Chapter 10: confession

70 3 0
                                    

Chapter 10: confession

Kevin's POV

"owwwwws? talaga? eh nakita mo si James dun? nandun siya kanina ah paalis mula sa kinauupuan mo. may hindi ba ako nalalaman ha bhest?"

sana naman umamin na siya para naman kahit papaano matulungan ko siya =_____=

"a-a-ahh kasi bhest..aish hindi ko alam kung pano ko sisimulan..." bakit ba tensyonadong tensyonado to? gaano ba kalaki yung tinatago niyang lihim sakin?

"bhest kasi nung sabado nung nagkausap kami ni Cass pinagbantaan niya ako na wag na wag kong sasabihin kay James yung mga nakita ko at nadinig nung Biyernes kundi gagawin niya daw miserable ang buhay nating dalawa sa loob at labas ng school. maybe for the rest of our lives."

WHAT?! nagawa niyang magbanta ng ganun kay Anica?

kahit kailan talaga wala na siyang magawang matino

"At kanina naman nung pumunta ako sa soccer field.."pagpapatuloy niya "naglabas ako ng sama ng loob dun at kinakausap ko ang sarili ko..pero nadinig ako ni James.. muntik ko ng masabi sa kanya ang totoo nung nasa soccer field kami pero biglang dumating si Cass..kaya naman pinapunta na lang niya ako MCC para dun ko daw sabihin sakanya ang kung ano mang nalalaman ko"

"so ano? nasabi mo ba lahat?"

napansin kong lumungkot ang mukha niya at napahinga ng malalim

"oo nasabi ko..pero hindi siya naniniwala sakin..sinabi niya na nagsisinungaling daw ako.. at ang parents daw ni Cass ang kasama niya nung biyernes..at isa lang daw ako sa mga haters nila ni Cass na gustong sirain ang relasyon nila..kailangan ko pa daw maglabas ng ebidensya para maniwala siya sakin"

Nilapitan ko na lang si Anica at niyakap para i comfort. pagkatapos niya kasing ikwento sakin yun bigla na lang may nangilid na luha sa mga mata niya

Nung tumigil na siya sa pagiyak inaya ko na lang ulit  siya na manuod ng dala kong cd..buti na lang at kahit papano natatawa siya dun sa pinapanuod namin at naramdaman kong gumaan din kahit pano ang pakiramdam niya. kaya lang nakutulog na siya habang nanunuod kaya iniwan ko na lang siya dun at umuwi na samin.

habang naglalakad ako di ko pa din makalimutan yung mga sinabi ni Anica sakin.

para bang... ang sama-sama kong kaibigan sa kanya =___=

di ko man lang siya nagawang tulungan.

"AISH buhay nga naman! anak ng...... nasaan na yung sing-sing ko? bakit ngayon pa nahulog? ang dilim-dilim e" =________=

"ito ba yung nahulog mo???"

Kevin - O.o

"C....Cass???"

Wanted: True Love (ongoing series)Where stories live. Discover now