Chapter 8: Memories

115 30 3
                                    

Chapter 8: Memories



GRADUATION na namin. Ang araw na hiniling ko na sana huwag na lang dumating. Dahil bakit hindi? Ito na rin ang araw na magkakahiwalay na kami ni Maythe. Aminin ko man kasi sa hindi ay nalulungkot ako na isiping hindi ko na siya makikita. Hindi naman kasi habang buhay kailangan na nakadikit sa'kin si Maythe. Kahit kasi sabihin niya na hindi ako umaasa sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na ang presensya niya ang nagiging dahilan kung bakit kaya kong gawin ang lahat.

Pero ngayon na alam kong kailangan na niyang umalis sa tabi ko, makakaya ko pa ba ang mga nagawa ko noon?

Hindi ko alam. 'Yon lang ang sagot ko.

"Welcome Graduates! Especially to the Parents!"

Nagtataka akong napatingin sa gitna ng stage nang magsimula ng magsalita ang MC. And then napasulyap sa gawi ng mga upuan na para sa mga lalaki pero ang upuan na para kay Maythe ay nananatiling blanko.

Wala pa siya. Pero bakit? Late ba siya? Nagsisimula na ang graduation rites.

Don't tell me hindi siya a-attend dahil lang sa nangyari kahapon? Huwag naman sana. Ngayon pa na may sagot na ako sa tanong ko. Ngayon pa na nakaipon na ako ng lakas ng loob para harapin siya't kausapin.

No. Kailangan mong pumunta Maythe. You have to come. Please!

Pero ang usal kong 'yon ay hindi natupad. Dahil hanggang sa matapos ang graduation ay hindi na dumating pa ang lalaki.

Gusto ko ng umiyak ng mga oras na 'yon dahil sa pag-asang unti-unti ng nawawala. Pero bigla na lang lumapit si kuya Hal sa'kin at ibinigay ang phone ko.

I looked at him. Confused. Pero sinabi lang niya na buksan ko ang phone ko dahil may message galing kay Maythe.

Nang marinig ko 'yon ay agad kong binuksan ang cellphone at mabilis na pumunta sa inbox. And then I saw his name.

From: SoulMaythe.

I smiled. Medyo matagal na rin ng masilip ko ang mga message niya. Dahil nga sa pangungulit niya sa'kin kung ba't ko siya iniiwasan, pati sa text ay hindi ako tinatantanan kaya in-off ko muna ang phone ko.

And then napaisip ako.

"How—"

"Kinuha ko 'yan sa ibabaw ng sidetable mo bago tayo pumunta rito," si kuya na inunahan na ako. "dahil alam kong kakailanganin mo."

Napangiti ako sa kapatid ko. "...Kuya." Niyakap ko siya.

"At alam ko na rin namang nakapagdecide ka na."

Napatingala ako sa kanya. "Paano kung—"

"No. It's not too late, as long as naniniwala ka sa kanya." My brother kisses my forehead. "Go. Maythe's waiting."

"Kuya Hal..." I can't help but to cry. "You are the best brother ever."

Humiwalay na ako sa kanya at aalis na sana ng may maalala kaya naman bumalik ako.

"Did you forgot something?"

"Yes. This..." I tiptoed and gave him a quick kiss on his cheeks which made him smiled. "I love you, kuya. At oo, alam ko na ang gagawin ko."

He ruffles my hair. "You're really growing up. But please, take your time."

I laugh. "I will!"

Pagkapaalam ko sa kanya'y agad na akong tumalilis paalis. Nakasalubong ko pa nga sina Wendy at Patricia pero hinubad ko lang ang toga at isinampay kay Patricia na nagalit pa.

The Anonymous Flower [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon