Chapter 1: meet the characters
Anica's POV
“hoy bhest bakit ka nanaman nakatulala dian sa may bintana?” batok sakin ni kevin
“bhest tignan mo oh diba si james yun?” sabay turo sa lalaking naglalakad sa corridor namin
“oo nga siya nga oh anong problema mo?”
“naku naku!!ang gwapo gwapo niya talga..tsaka tignan mo mukhang papunta siya dito sa classroom oh “..grabe para siyang nag.s. slow motion na naglalakad papunta sa classroom namin
“oo nga papunta nga siya dito pero hindi ikaw ang pupuntahan niya” napatingin ako kay Kevin na parang gulat na gulat
“a-anong ibig mong sabihin?” O.o
“late ka nanaman sa balita bhest ..may bago nanaman siyang girlfriend noh… and you’re not going to believe who’s the unlucky girl..hahahaha” whaaaaaat may bago na siyang girlfriend? Bat hindi ako updated dun
“ss-sino ba??” halos mautal utal kong sabi
Nilapit niya ang mukha niya sakin sabay sabing “none other than your mortal enemy..si Cassandra” he winked at me sabay tawa ng malakas
Napalingon ako sa likod ko dahil dun nakaupo si Cassandra. Mas lalo akong nagulantang at napanganga na lang sa nakita ko dahil nakita ko silang naghalikan. Take note sa harap ng buong klase namin. Buti na lang at nakalabas na ang teacher naming.Pakiramdam ko tinkasan ako ng malay habang nakakatitig sa kanila.
Nagulat na lang ulit ako ng bigla akong binatukan ng pagkalakas lakas ni Kevin. “hoy wag mo na ngang pansinin yan! Tara kain na tayo!”
“buwiset naman to oh ang sakit kaya nun” hinawakan ko yung batok ko at lumingon ulit sa kanila pero wala na sila dun
“halika na nga pumunta na tayo sa canteen!” tumayo na lang ako at nagwalk out palabas
Hinabol na lang niya ako at nung naabutan niya ako tinanong ko na lang bigla
“bhest.. kanino mo nga pala nalaman na si James at Cass na?” kanina ko pa gustong itanong yan kaya lang nauna lang talaga ang paglingon ko sa direksyon nila
“wala lang nadinig ko lang sa mga tsismosa diyan kanina habang papasok ako” diretso niyang sabi. Wow ah dinaig pa niya ako. Ako ang may gusto kay James pero nauna pa niyang nalaman yun
Nakakaasar!! bakit sa dinami dami pa ng babae na pwede niyang maging girlfriend eh si Cassandra pa ang napili niya pwede naman ako diba? Pero kung sabagay alam kong hindi naman sila magtatagal ni James eh.. para sa kaalaman ng lahat si Cedric James Fajardo ang tinaguriang number 1 “Campus Crush “ ng school namin. Sinasabi kasi ng karamihan na halos lahat ng katangian na hinahanap ng bawat babae sa isang lalaki eh na sakanya na.
Sobrang gwapo, sweet , gentleman, mayaman, matalino, at higit sa lahat triathlete siya at lahat ng sinasalihan niyang competition in and out of the school eh nagiging champion siya, kaya naman di maipapagkakailang mahumaling ang halos lahat ng babae dito sa campus namin. At dahil nga sa kasikatang yun kaya naman halos ata ng babae dito sa campus na to eh naging girlfriend na niya. Kaya bukod sa bansag na “Campus Crush” nadagdagan pa ito ng “The Campus Cassanova”.
Lahat ng babae dito na caught na ang attention ni James, except nga lang sakin. Never pa niya akong napansin kasi naman hindi ako katulad ng ibang nagkakandarapa sakanya na masyadong pa obvious at very vocal sa pagsasabing gusting gusto nila si James. Silent type kasi ako. Kumbaga sa loob loob ko lang itinatago ang paghanga ko sa kanya.
Habang nag oorder kami ni Kevin ng makakain namin. Hindi pa din mawala wala sa utak ko yung eksenang nakita ko kanina. Napapatigil na lang ako bigla sa pagkain sa tuwing nagf.flashback sa utak ko yung nangyaring yun. Kaya naman nakakailang batok sakin si Kevin kapag napapahinto ako. Kaya heto tuloy ako hinihilot ang masakit kong batok.
By the way kanina ko pa nababanggit ang pangalan naming dalawa pero hindi ko pa napapakilala kung sino ako at kung sino siya. Ako nga pala si Anica Rhodette Castillo isang 4th year high school student. Very common daw ang ganda ko pero dahil sa aking oh-so-sexy-body at pagiging baby face ko kaya in some ways nagiging unique din daw ako. Matalino din ako especially sa math and science.
Buti nga hindi ako napagkakamalang nerd. Hindi naman kasi ako katulad ng iba na subsob kung subsob talaga sa pag-aral. I guess it’s just natural to me. Hahaha. Masasabi ko din na isa ako sa mga Campus Crush dito dahil madami ding nagkakandarapang mga lalaki sakin. Kaya lang since si papa James nga ang hinihintay kong manligaw sakin kaya hindi ako nag eentertain ng mga ibang lalaki
Samantala ang kanina ko pang kasama ay walang iba kundi ang long timed bestfriend ko na si John Kevin Aguilar. Bestfriend ko na siya since preschool, palibhasa kasi matalik ding magkaibigan ang mga magulang namin at si dad VP sa isang Mall nila Kev. At isa pa niligtas niya din kasi ang buhay ko noong malunod ako sa ilog sa probinsya namin. Simula noon hindi na din kami halos mapaghiwalay ni Kev.
Minsan nga napagkakamalan na din kaming magkasintahan dahil sweet din kami sa isa’t isa, pero hindi na lang namin pinapansin yung mga yun alam naman kasi namin na hanggang bestfriends lang talaga ang turingan namin. Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko kasama na dun ang palihim ko ngang paghanga ka James. Mabait siya at same time makulit din, matalino din siya, may ibubuga din naman siya kung ilalaban sa mga gwapo dito sa campus namin. Sikat din siya sa campus katulad ng papa James ko kasi isa siya sa mga pinakamagaling na singer/ musician dito samin. Karamihan din ng mga babae dito nahuhumaling sa boses niyang parang anghel. Maski ako mismong bestfriend niya nahuhumaling din sa boses na yun. Pero dati lang yun ngayon parang normal na lang sakin kapag nadidinig ko ang boses niya sa pagkanta.
** author's note **
- sorry if medyo boring ang pasok ng story. pero promise next time aayusin na namin :) please. please read :) thanks.
![](https://img.wattpad.com/cover/1225942-288-k726569.jpg)
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanfictionWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...