Chapter 9: naglilihim siya? =______=
Kevin's POV
"kanina pa po siya umalis eh! pupunta po ata ng Metroville Covered Court" HUH? sa MCC siya pupunta? anong gagawin niya dun?
"ahhh sige po Ate Inday salamat po ah"
grabe naman! ako yung bestfriend di ko alam kung saan pumupunta samantalang yung kasambahay alam >.<
TOOOT! TOOOT! TOOOT!
hala! bakit naka.off yung phone nung babaeng yun. naman talaga oh! makatakbo na nga baka kung ano pang-nangyari dun.
"HOY! Kevin! bakit nandito ka? tapos na practice ah!"
"ayy hindi Jeremy! hinahanap ko si Det-det pumunta daw dito e. nakita mo ba?"
"hindi e. di ko nakita! tignan mo nalang dun sa likod malapit na magsara tong Court baka masaraduhan yun. Sige na pare una na kami ah"
"osige! salamat!" naman oh! nasaan na ba yung babaeng yun
t....te....teka! si James yun ah! bakit siya nandito? e ang layo nung bahay nun dito!
hindi kaya??? O.o
"DEEEEEEEEEEEET!" umiiyak ba siya??? O.o
"oh bhest bakit ka naman nandito?" pinupunasan niya yung luha niya
"umiiyak ka? e kasi pumunta ako sa bahay niyo sabi nung kasambahay e pumunta ka daw dito"
"hindi ah! bakit naman ako iiyak? ang lakas nung hangin kasi napuwing ako!! toh talaga! halika uwi na tayo" puwing? e bakit ganun yung ilong nun? namumula na?
"osige! halika na tayo na!"
lumabas na kami sa court 2 kanto lang ang layo nito sa bahay nila kaya naman naglakad nalang kami di din pala siya hinatid nung driver niya tsss
ang tahimik! di siya nagsasalita. ano bang problema nito? tsaka bakit nandun si James? hindi kaya may kinalaman toh kay Cass? nakow =______=
"bhest pasok na!" ayy nandito na pala kami di ko man lang napansin
"osige! oi nuod tayo ng movie! ito oh may dala akong DVD"
"ha? e kasi ano e magrereview pa ako gusto mo nuod ka nalang sa kwarto ko tapos ako magbabasa?" review? para saan? nerdy talaga :(
"sige okay lang din!"
pumasok na kami sa bahay nila. ang ganda talaga ng bahay nila. ang lawak. pero ngayon palang ako makakapasok sa kwarto niya.
mayaman din ang pamilya nila kasi yung Daddy niya yung Vice President sa Mall ni Dad. oha-oha?!
nandito na kami sa kwarto niya. ang ganda! kwarto talaga ng pambabae.
more on color pink. tapos ang dami niyang stuff toys. ganyan ba yung mga babae mahilig sa stuff toys??
"HOY bhest! sabi ko anong gusto mong inumin?" ayy nagtatanong pala siya
"ahmmm ikaw bahala kahit ano. pabukas ng Laptop ah"
"oi wag! manuod yung TV set lang pwede mong galawin" sabay agaw sakin nung laptop
"DAMOT MO TALAGA! nunuod na nga ako"
infairness itong babaeng toh di naman mahilig sa TV pero may TV set sa room niya.
"Det-det, bakit pala pumunta ka sa MCC? anong ginawa mo dun?" habang kinukuha yung inaabot niyang baso
"huh? e wala! akala ko nandun ka e" talaga lang ah liar =______=
"owwwwws? talaga? eh nakita mo si James dun? nandun siya kanina ah paalis mula sa kinauupuan mo. may hindi ba ako nalalaman ha bhest?"
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
FanfictionWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...