Prologue:
Lahat ng tao dadaan sa stage na nagmamahal.
Ako din nagmahal.
Yung taong kauna-unahan kong minahal ginawa ko siyang mundo ko.
Akala ko yung mga pangako namin sa isa’t-isa matutupad namin.
Nagkamali ako.
Lahat binigay ko.
Nagpakatanga ako.
Lahat ng sinasabi niya sakin naniwala ako
Minahal ko siya ng sobra-sobra.
At ngayon?
Nasasaktan ako.
Lahat ng tao may true love.
Akala ko siya na yung true love ko.
Pero ngayon nalaman ko na hindi mo pala masasabi na kung sino ang true love mo.
Hindi mo masasabi na yung taong minamahal mo ngayon e true love mo
Hindi mo masasabi na yung taong nagtraydor sa’yo e true love mo
Hindi mo din masasabi na yung taong kinasusuklaman mo e yung true love mo
Kundi tadhana lang at Diyos ang siyang makakapagsabi kung sino ang karapat-dapat sayo.
Sabihin mo man sa sarili mo na mahal na mahal mo siya at ayaw mo siyang iwan pero kung ang nakatakda sayo e iba wala kang magagawa dun.
TRUE LOVE.
Ano ba ang ibig sabihin ng true love?
Totoong pag-ibig ?
Siguro sa literal iyan yung ibig sabihin.
E yung taong totoong umibig?
Siguro pwede na.
Pero sakin ang ibig sabihin ng true love.
e yung...
taong nakalaan para sayo
sa hirap at ginhawa
sa lungkot at saya
maski sa kamatayan pa walang iwanan.
wala iyang qualities
kung maganda man o pangit
kung pandak man o maliit
kung payat o mataba
maski sa edad di na napapansin iyan.
iyan yung true love.
Pero totoo ba yung lahat ng tao may True Love?
yeah! lahat ng tao may true love
kaya sabi nila wag daw maghanap ng true love
Kusa daw kasi yung dumarating…
Pero tao lang tayo diba?
Kaya ikaw nahanap mo na ba ang true love mo?
** author's note **
- please read po niyo yung whole story pag napublish ng buo. then leave comments for critics and suggestions :)) vote if you like. thanks po ^________^v super thank you po talaga :D
YOU ARE READING
Wanted: True Love (ongoing series)
Fiksi PenggemarWanted: True Love ay tungkol sa babaeng hindi sumusukong magmahal kahit ilang beses na siyang nadadapa at nabibigo. Siya'y naghahanap ng kanyang True Love. Totoo nga ba ang True Love? ehh kailan kaya yun darating sa ating bida? samahan niyo siya sa...