Chapter 11: His Answer
"XIAN, are you sure you'll be fine on your own?"
"For the tenth time, kuya, kaya ko na." Umangkas ako sa bike nito na hihiramin ko muna. Siya na rin naman mismo nag-insist na magbike na lang para madaling makapunta sa bahay nina Maythe. "Kaya huwag ka na mag-alala, okay?"
Sumandal lang ito sa bukana ng pinto namin at nakapamulsahan na tumango. "All right. Kaya mo na."
"Salamat. Bye!"
"Alagaan mo ang bike ko! Ayokong may makitang gasgas iyan!" Narinig ko pang sigaw nito habang papalayo ako sa kanya.
Nang araw na 'yon, saglit ko lang binisita si Maythe na nadatnan kong natutulog pa rin, para siguraduhin na bumaba na ng tuluyan ang lagnat nito. Pero mukhang agad na rin naman itong gagaling dahil sa nakikitang pag-aalaga nina Tito at Tita sa anak. Nadatnan ko pa kasi silang natutulog sa sala dahil pumasok na ako nang walang sumasagot sa tawag ko, saka nakita ko namang bukas ang pinto. Pero dahil nga doon ay nalaman kong buong magdamag silang nagbantay sa anak na kinatulugan na nga sa sala.
They even forgot to locked the main door.
After staying for a little while ay umalis na ako sa bahay nina Maythe at agad na dumiretso sa riverbank. Naalala ko kasi si Anonym na nakalimutan namin kagabi dahil sa pag-aalala kay Maythe. Pero kahit alam kong imposible ay hiniling ko pa rin na sana'y buhay pa ang bulaklak.
Ngunit nadismaya ako ng pagdating ko doon ay wala na ang bulaklak. Pero ang lupa at ang paso ay nanatiling nakakalat sa daan. Inisip ko kung nasaan si Anonym, nagbakasakali ako na baka may tumapon sa kanya sa tabi pero kahit anong gawin kong hanap ay hindi ko nakita ang bulaklak.
I would've given up if I want to. Pero agad ring pumasok sa isip ko na meron pang isang lugar para dugtungan ang pag-asa kong makita ang bulaklak. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras na pumunta sa shop ng lolo ni Maythe.
At doon ay nadatnan ko si ate Diane.
"Ate Diane!" Habol ang hininga na lumapit ako rito na hindi na nagulat ng makita ako.
She smiled. "I knew you'd come."
"Ha?"
Ngumiti ito at saglit nawala sa likod ng flower shop. Pagbalik ay may dala-dala na itong isang paso at doon ay nakita ko ang bulaklak na animo sumasayaw pa nang makita ako.
"P-Paano mo ate..."
"Si Hal," aniya.
"Si kuya Hal?"
Tumango siya. Maingat niyang inilapag ang paso ng bulaklak sa counter table. "Tinawagan niya ako kagabi, sinabi niya sa akin na ako na raw bahala kay Anonym. No'ng una hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin pero pinaliwanag niya rin naman sa akin kung ano nga ang nangyari."
"Ha?"
Lumawak ang ngiti niya. "Don't worry. Wala siyang ibang sinabi kung hindi nabitiwan ni Maythe si Anonym ng pauwi na kayo dahil bigla na siyang nahilo."
Napahinga ako ng maluwang pero nawala ang ngiti ni ate Diane. "I won't ask, Xan. But you can tell me everything whenever you're ready. I'm always willing to listen."
BINABASA MO ANG
The Anonymous Flower [COMPLETED✔]
Short StorySimple lang ang kwento ni Maythe at Xanille. Magkaaway no'ng mga bata pa pero naging magkaibigan paglaki nila. Akala ni Xanille wala ng magiging problema pero... darating palang pala ang dakog sa buhay nilang dalawa. At iyon ang hindi pinaghandaan n...