Chapter 2: The Flirt Girl
Bumalik na kami ni bhest Kev sa classroom namin dahil malapit na ang next class namin. Napansin ko na hindi pa din bumabalik si Cass. Sa tingin ko ineenjoy pa niya ang pakikipaglandian kay papa James.
“naasar pa din ako sa kanya bhest! Sana talaga magbreak na sila para maging miserable yung bwiset na babaeng yun!” bigla kong sinabi habang nagbabasa ng libro
“chill ka lang bhest! Madali ding magsasawa yung si James sa kanya. Diba nga pinakamahaba na ang one week kung makipagrelasyon siya sa mga babae. Kaya maghintay ka na lang diyan”
sabagay totoo ang sinabi nitong si bhest. Hindi talaga tumatagal o humahaba pa sa one week ang pakikipagrelasyon niya. Yun nga ang dahilan kaya nakabit sa kanya ang taguring Cassanova eh
“sabagay *sigh* pero sana pag nagbreak sila eh ipahiya siya ni James sa harap ng madaming tao para sirang sira na siya!”
“hay naku bhest gumagana nanaman yang pagkamaldita mo”umiling iling ng nakangiti at nagbasa ng libro
Paano ba naman kasi na hindi gagana ang evil side ko sa Cassandra Andrea Chua na yun eh ang dami niyang pinaggagawa sakin noong mga bata pa lang kami.
* Flashback *
[noong grade 6 palang kami]
“ok class I would like to make a very important announcement” biglang pumasok si ma’am Sanchez sa classroom kaya bumalik na kami sa upuan namin
“meron tayong transferee student dito ngayon at isa siyang half Filipino and half Chinese .. Ms. Chua please introduce yourself” tinitigan naming lahat ang transferee student. Mukha naman siyang mabait at friendly
“Good morning everyone my name is Cassandra Andrea Chua. I just came home from Nanjing China last week. I’m a half Filipino and half Chinese citizen, but don’t worry I know how to speak tagalog also that’s why we can still understand each other. I hope that we can all be friends.” Wow mukhang bigtime siya ah biruin mo kakauwi pa lang niya galing ng china
“Thank you Ms Chua you may now proceed to your seat beside Ms. Castillo”
Habang papalapit siya sa may tabi ko parang feel na feel ko naman ang aura niya lakas ng dating grabe
“hi” bati niya sakin
“hi din” sagot ko sakanya with matching kaway
Habang nagkaklase hindi naming maiwasang magkakwentuhan kasi naman binanggit niya sakin yung mga magagandang lugar dun sa china kaya ako naman manghang mangha
After class niyaya ko siyang mag recess at marami pa kaming napagkwentuhan
*fast forward*
Lumipas ang panahon at malapit ng magsummer . Hindi ko na masyadong nakakausap nun si Cass kasi may nameet na din siyang ibang mga friends. Habang ako naman sobrang busy sa dami ng contest na sinasalihan ko katulad ng quiz bee.
Sinusubukan ko namang iapproach si Cass sa tuwing wala akong ginagawa pero hindi niya ako pinapansin at parang wala lang sa kanya kapag nag h.hi ako sakanya
Isang araw inannounce ng adviser namin na magkakaroon kami ng play ng Goldilocks and the Three bears. Inassign ako ng teacher ko na ako ang magiging Goldilocks habang si Cass naman ang magiging mother bear ,si Joseph ang isa pa naming kaklase ang gaganap na father bear at si Kevin naman ang magiging baby bear.
During ng practice naming para sa play na iyon nakikita ko ang mga kaibigan ni Cass dun kung minsan nga nagtataka ako kasi pagnakikita nila ako bigla silang nagbubulungan. Hanggang sa sinabi na lang sakin ni Kevin na
“bhest wag kang masyadong maglalapit sa grupo nila Cass. Nadinig ko kasi na sinisiraan ka ng mga kaibigan niya sa kanya “
“huh? Eh bakit naman? Ano bang ginawa ko sakanila?”
“eh kasi naiingit sila sayo dahil ikaw ang nakuha para maging Goldilocks at nadinig ko din mula kay Cass na galit daw siya
“ano namang kainggit inggit dun? Kasalanan ko ba na ako ang nakuha para sa roll?”
“yun na nga eh palibhasa daw kasi masyado kang papansin sa mga teachers kaya daw ikaw ang laging nasa spotlight”
“hindi ko na kasalanan kung kapansin pansin talaga ako noh. Tara na nga magpractice na tayo”
Dumating ang araw ng play. Medyo kabado na ako although prepared naman na ako at nakapagpractice ako ng maayos
“bhest goodluck satin! Kaya natin to!” sabi sakin ni Kevin para mapalakas ang loob ko
“oo bhest kayang kaya talaga” napangiti na lang ako sakanya pero kabado pa din ako
Everything went well simula ng nagumpisa ang play. Unti unti na ding nawala ang kaba ko habang uma.acting.
Hanggang sa magkaeksena na kami ni Cassandra.
Nag. Momonolouge ako nun ng bigla niyang tinapakan ang gown na suot suot ko na naging dahilan para gumulong ako pababa ng stage.
Buti na lang talaga at hindi gaanong kataas ang stage kaya hindi ako masyadong nasaktan
Alam kong pasadya yun dahil habang papalapit siya sakin kanina para sabihin ang next line niya iba ang sinabi niya sakin
“simula ngayon. Wala na sayo ang spotlight”
“aray!!!!!”yan na lang ang nasabi ko sa sobrang sakit ng pwetan ko at ng paa ko
Agad namang nagsipagtakbuhan ang mga teachers ko at ang parents ko papalapit sakin
“det-det ok ka lang?”tanong nila sakin
“ok lang po ako yung paa ko lang po ang medyo masakit”
Binuhat na lang ako ng daddy ko papunta sa clinic. Habang ang play malamang tinapos na nila
Hindi talaga ako makapaniwala. Pano niya nagawang ipahiya ako sa harap ng madaming tao
Ganun na ba siya ka desperado na makuha niya yung pansin ng mga teachers namin?
At ngayong high school na kami. Im sure ganun pa din ang nararamdaman niya sakin. Puro inggit pa din sa kadahilanang na sakin nanaman ang lahat ng atensyon ng mga teacher dahil sa galing ko pa rin sa mga major subjects .Nagsimula ito nung 1st year kami bigla na lang siyang nagumpisang makipagkumpitensya sakin. Palibhasa kasi’y palagi kong nakukuha ang 1st place sa klase at halos lahat ng awards ay nahakot ko na pagdating sa mga laban sa math at science.
May mga pagkakataon naman na naagaw niya sakin ang posisyon na yun pero bihirang bihira lang talaga. Pati sa mga beauty contest sa school namin kapag ako ang napipiling maging representative tatayo siya bigla at sasabihing
“ma’am bakit hindi po natin toh idaan sa competition dito sa classroom para maging fair naman ang pagpili ng magiging representative at hindi palaging si anica ang bida”.
Oh diba kaasar?! Nasayo na yung trono aagawan ka na lang bigla.
Siguro nga kaya hindi siya natatakot na makipagkumpitensya sakin eh dahil sa alam niya din na may laban siya.
Well in terms of talino ang paguusapan mga 5 paligo siguro ang lamang ko sakanya Bukod kasi sakin at kay James kasama din si Cass sa listahan ng mga Campus Crush paapat nga lang siya. Siyempre ang una ay si James at ako ang pangalawa si Kevin naman ang pangatlo. kaya nga hindi ako makapaniwala eh
isipin niyo yun nauna pa niyang mapansin si number 4 kesa sakin na number 2! >.<
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanfictionWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...