kung pano sya napatay ni Adrian.
"Owwhh Adrian Zeref nagulat ba kayo sa nakita nyo?saad ni Catherine nay may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"Pa-panong nangyari ito n-napatay na kita diba?gulat na saad ni Adrian.
"Nagulat kaba Adrian sa nakita mo?Buhay ako Adrian Buhay.saad ni Catherine habang tumatawa.akala ko mamatay nako sa lugar nayon pero hindi salamat nalang sa tumulong sakin upang maka survive ako sa ginawa nyo sakin.
"Wa-walangya katalaga kung hindi kita napatay sa unang beses sisiguraduhin nasa pangalawang beses ay tapos kana.gigil na saad ni Adrian.
"Sandali lang Adrian.Bago moko tapusin panoorin nyo muna kung pano ko papatayin si Kris.saad ni Catherine.sya pala ang may hawak kay Kris kaya ito biglang nawala.
BINABASA MO ANG
Student 2-B(Killing-Spree)
Mystère / ThrillerAng akala mong normal na klase. normal na buhay ay tunay.Hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo.hindi lahat ng pinapakitang kabaitan sayo ay dapat ng pagkatiwalaan.mahirap magtiwala sa sitwasyon nila ngayon.hindi mo alam kung sino siya.at h...