Step # 2

7 2 0
                                    

      Pumunta agad ako sa principal office,malapit pa nga akong maligaw kaya ayon nagtanong tanong ako and base on my observation pang mayaman itong eskwelahan na ito at I'm an outcast pero di naman halata sa itchura ko na mahirap at tsaka kutis mayaman ako kaya I'm still belong here.Namula naman ako ng ma isip yung kagagahan ko kanina yan tuloy nakakita ako ng maraming sausage na tinakpan ng brief.

                        (Flashback)

Nakarating na ako sa third floor wala parin yung office at tanghali na lang wala parin tsaka kanina pa akong umaga dito exactly 7:30 am O diba ang aga pa! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para akong nabuhayan dahil nakakita ako ng babae papunta sa kinaroroonan ko.

       "Miss san yung office ng—  putol kong sabi dahil nilapasan lang.

"Ha!ha!ha! My God nilampasan lang ako di man lamang pinansin yung kinis na hiyang kong beauty na naguumapaw kaya ayun deadma si beauty!Ha!ha!ha!"sarkastiko kong sabi na di maka paniwala.

"Mga bastos ang estudyante dito dahil sa mayaman sila! Who you sila sakin pag ako inaarte artihan nila baka wala silang mukhang maihar---

"Ay Miss kong hinahanap mo yung room ng mga papalicious ayan o nasa harap mo na!" Sigaw na turo nito sa kaharap kong pinto at tumakbo na palayo.

Hindi ko agad natapos yung pag dada ko dahil sa sumingit yung babae at sinabing papa-ano yun?

Naguluhan naman ako sa sinabi ng babaeng yun tsaka masakit na ang paa ko kakalakad ha para na tuloy akong nagsa sight seeing dito,baliw lang ang peg ko dito. Nandito nalang ako sa third floor di ko pa nakita yung principal fiesting office na yun, kaloka ha! Tiningnan ko naman yong pinto nasa harap ko.Napangiti na lang ako dahil sa kalokohan na pumasok sa isip ko. Landi alert na naman si ako!

"Room ng mga papalicious,baka all boys section ito masilip nga!" Baliw kong sabi.

Pagpihit ko ng seradura ay binagalan ko talaga ang pag open para intense at baka makita pa ako at sabihang naninilip. Pinasok ko yung ulo ko at laglag panga reaction ko ngayon.My god,Lord patawad sa mga kasalanan ko ngayon sana matanggap niyo ako diyan sa inyong kaharian at gawin niyong anghel wala sa sarili akong Napa sign of the cross at wala sa sariling pumasok, Omg! Naninilip ako! First time hahaha

"Excuse me" tawag pansin ko sa kanila. Baliw na nga ako please lang can someone call 911!

Para naman itong nakakita ng multo at naglalakihang mga mata na nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at kumaway sa kanila. Baliw ka na Maddy bakit mo pa kinawayan baliw ka Maddy! Sabi ko sa isip ko

Nagkagulo naman ang ito sa pagtakip ng mga ari nila akalain niyo yun shower room pala ito for boys hindi all boys room,hahaha nakakatawa no! Siguro if nasa katinuan ako kanina pa ako tumakbo palabas at tumalon sa railings dahil sa hiya pero makapal ang face ko eh.

Shit! akin na yang towel pre!

May babae! Takpan niyo si junior!

Fuck!!

Yan ang mga salita na naririnig ko ang iba naman ay nadudulas na dahil sa taranta para itong nasunogan pero wa pakel parin ako ngiti parin habang sila ay nagkakagulo na ang iba naman ay nagsisigawan na dahil sa pag aagawan ng towel para lang takpan ang mga sausage nila. Kanina pa siguro ako tumawa kung nasa katinuan ako baka hagalpak pa nga eh!

A-anong ginagawa mo dito babae di mo ba alam na bawal yang ginagawa mo?pumasok ka sa shower room ng boys! Sabi nung lalaki na nagtatakip ng sausage niya parang pero I think wala pa ata itong suot na brief eh pero oh lala! May six pack abs at pogi din ito gooosh dami palang pogi dito eh,dito nalang ako,hehehe.Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sorry kong pumasok ako,may nag sabi kasi sakin na dito ang papunta sa langit----ay I mean papunta sa principal office!sorry talaga nakita ko pa junior niyo,hehehe!" Hiya kong sabi sa kanya

Namula naman ang mga ito ang iba pa ay tumawa dahil sa sinabi ko.

"G—ganon ba! Nasa second floor ang mga offices sa kaliwang bahagi ng paaralan nasa pinakadulo ito may makikita kang sign na principal office yun na yun! Sabi nito sa akin at kiming ngumiti.

"Salamat sa impormasyon,labas na ako!" Lakad takbo akong lumabas ng silid.

"Wag ka na ulit pumunta dito Ms. baka sugurin ka ng mga junior squad namin,hahahaha! Sigaw ng isa sa kanila di ko naman makita kasi nahihiya na ako nakatalikod pa.Nagtawanan naman ang iba nitong kasamahan.

Aaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!! Tili ako ng tili habang pumanaog papuntang second floor at pumunta don sa punyetang principal office.
-----------------------------------------------------------
--------------------------END OF FLASHBACK

Iiling iling naman akong kumatok ng tatlong beses saka pumasok

"Good Morning Ma'am, I'm Maddy Bumarog  the new one! ngiti kong sabi

O! so you're Maddison Bumarog! Ngiti din nitong sabi

Yes ma'am

"I'm Arlene Chavez the principal of this institution. So, here is your schedule and keys for your locker andoon narin ang mga Uniform mo at books. Good luck Ms. Bumarog"

Kong nagtatanong kayo bakit ko afford na mag aral sa paaralang ito,kasi eskolar ako dito sa awa ng diyos may nag alok na scholarship dito for the first time.

Thank you Ma'am! lumabas na ako tsaka huminga ng malalim

"Goodluck talaga sa akin!"

Steps To Noticed By HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon