Chapter 14: The Truth
“XIAN..” Masuyong hinaplos ni kuya Hal ang buhok ko habang nananatili akong nakatago sa dingding na ito. Pagkuwan ay dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko. “Takot ka bang makita siya?”
“H-hindi.” Bulong ko. Nakatakip pa rin ang mga palad sa bibig. “I..I'm not scared, kuya Hal. Hindi ko lang alam kung paano siya harapin.”
“Why? Diba matagal mo ng hinihintay na bumalik si Maythe?”
Sa narinig ay napatango-tango. “Oo. Gustong-gusto ko siyang makita na halos hindi ko na alam kung anong gagawin.”
“Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, Xian. Just be yourself as always whenever you're with Maythe.”
Napasapo ako sa dibdib at saka pumikit. Tama. Kuya Hal was right. Kapag kasama ko si Maythe, wala na akong pakialam sa lahat. As long as I'm with him. Huminga ako ng malalim. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili para ihanda sa muling pagkikita namin ng lalaki.
“Xanille, okay lang kung hindi ka pa handang makita ako. Just..Just let me hear your voice, it's already enough for me.”
Napamulat ako nang marinig ang boses ni Maythe na bagama't halatang pagod ay ang nakangiting mga labi pa rin nito ang nakikita ko isip ko.
Always trying to put up a strong front so I wouldn't worry about him.
“Oh, Maythe..” Itinulak ko ang sarili palayo sa dingding at marahan na muling hinarap ang pinto. Nang hindi pa rin ako naglalakad ay naramdaman ko ang palad ni kuya Hal sa likod ko. Napalingon ako rito.
“Need some little push?”
I smiled. “Nah. Right now, I have to do this on my own. So maybe next time?”
Natawa siya pagkuwan ay ginulo ng bahagya ang buhok ko katulad ng palagi niyang ginagawa kapag natutuwa siya. “Then, just let me do this. 'Coz I think I won't be able to do this much anymore.”
“Ha? Bakit naman?”
“Well, dahil hindi na ako kakailanganin ng little sister ko ng matagal.”
“What? At ano namang gusto mong sabihin?”
“Because, Xan, eventually you'll do things on your own without needing anyone's help.”
Umiling ako. “You never know, kuya. Sa ngayon siguro hindi ko kailangan ng tulong.”
Natigil na si kuya sa paggulo ng buhok ko kaya tumalikod na ako rito at dahan-dahan ay sinimulan kong maglakad.
“Pero sa mga susunod na mga araw at panahon, alam kong kakailanganin ko kayo, kuya. So please, until then watch my back because next time I'll be needing your shoulders.”
Hindi ko na narinig ang sagot ni kuya Hal pero alam kong nasa likod ko pa rin ito. Naghihintay lang siya ng tamang oras para alalayan ako. Ngunit sa ngayon, kailangan kong maging malakas sa harap ni Maythe. Kahit na sa bawat hakbang na ginagawa ko ay hindi ko maikakaila ang unti-unting dinudurog na puso ko habang papalapit rito. Pero magkaganun man ay kailangan kong panatilihin ang ngiti sa mga labi ko para kahit papaano ay maitago ko ang mga emosyon na naglalaro sa mga mata ko.
Kahit na alam kong mahahalata rin niya iyon. But good thing to Maythe is, hindi niya iyon pinupuna. Dahil nagpapanggap rin siya na hindi niya iyon nakikita.
“Hi,” aniya ng tumigil ako sa tabi ng kama nito. Nakatingin siya sa akin na bagama't halata ang kapaguran sa mga mata ay ang tamis ng ngiti niya ay hindi nawawala. “You let me finally see you.”
BINABASA MO ANG
The Anonymous Flower [COMPLETED✔]
Short StorySimple lang ang kwento ni Maythe at Xanille. Magkaaway no'ng mga bata pa pero naging magkaibigan paglaki nila. Akala ni Xanille wala ng magiging problema pero... darating palang pala ang dakog sa buhay nilang dalawa. At iyon ang hindi pinaghandaan n...