Chapter 12: a favor
Cassandra's POV
"o heto inumin mo muna!" inabot sakin ni Kev yung juice
"ayy salamat!"
"ahmmm bakit ka pala napadaan dito? tagal mo na din di pumupunta dito ah yung last e yung tay..."
"pwede ba kevin! walang kinalaman sa pagpunta ko dito ang past!" ang siningit ko sa sinasabi niya
tsk ang pinaka ayaw ko talaga eh yung pinaguusapan ang past eh. Past na nga eh so dont discuss na >.<
"ok sige. so ano nga ang pinunta mo dito? bat ka napadaan?" umupo na lang siya sa katapat kong upuan
"alam kong hindi ko madaling mapapakiusapan ang bestfriend mo na wag sabihin ang nalalaman niya kay James. kaya naman nagpunta ako dito para ikaw na mapakiusapan ko para kumbinsihin siya na wag ng magsalita"
binigyan lang niya ako ng isang nakakalokong ngiti. nakaka-asar! gwapo pa din siya pero tsssss mas kailanga ko si James.
"ano naman ang pumasok sa utak mo at nakasisiguro kang tutulungan kita?"
"ha. simple lang pag hindi mo kasi ako tinulungan gagawin kong miserable ang buhay ninyong dalawa lalong lalo na siya. at alam ko naman na ayaw mong mangyari yun diba?"
napansin ko na medyo nagkaroon na siya ng worried look kaya naman alam kong panalo na ako.
"sige na tutulungan na kita. basta wag na wag mo lang gagalawin si anica"
i grinned at him "madali ka naman palang kausap eh.sige na yan lang talaga ang pinunta ko dito at ayaw ko ng magtagal kaya aalis na ako. salamat sa tulong mo"
tumayo na ako at nilapitan siya at hinalikan sa pisngi "make sure that you'll do it honey" binulong ko sa kanya at saka umalis na
* kinabukasan *
Anica's POV
Sobrang bigat pa din ng pakiramdam ko ngayong paggising ko. pakiramam ko pasan ko ang buong mundo =_____=
“haixt pano ko kaya haharapin si James ngayon, sigurado galit pa din siya sakin.” Nakatingin lang ako sa may kisame ko at napapabuntong hininga
“Kailangan kong makahanap ng malaking ebidensya para mapatunayan lahat ng sinasabi ko at hindi na siya magalit. Kaya lang pag ginawa ko naman yun lagot pa din ako kay Cass."
"Whaaaaaaaaaa ano ba kasing gulo tong pinasok ko eh kung hindi ko na lang sana nadinig at nakita yung mga bagay nay un eh di sana studies ko lang ang inaalala ko at hindi ang ibang tao”
TOK! TOK! TOK!!
“Sino yan?” istorbo naman toh sa pagiisip ko oh
“Ms. Anica nakahanda na po ang breakfast ninyo sa baba. Mag ready na po kayo baka malate na kayo”
Si yaya lang pala tss =_____=
Tumayo na lang ako at agad ng nagready para pumasok. Pagkatapos nun bumaba na ako at kumain
“yaya anong oras po umalis si Kevin kahapon?” hindi ko na kasi napansin kung anong oras siya nakaalis dahil nakatulugan ko na siya habang nanunuod kami
“mga past 11 na po Ms” sagot niya sakin
Binilisan ko na ang pagkain ko at saka nagpahatid na sa driver ko
Pagkadating ko sa school nakita ko ang mga estudyante sa quadrangle na nagkukumpulan at parang may pinanunuod
"ano kaya ang meron dito??" =______= makalapit nga. "Excuse me po....paraan po!..."
me - O.o
si Cass humahagulgol sa harap ng lahat at may....
may....
may mga nagkalat na picture at isang Voice recorder
-------------------------------------------------------------------------
eto na po yung UD namin =) hope you like it guys =)
please Vote and Comment po =))
thanks
xoxo
~pinkyblue :-*
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanficWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...