Chapter 11: truth?
James POV
..si cass nakita ko siya nung biyernes sa sinehan may kasamang ibang lalaki nakikipaglandian at nakikipaghalikan sa loob..
paulit-ulit na tumatatakbo iyan sa isipan ko.
hindi talaga totoo iyon! hindi magagawa sakin yun ni Cass.
"Young Master? Young Master?! may tawag po para sa inyo!"
"sino naman daw iyan?"
"ahmmm ayaw po magpakilala e" habang inaabot sakin ang phone
"ahh sige salamat! iwanan mo muna ako dito mag-isa! ayy teka pakuha na din pala ako ng maiinom salamat!"
*phone*
"hello? sino toh?"
[ wag mo ng balaking alamin pa ang pangalan ko! ]
"huh? e bakit ka ba napatawag? kilala mo ba kung sino ang kausap mo ha?"
[ naman! ang walang iba kundi si Cedric James Fajardo na nagpapakatanga sa kanyang flirty girlfriend na si Cassandra Andrea Chua! ]
"ANONG SABI MO?! SINO KA BA HA? AT ANONG KARAPATAN MONG SABIHING FLIRT SI CASS?"
[ ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi ng Cass mo!!! ]
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! SINO KA BA HA? BAKIt AYAW MONG SABIHIN SAKIN ANG PANGALAN MO? akala mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? ni wala ka ngang ibedensya e"
[ ebidensya ba ang hanap mo??? ]
BLAG ! CLAAAAAAAAASH ! *may bumato sa bintana*
[ ayan tignan mo iyang envelope na iyan at para malaman mo! ]
"ha??" binuksan ko yung envelope at nakita ko ang mga pictures ni Cass kasama ang .... "SINO ANG LALAKING TOH? AT SAAN MO NAKUHA ANG MGA ITO???"
[ gulat ka noh? HA-HA-HA yung lalaking hinakalikan ng girlfriend mo e boyfriend ko! saan ko nakuha? HA-HA-HA syempre malapit ako kay Cass kaya naman madali ko lang silang makuhanan ng litrato. ngayon naniniwala ka na ba kay Anica? ]
"teka! b...ba...bakit mo alam ang tungkol sa nalalaman ni Anica?"
[ kasi nandun ako nung binabantaan siya ni Cass! ]
"e...eh sino ka ba ha? bakit ayaw mo magpakilala sakin?"
[ hindi na mahalaga iyon ang mahalaga malaman mo na niloloko ka ng taong mahal mo! ]
TOOOOOOT ... TOOOOOOOT ... TOOOOOT!
"AISH!" >.<
sino ba ang babaeng yun? bakit andami niyang nalalaman masyado tungkol samin? >.<
totoo ba ang mga yun? baka naman edit lang at isa siya sa mga haters namin? pero si Anica....
..si cass nakita ko siya nung biyernes sa sinehan may kasamang ibang lalaki nakikipaglandian at nakikipaghalikan sa loob..
hindi kaya totoo ang mga sinasabi nila ? >.<
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
Fiksi PenggemarWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...