Special Chapter
"HEY, Love."
Mula sa binabasang libro ay napaangat ako ng tingin nang marinig ang tinig na iyon ng asawa. Kadarating lang nito mula sa trabaho.
"Hi," bati ko dito. Napangiti pa ako ng mapansing karga na nito si Jaythe. "Mukhang naunahan naman ako ng anak mo na salubungin ka, ah."
Tumawa ito na ibinaba muna ang anak saka ako nilapitan para bigyan ng halik sa pisngi. "I'm still waiting for my kiss, you know."
"Haha, alright." I gave him a peck on his lips na lagi kong ginagawa kapag umuuwi ito. "Welcome home."
He smiled. "Glad to be home. Can I have mo---"
Pero bago pa man ulit makalapit si Mason ay hinila na ito ng anak palayo sa akin.
"Papa! I gotta tell Mama now! Please, please!"
Mula sa asawa ay natuon ang tingin ko sa anak. "Tell me about what, sweetie?"
"Papa?" ang humihinging permiso ni Jaythe sa ama. Nalilito man ay tinignan ko na lang muli ang asawa.
Kung ano man kasi ang dalang balita ng mag-ama ay halatang masayang masaya si Jaythe na ipaalam iyon sa akin.
"Well, may sasabihin sana ako pero as you can see, mas excited siya na magsabi niyon." Natatawang turo ni Mason sa anak na patuloy hinihila ang manggas na suot niyang white long sleeve. "Okay, buddy, calm down now. If you don't I won't let you tell Mama."
"Okay!" sagot nito na mabilis pa sa alas kuwatrong binitiwan ang damit ng ama. Pero habang nakatayo ay hindi nito mapigilan ang umundo-undo sa kinatatayuan.
"O~kay? Kung ano man 'yan, I hope its a good news," wika ko na lang na inilapag sa kandungan ang libro saka tinignan ang anak na binalingan muna ang ama. At nang makita itong tumango ay nakangiting nagsalita na si Jaythe.
"Mama!" Mas malakas na ang tinig na saad nito. "Momma Lola and Tito Hal is here!"
Sa narinig ay hindi ko napigilang matuwa. "Talaga?"
Magli-limang buwan pa lang ng hindi namin sila makita. Magmula yata ng bisitahin namin si Maythe noong death anniversary nito pero magkaganun man ay masaya ako na malamang narito sila. Malayo-layo rin kasi ang bahay na nabili namin ni Mason kaya limit na lang kung makabisita kami kila Mama. Lalo na kay kuya Hal na minsan na lang rin kung makauwi mula ng magkaroon rin ito ng sariling pamilya. Kahit kasi may kanya-kanya na kaming buhay ay nariyan pa rin talaga ang mga pagkakataong naaalala at namimiss ko sila.
"Totoo ba talagang nandito sila?" ulit ko na tumayo na.
"Yes. They're here," lumapit sa akin ang asawa at hininaan ang boses para hindi marinig ng anak ang sasabihin nito. "And guess who's with them?"
Bahagya akong napalayo rito para makita ang mukha nito. "Who?"
"Well, let's just go downstairs and see it for yourself," aniya na tumalikod na at hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon na sumagot. Binuhat niya si Jaythe saka diretsong lumabas ng kwarto.
Nagtataka man ako'y sumunod na lang rin ako sa mag-ama ko. Gusto ko na rin kasing makita sina Mama at kuya Hal. Kaya nga ng makababa na ako'y agad ko silang sinalubong ng yakap.
"Ma! Kuya Hal!" saad ko ng makalapit sa dalawa na parehong mahigpit na tinugon ang yakap ko.
"Hey, Xian." si kuya Hal na malawak ang ngiti.
Natawa pa ako ng matagal ako nitong pakawalan. Kung hindi lang sinabi ni Mama na baka mamatay na 'ko sa yakap nito'y hindi pa niya ako lulubayan.
"Sorry, I just missed you."
BINABASA MO ANG
The Anonymous Flower [COMPLETED✔]
Short StorySimple lang ang kwento ni Maythe at Xanille. Magkaaway no'ng mga bata pa pero naging magkaibigan paglaki nila. Akala ni Xanille wala ng magiging problema pero... darating palang pala ang dakog sa buhay nilang dalawa. At iyon ang hindi pinaghandaan n...