Chapter 5: awwwww O.o
Kev's POV
kanina pa toh si Anica tulala! kanina pa ako daldal ng daldal dito pero wala siyang sinasabi. bakit ba ganito toh? ilang araw na toh tulala ah.
"HOY!!!" sigaw ko kay Anica at nabatukan ko pa.
"ARAY NAMAN! sabing wag mambatok e ang sakit kaya! ano ba?"
"sensya! kasi naman e kanina pa ako nagsasalita dito tapos wala ka man lang sinasabi. para akong nakikipag-usap sa hangin! ilang araw ka na tulala ah!"
"ano ba yung sinasabi mo ha?"
"hindi ano ba yung iniisip mo ha?" habang umupo naman ako sa tabi niya at nagbukas ng libro tahimik kasi ngayon sa room e walang teacher at alos lahat ng kaklase namin lumabas.
"wala toh! hayaan mo muna ako! ahmmm punta lang ako sa field ha!" tapos tumayo na siya! utak talaga nung babaeng yun di man lang ako inaya! >.<
Anica's POV
napapansin na ata ni bhest na tulala ako. naman kasi e! =(
nandito ako ngayon sa Soccer Field. walang nanglalaro kaya wala masyadong tao dito. ang sarap magmuni-muni walang magulo at walang Kevin na mambabatok >.< at walang Cass na... aish!!! bakit ba kasi ako ganito? bakit ko ba iniisip yung mga sinabi niya nung sabado? ang saklap!
* Flashback *
tumayo na kami at lumabas sa Arcade World ng nakita ko si CASS papalapit sakin! O.o
"pwede ba tayong mag-usap?" habang nakatitig siya kay Kev.
"ha? e kasi aalis kami nila Kev ngayon e. sige una na ako!" at agad-agad na akong tumalikod sa kanya.
"TEKA LANG! huwag na huwag mo kong tatalikuran Anica Rhodette Castillo!" sabay hila sa buhok ko.
"ARAY NAMAN! ano bang problema mo ha?"
"WOW! nagtanong ka pa talaga. ang kapal naman ng mukha mo! malamang ikaw ang problema ko diba?" oh my! pinagtitinginan na kami ng madaming tao! patay ako nito pag may nakakilala sakin TT_______TT
"Cass! wala naman ginagawa si Anica sa iyo ah! ano bang problema mo ha?" yiieeeeeeee pinagtatangol ako ng bestfriend ko ^__________^ ayy teka lang sino naman yung 2 babaeng nasa likod ni Cass?
"kung ayaw mo gumawa ng eskandalo dito Anica sumama ka samin!" pataray niyang sabi. waw ah! parang di pa eskandalo tong ginagawa niya sakin.
"ahmmmm osige na sasama na ako!" habang nakatingin ako kay Kev at alam kong wala siyang magagawa sa sinabi ko.
hinila ako nung dalawang babae niyang kasama! aray naman makahawak naman tong dalawang toh sakin yung porselana kong balat baka magasgas! my gawd!
sumakay kami sa kotse nila Anica.
"saan niyo ba ako dadalhin ha?" tanong ko habang tinatanggal ang mga kamay nila sa braso ko.
"wala dito lang tayo sa Parking Lot! kakausapin lang kita Anica the wonder girl!" ano daw? wonder girl? compliment ba yun?
umalis yung dalawa niyang alalay. gawsh! kinakabahan ako ano naman kaya ang sasabihin niya.
"Anica Rhodette Castillo!" pasimula niya
“oh bakit?” sarcastic kong tanong
“alam kong nasa sinehan kayo ni Kevin kahapon at alam kong nadidinig mo din kami ng kasama ko na may ginagawa kahapon sa may likuran ninyo. Anica eto lang ang sasabihin ko sayo. Don’t you even dare na sabihin kay James ang mga nakita mo o nadinig mo man kahapon. Or else sisiguruhin kong magiging miserable ang buhay mo at ni Kevin in and out of the school for the rest of my life. Do you understand?”
Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. Iniisip ko kasi kung pano niya nalaman na nadun ako.
Grabe siya na nga tong nanloko siya pa tong may ganang mag banta samin
At dinamay pa niya ang bestfriend ko ha
Ano nga ba talaga ang habol ni Cass kay James?
Love or fame?
Pagkatapos niyang sabihin ang mga pagbabanta niya sakin tinapon na lang nila ako ng parang basura palabas ng kotseng sinasakyan nila at saka umalis.
* end of flashback *
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanfictionWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...