E P I L O G U E

166 26 4
                                    

E P I L O G U E



SA MAGANDANG tanawin na nakikita, hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha habang nakatayo at pagmasdan ang paligid. Napapalibutan kasi ako ng mga naggagandahang mga bulaklak na para bang tuwang-tuwa pa ito ng makita ako. Sumasabay kasi ito sa ihip ng hangin na tila ba sumasayaw sila.

Naglakad ako ng naglakad habang hinahaplos ang mga iba't ibang bulaklak. Sa ganda ng mga ito'y hindi ko mapigilang mapahagikhik.

Lumuhod ako at saglit na sinamyo ang bango ng mga ito. Pagkuwan ay muli na sana akong hahakbang nang matigilan. Mula kasi sa malayo, sa gitna ng mga bulaklak ay natanaw ko ang isang pigura ng tao habang nakaupo ito. Hindi ko maaninag kung sino ito ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong binundol ng kaba.

Hindi ko na namalayan na nagsimula na ulit akong maglakad patungo rito. Hanggang sa ang mga hakbang na iyon ay naging takbo.

Hawak-hawak ko ang dibdib na tumigil ako 'di kalayuan sa likod nito. Pagkuwan ay may halong saya na tinawag ang pangalan nito.

“Maythe?”

Bahagya siyang nagulat sa tawag kong iyon pero nilingon niya rin ako. “Hey, Xan. I thought hindi ka na pupunta.”

“What?”

He smiled. “I'm expecting you.”

“Ta..Talaga?”

Tumango siya. “Why don't you take a sit?” Tinapik niya ang katabing espasyo tulad ng dati niyang ginagawa.

Pinakalma ko muna ang nagwawalang dibdib bago tumabi rito. “Ang ganda ng lugar na 'to. Paano mo nakita 'to?”

He shrugged his shoulders. “I just found it.”

“Kailan?”

“Recently?” Nilingon niya ako na bahagyang ngumiti. “Don't worry. Kahit gaano pa ito kaganda, hindi ko ipagpapalit ang pinaka-paborito nating lugar, Xan. Mas marami tayong alaala doon kaysa rito. Iyon ang mas mahalaga sa akin.”

Napangiti ako sa narinig mula rito. Ngunit agad rin iyong nawala nang mapatingin ako sa isang bulaklak na napansin kong natanggalan ng isang talulot. Kinuha ko iyon at malungkot na dinala sa mga labi.

“Looking at these flowers remind me something about sa isang quote na nabasa ko. It says, You wouldn't see the beauty of a flower without blooming. But the truth is, the true beauty of a flower lies to the person who's looking to it. Those words, clearly at first hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin niyon. Pero habang lumalaki ako, nakikita ko at mas naiintindihan ko ang tunay na kahulugan niyon.”

Hindi ko namalayan na nakatutok na pala ang mga tingin ko sa kanya habang sinasabi nito iyon.

“May mga bagay sa mundo na kapag nakita mo ang tunay na kagandahan nito ay higit pa sa ginto ang halaga. Tulad na lang ng tanawin na nasa harap natin, Xan.”

Nabaling ang atensyon ko sa tinutukoy nito. Ngunit tanging singhap lang ang lumabas sa bibig ko nang makita ang tanawing nasa harapan namin. Agad nawala ang lungkot kong nararamdaman at napalitan iyon ng kakaibang saya.

Akala ko wala ng gaganda pa sa mga bulaklak na nakapaligid sa amin. Pero nang makita ko na ang araw na siyang nakasilip sa mga bundok at ulap ay napangiti ako ng malawak. Ang liwanag nito ay parang nakasabog sa buong paligid. Nagbibigay kislap at buhay sa mga bagay na nakapalibot sa amin.

“Wow. A-ang ganda, Maythe,” ang hindi ko makapaniwalang sabi matapos akong saglit mawala sa pagkakatulala sa tanawin.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Iyan din ang una kong sinabi ng makita ito.”

The Anonymous Flower [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon