Chapter 13: Presence

107 29 5
                                    

Chapter 13: Presence



"NASA'N na kaya sila? Sabi nila dito lang sila mauupo." Nilingon-lingon ko pa ang paligid habang hinahanap sina Wendy at Patricia matapos iwanan ako sa gymnasium at sabay itong pumunta sa soccer field para makapanood ng game.

College Festival kasi ng school kaya heto at abalang abala ang mga students sa kanya-kanyang activities. At ang ganda na nga sana ng pinanonood namin na basketball kanina nang iwanan nila ako matapos malaman na mga boyfriend na nila ang maglalaro. Tapos sinabi lang nila sa akin na friends before boys. Pero ayun at sila rin naman bumaliktad sa sinabi nila.

Pero seryoso, nasa'n na ba talaga nagsuot ang dalawang 'yon? Kanina pa ako libot ng libot dito sa audience area ng soccer field, ah. Sa dami ng students dito imposibleng mahagilap ko sila ng walang tulong.

"Xanille! Hey!" Bigla akong napalingon sa taong humawak sa braso ko. Sisitahin ko na sana ito nang matigilan.

"Mason..." saad ko sa lalaki nang makilala ito. Nakasuot ito ng soccer uniform, 1 ang nakalagay doon. "So you're a goal keeper."

"Oh." He smiled. "You know something about soccer?"

"Ha?" Napatingin ako rito pagkuwan ay umiling. "Uh, hindi. Mahilig lang kasing manood si Papa at Kuya ng soccer."

"I see." Tumango-tango ito pero nanatili ang ngiti sa labi nito. "Anyway, I'm glad I found you."

Nagtaka ako sa sinabi nito. "Bakit?"

"Well, Patricia texted me. Sabi nila naiwan ka raw nila sa gymnasium kaya malamang daw ay inis mo na silang hinahanap kanina pa. And I think they were right." Tumawa pa siya ng mahina matapos sabihin iyon.

I sigh. "Sino ba naman kasing 'di maiinis sa ginawa nila? Iniwan lang nila ako sa gymnasium."

Nadagdagan ang tawa nitong iyon. "I know the feeling. Ganyan na ganyan rin ang ginagawa nina Jake at Liam kapag nakikita ang mga kaibigan mo. Iniiwan rin ako sa ere."

Ang dalawang kaibigan nito ang tinutukoy na siyang boyfriend nga ngayon nina Wendy at Patricia. Matagal-tagal na rin sila. Simula yata ng ipangalandakan ni Patricia ang pagkakagusto nito kay Jake nang una nito iyong makita habang naglalaro sila ng soccer ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Sa pagiging makulit ba naman ni Patricia ay hindi yan maiiwasan na mapansin ng lalaki. At dahil kaibigan din ni Jake si Liam ay napansin rin nito si Wendy na siyang nagkagustuhan na rin sa huli. Kaya ayan, nagkaroon sila ng instant lovelife dito sa college.

Kung ako naman ang tatanungin ay hindi ako naghahanap dahil kahit limang buwan na ang nakakalipas ay nananatiling nasa isang tao ang puso ko. At alam kong walang makakapagpabago sa nararamdaman kong 'yon.

"And I don't want to be left behind anymore."

"Ha?" Napatingin ako rito nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin iyon sa bibig nito. "Mason?"

Ngumiti siya habang nakadikit pa rin ang palad ko sa bibig nito. "I know Patricia told me that it's impossible for you to accept anyone as a suitor right now. Because there's already some lucky guy in your heart. But I want to take any chances, even if I know I will only hurt myself."

Habang sinasabi nito ang mga katagang iyon ay hindi ko na pala namalayan ang dahan-dahang pag-awang ng mga labi ko. Naramdaman ko rin ang panunuyo ng lalamunan kaya makailang ulit akong napalunok.

"M-Mason...what are you trying to say?"

"What I mean is," simula niya na dinala pa ang magkahugpong pa rin naming mga kamay patungo sa tapat ng puso nito. "I like you, Xanille. And I want you to give me a chance."

The Anonymous Flower [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon