Chapter 1: (C)Kruz

382 34 8
                                    

Chapter 1: (C)Kruz



SA ILALIM ng puno malapit sa riverbank, nandito ako nakaupo habang umiiyak.

Marami ng nakakapansin sa'kin lalo na ang mga batang naglalaro sa damuhan. Pero inignora ko lang sila dahil nanatili lang na nakatutok ang mga mata ko sa bulaklak na halatang pinaglaruan. Sirang-sira ang mga talulot nito kahit hindi pa man siya gaanong namumulaklak. Maging ang ugat nito na dapat ay nasa ilalim ng lupa ay ngayo'y nakahiwalay na sa tangkay.

Sabado no'n at katatapos lang namin mag-agahan para sana pumunta sa flower shop pero agad akong napahinto nang makita ko ang ilang bata na pinaglalaruan ang isang kawawang bulaklak na nakita ko lang kahapon na magandang nakatayo katabi lang ng punong mangga. Pero ngayon ay animo ito dinaanan ng bagyo.

Nakakaawa kasing tignan na ang malaya, tahimik, at napakagandang bulaklak ay ganito lamang pinaglaruan. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na pagmasdan ang ganda ng lugar na kinatatayuan niya. Na langhapin pa lalo ang sariwang hangin sa tuwing bukang liwayway, at maramdaman niya pa ang dala ng init ng araw sa tuwing sisikat ito. Pero hindi na nga iyon mangyayari.

Nakakadismaya. Nakakalungkot.

"Alam mo, hindi talaga bagay sa'yo ang umiiyak."

Nawala ako sa napakalalim na pag-iisip at lalong lumakas ang hagulhol ko nang marinig ang boses na iyon.

"Err, sinabi ko 'yon para tumigil kana sa pag-iyak pero lalo ka namang umiyak." Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod na lagi niyang ginagawa. "Nakalimutan kong magdala ng panyo kaya dito ka na lang muna magpunas sa damit ko."

"Ha?" suminghot ako. "First time 'to, ah."

"Agad kasi akong pumunta rito ng tumawag sa'kin si kuya Hal."

"Si kuya? Nakita niya ako?"

"Uh-huh. Kagagaling lang niya sa grocery store ng makasalubong ako. Tapos 'yon nga, sinabi niya sa'kin na nakita ka nga niya rito. Umiiyak."

Lumapit ako sa kanya saka hinila ang manggas ng damit niya at do'n nagpunas ng luha. "Nahuli ako. May namatay na naman na bulaklak, Maythe. Kawawa naman siya! Kung mas maaga pa sana akong umalis sa bahay, 'di sana..."

He sighed. "Naging napaka-sensitive mo na talaga since nang araw na 'yon." Naramdaman ko ang pag-galaw niya at may kung anong kinuha. "Xan, listen here, hindi mo siya hinayaan mamatay. Ang totoo nga niyan, nailigtas mo pa siya."

"Ha?" Napaangat ako ng tingin at hawak na niya ang bulaklak.

"Ang akala mo ba'y hindi ko siya napansin kahapon? Pagdaan ko galing sa flower shop ay nakita ko rin siya, it's as if she was waving at me. But until yesterday, medyo matamlay na siya. Hindi na siguro niya kaya so I was planning to—"

"Kill her?"

"No." May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na white plastic at may butas-butas. "Ilalagay ko siya rito."

"Sa plastic? Ba't mo siya ipaplastic?"

"Because I'm gonna preserve her. Alam mo iyong biomedical na bagong experiment ni Mom? It can preserve flowers."

"Talaga?!"

"Yes. It's much better kasi para pa rin silang buhay."

Napanguso ako. "Ayoko no'n. Mas maganda pa rin silang makita kapag nabubuhay silang nakatayo sa lupa."

Napangiti siya at tinulungan na lang akong makatayo. "Tara na. Baka hinahanap ka na ni Tita Jinelle."

"Pero hindi pa natin nadadalaw si Anonym."

The Anonymous Flower [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon