Chapter 1

1.1K 16 4
                                    

Jade's POV

Hays another day of life. Papasok na naman sa school.

Katamad. Inaantok pa ko eh.

Pero kahit ganun papasok parin ako. May gusto akong makita sa school eh. Hihihi (a/n: taglandi naman po pala. HAHAHA.) Shut up ka author. Di ka kasali.

Ay nga pala bago ako lumandi magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Andrea Jade Faustina. 17 years old. Hindi ganon kayamanan pero mabait at cute. Hahahah. And yeah certified bisexual. So ayun nga may crush ako sa school. Shhh lang kayo ah. Bestfriend ko kasi sya. Di ko alam kung anong mangyayari kung aamin ako sa kanya eh. Baka masira lang friendship namin.

Naligo na ako ng mga 20mins. Wag kayo mabilis talaga ako maligo😂 nag ready na ako sa school. Kumain muna ako syempre.

Pagdating ko sa school hinanap ko si Bes(my beautiful crush). Pumunta akong grade 10 building. 15 pa lang sya eh. Grade 10. Pagpunta ko sa building nila nakita ko syang nakikipag kulitan sa mga kaibigan nya. Di ko na lang nilapitan baka makaistorbo pa ako eh. Okay na saking makita ko sya.

Bumalik na ako sa building namin. Pagpasok ko pa lang sinalubong agad ako ng maiingay kong kaibigan.

"Jadeee!!! Bakit ka late? Binisita mo si Steph noh? Ayieeee" sabi ni Catherine.

Di ko na lang sila pinansin. Umupo na ko. Wala sa mood eh.

Dumating na yung teacher.

Lecture dun lecture dito.

Ka bored.

As if I cared naman sa lesson.

Bahala sila jan.

Maya maya pa break time na.

Pumunta na agad ako sa canteen. Gutom na is me mga bes.

Pagkabili ko ng pagkain pumunta na ako sa empty table sa canteen.

Kumakain ako ng biglang "hi bes! Paupo naman oh. Pwede?" Shit. Steph why? Pagdating talaga kay Stephanie naggaganto dibdib ko.

Parang sasabog.

"Ahm. S-sure." Tae bakit ako nauutal?

Si steph yung sinasabi ko sa inyong crush ko kanina.

Sobrang ganda talaga nya.

"Bes ano musta? Hulaan ko. Di ka nakinig sa lesson kanina noh? Hahahah" biglang sabi ni Steph.

"Hahaha as always may bago pa ba?" Sabi ko.

"Hahahah wala. Tamad ka talaga kahit kailan." Tawa nya habang nagsasalita

"Wow po ah. Coming from you bes? Hahahha akala mo naman napaka sipag. Eh natutulog ka nga lagi sa klase mo. Hahahhaha" natatawa na lang ako sa sinabi ko.

Nagusap lang kami ng nagusap hanggang sa nag bell na.

Kainis naman.

Bitin ako bes.

Gusto ko pa sya makausap.

Wala akong magawa kundi pumasok sa room namin. As usual. Lutang lang ako.

Ayoko talagang makinig.

Math eh. Ayoko kaya ng math.

Pano kaya kung umamin na ako mamaya?

Oo tama aamin na ko.

Bahala na basta aamin na ako.

Ayaw ko na tong patagalin pa.

Liligawan ko na sya.

Tutal alam ko namang may pagasa kasi bi din sya.

Wait ma text nga.

Patago kong nilabas yung phone ko. Tsaka tinext si babe ko.

To: Bes Steph
Bes! Kita tayo mamaya? After school. Sa garden. Tayong dalawa lang ah. May sasabihin lang akong importante.

Maya maya pa ay nag vibrate yung phone ko.

From: Bes Steph
Ayun tayo eh. Gumagamit ng phone habang may klase HAHAHAHA. Sige bes mamaya. See you. Mwah

Hays kaya ko to.

It's time to confess my feelings for her.

____________________
Chap 1 done. Maganda ba? O pangit? Wahahahah lols. Feel ko ang pangit eh.

Anyways pa support na lang po.

Caught In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon