Author's Note

119 21 0
                                    

Author's Note



Hi Everyone!

Thank you for reading my story "The Anonymous Flower". Salamat sa pagsama kina Maythe at Xanille sa journey nila. But unfortunately, maagang natapos ang journey ni Maythe pero huwag kayong mag-alala dahil tulad ng sinabi niya'y nasa maayos na siyang kalagayan. I hope nagustuhan niyo ang kwento ng dalawa kahit ganito ang katapusan.

And because I'm not a professional writer alam ko po na hindi ito kagandahan. Kung natatandaan ko pa highschool palang kasi ako ng simulan ko rin ito pero hindi ko tinapos. Makailang ulit ko siyang nirevised at in-edit pero kahit anong gawin ko'y hindi siya pumasa kahit sa sarili kong taste. Kaya naman binago ko kunti ang plot at daloy ng story. Kaya naman masaya ako na sa wakas natapos ko na rin ang kwento ng dalawa. Dahil sa totoo lang, kadalasan hindi ko po talaga natatapos ang kwento ko. Madali kasi akong sumuko sa isang kwento na inumpisahan ko na pero kapag nasa kaligitnaan na lagi akong napupunta sa dead end. Kaya heto, kailan ko lang natapos ang kwento nila. At ngayong college na talaga ako. Marahil na rin siguro dahil ito ang tumulong na kumawala ako sa nagpapa-stress sa akin kaya nagawa ko siyang tapusin. Besides, nakapagbigay rin ito kahit papaano ng inspirasyon sa akin.

If ever na may tanong man kayo regarding sa story ay comment lamang po kayo.

Thank you for supporting my story!
Mabuhay sa inyo!




SilentNoize/2019
All Rights Reserved

The Anonymous Flower [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon