Chapter 10: Confession
"XAN, please tell me what's going on."
Hindi ko mapigilang maawa sa gulong nakikita sa mukha nito. At kahit alam kong gustong gusto na niya akong lapitan ay pinanatili niya pa ring kalmado ang sarili.
"I'm sorry, Maythe, kung palagi na lang kitang pinag-aalala. Pero kasi," saglit akong huminto sa pagsasalita at bahagyang ngumiti. "nang makita kitang papalayo kanina naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni kuya Hal."
"Si kuya Hal? What did he say?"
Hindi ko muna sinagot ang lalaki bagkus ay naghanap ako ng bench na mauupuan namin. Nakakita naman ako 'di kalayuan na nabibigyan ng liwanag ng street light. Naglakad ako patungo roon.
"Xan? Hey! We don't have time for this!" Nang ignorahin ko ang tawag niya'y walang nagawa ang lalaki na sinundan na lang ako. "Xan, can you just—"
"Come, sit." Tinapik ko ang katabing space nang makaupo na at tiningala ito. Pero tinignan niya lang ako ng nakakunot-noo. "I promise, it won't take long."
He remain silent for awhile before heaving a sigh. "You promised."
Tumango ako kaya naupo na rin ito sa tabi ko.
"Now, anong ibig mong sabihin kanina? About kuya Hal?"
Binaling ko ang tingin sa daan. "Si kuya Hal ang tumulong at nagbigay lakas sa akin na kausapin ka, Maythe. Dahil kung hindi naman sa mga payo niya'y baka hanggang ngayon hindi pa kita kayang harapin. Let's just say, kuya Hal help me realized something."
Natahimik ang lalaki na siguro'y binibigyan ako ng oras para makapag-isip. But I've had enough of thinking. Kaya ngayon, ang bunganga ko naman pagaganahin ko at ang damdamin.
"Maythe, I don't want you to leave. I want you to stay." I smiled. "Iyan ang pumasok sa isip ko kanina ng makita kitang papalayo sa akin. Dahil sabi mo mananatili ka kapag sinabi ko iyon."
Dahil alam kong iyon ang gusto ko pero paano naman ang gusto ni Maythe? Gusto niya bang manatili dahil sa sinabi ko lang? O baka dahil kagaya ko, siya rin ay...
Ipinilig ko ang ulo ko. Ayokong paasahin ang sarili ko.
"Pero alam mo ba, napag-isip ko rin na kahit gustong gusto ko hindi ako pwedeng umasa na lang sa presensya mo na habang buhay akong suportahan." Nilingon ko ang lalaki na mataman na nakikinig sa akin. "Dahil Maythe, tinuruan mo ako kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. You make me believe that everything will be alright as long as you have faith in yourself. And thank you for that."
Umiling siya ng paulit-ulit. "You could be wrong, Xan."
"Ha?"
"Have you ever thought that maybe ako ang umaasa sa presensya mo? In your eyes I may be strong, like I don't need the others help. But the truth is...I'm weak, either." Mula sa daan ay tinutok naman niya ang tingin sa hawak na bulaklak. "I hate to admit, Xan, but I'm not the person you think I am. Dahil ang akala mong lalaki na hindi kailangan ng suporta ng iba, ay siya pa pala ang mas umaasa doon."
Hindi ko matukoy kung anong emosyon meron ang lalaki, bukod kasi sa madilim na kung saan ito naka pwesto'y natatabunan pa ng medyo may kahabaan na nitong buhok ang mukha.
"Before I even met you, I stopped looking forward to sunrise. Sinubukan kong hanapin ang purpose ko by taking care of the flowers, and I thought that was enough. But... it wasn't." Natawa siya ng mahina na parang may naalala. "But guess what? Nakakatawang isipin na nagbago lahat iyon simula ng dumating ka. Like you just showed up to finally give me my reason to..." his words trailed off.
BINABASA MO ANG
The Anonymous Flower [COMPLETED✔]
Short StorySimple lang ang kwento ni Maythe at Xanille. Magkaaway no'ng mga bata pa pero naging magkaibigan paglaki nila. Akala ni Xanille wala ng magiging problema pero... darating palang pala ang dakog sa buhay nilang dalawa. At iyon ang hindi pinaghandaan n...