Chapter 9

78 14 0
                                    

Intruder

Zack's POV

"Hindi paba tayo uuwi? Nakailang dessert kana dyan. Hindi ka parin ba na bubusog?" I asked her habang sarap na sarap siya sa chocolate cake. Yes we are still here in Starbucks kasi everytime na sabihan ko siya na umuwi na.. order parin siya ng order.

"Last one please yung ano nam--"napatigil si Jess sa pag sasalita nung nakita kami ng pamilya niya dito.

"Jess?" Tawag ng papa niya.

"Oh hi" bati niya sa parents and just glanced a bit at them yung parang ayaw niya itong makita.

"Nandito pala kayo Jess" sabi ng girl na kasama ni Jade it must be his girlfriend.

Nakahalukipkip si Jess with matching pataray na face expressions.

"Nandito ka nga eh.."sagot ni jess at wala namang reaksyon ang pamilya niya.. yung parang alam na niya na ganun ang sasabihin at magiging reaksyon ni Jess. But why?

Binasa ko yung mind ni Jess kasi parang ayaw niya sa babaeng kasama ng kuya niya.

"Nagpakita pa yung bruha!"

I'll just ask her later maybe she'll tell me.

"Jess nilock mo ba yung bahay?" Tanong ng mom niya to break the silence.

"Huh? Anong lock? Sa front door? Nope" simpleng sagot niya at sumipsip ng iced coffee. But then napalaki ang mata niya at ibinalik sa table ang iniinom niyang iced coffee.

"Baki--" tumayo si Jess at natamaan ang lamesa kaya gumawa yun ng ingay at napatingin ang lahat ng tao saamin. Hinawakan niya ang kamay ko at tumaas ang kilay ko na parang nagtatanong kung "bakit?"

"Taraaa!" She shouted and dragged me papalabas without saying any word to her parents.

"Bakit hindi ka man lang nag paalam sa mga magulang mo?" Tanong ko nung nasa parking lot na kami.

"They'll kill me!" Sigaw niya at nung narealize ko ang nangyayare ay nagmadali din akong kumuha ng susi ng sasakyan ko.

Hindi nailock yung house nila. Walang ibang tao dun. Hayss hindi ko din yun naisip dahil sa babaeng to kanina. So childish. Bakit kaya ganito ang mga girls? I just dont understand why.

*sa labas ng bahay*

"Biliss! Tara Zack!" Hinihila hila niya ako habang papalapit kami sa pinto ng bahay nila.

"Tsk." Nagpapadala lang ako sa kanya at nung nasa tapat na kami ng pinto ay tumago siya sa likod ko na parang bata.

"What are you afraid of?" Tanong ko at humarap sa kanya. She seems so nervous and afraid kaya napayuko siya. Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha.

"Don't be afraid Jess I'm right here don't worry" sabi ko at ngumiti. Napatitig siya saakin..nagulat yata siya na ngumiti ako.

"Stop talking and open the Fucking door Zack! Nakakainis ka talaga! Nakakabwesit yung mukha mo!Ayaw mo buksan ? Ako na magbubukas! Tabi!" Itinulak niya ako papalayo at siya ang nag bukas ng pinto. What did I do? Do you have any idea guys? Um- huh what? Why?

Binuksan niya lang ito ng konti, enough para makasilip siya sa loob. Pero dahil I have the guts to piss her right now kaya itinulak ko ang pinto para magbukas ito ng malaki at nadala nito si Jess.

"Wahhhh!!!! I hate you talaga Zack!" Dali dali siyang lumapit saakin at niyakap ako.

"Nagiging linta ka na naman?" I grabbed her butt at binuhat siya.

Mr. Transferee My Robot Boy (On-Going) #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon