Chapter 4: sheeeeeym
(kinabukasan)
Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko kahapon. Ang alam ko sila pa din ni James hanggang ngayon. Dahil sinabi pa sakin ni Kevin kahapon na nakita niya silang dalawa na nagkiss pa bago umalis si James papunta sa practice niya para sa competition niya. Himala nga nagtagal sila ng 1 month kasi usually every week iba ibang babae talaga ang kasama niya .
“bhest ano nanaman nangyari sayo? Bat ang lalalim ata ng iniisip mo?” nandito nanaman nga pala kami sa isang lugar kung saan maraming nag.a.arcade. yeah! it's like Quantum at ngayon naglalaro na naman si kev ng Guitar Hero.
“wala naman. May iniiisip lang ako tungkol sa assignment natin?” hindi ko pa nasasabi sakanya yung tungkol sa nakita ko kahapon dahil nga sobrang busy siya sa panunuod ng movie kahapon
“wag kang magsinungaling sakin bhest . alam kong hindi assignment ang iniisip mo. Nakakalimutan mo bang wala tayong assignment ngayon? So ano ang iisipin mo?” aray kala ko pa naman lulusot na ako
No choice na ako, alam kong wala akong lusot dito sa ugok kong bestfriend.
“eh kasi bhest , kahapon habang nanunuod tayo ng movie may nadidinig ako sa may bandang likod natin na naglalandian. At dahil hindi ako makapagconcentrate sa pinapanuod ko at pamilyar pa ang boses nung babae sakin kaya ayun nakiusyoso ako”
“oh at kanino naman palang boses yun?”
“kay Cass”
“ah talaga. Grabe sila ni James ah pati sa sinehan nagagawang maglandian”
“hindi bhest.. hindi si James ang kasama niya. Ibang lalaki”
Tumigil na si Kevin sa paglalaro at umupo sa tabi ko
“huh? Pano mo naman nasabi na hindi si James yun? Nakita mo ba yung mukha ng lalaki?”
“oo noh nakita ko. Tsaka hello!!! Ako kaya tong patay na patay kay James kaya alam ko kung pano siya magsalita at gumalaw! Basta lahat lahat!!”
“eh di ikaw na ang stalker”
“tss”
“so ano ng balak mong gawin?”
ano nga bang gagawin ko? sasabihin ko ba kay james? pero paano? o huwag nalang kaya ako mangielam?
"kung ikaw bhest ano gagawin mo?"
"edi sabihin mo na lang kay james! at least malaman niya yung totoo diba?"
ang hirap kaya! siya kaya yung magsabi ng ganun diba? tsaka buti kung ganun kami kaclose noh? aish! naman oh.
"pero paano?" ng biglang may dumating na kagroup ni kev. yung base guitarist nila na si jeremy
"KEEEEEEEEEV!" makasigaw naman yun parang walang bukas >.<
"oh bakit?" sabi naman ni kev habang napatingin siya kay jeremy
"halika laro tayo ng basketball" aya ni jeremy habang nakangisi pa sakin.
infairness cute toh si Jeremy. pero syempre mas gwapo naman toh si James ko noh.
"ahmmmm bhest okay lang? o gusto mo sama ka nalang! lapit lang yung court dito" tanong sakin ni kev.
"ehhhh sige na nga!" pumayag nalang ako wala naman akong gagawin sa bahay e.
tumayo kami lumabas na kami sa Arcade World ng... ng....
ng nakita ko si CASS papalapit sakin! O.o
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanfictionWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...