"I'm superwoman...o oh oh oho oh oh... I'm superwoman", napatingin ako sa babaeng kumakanta ngayon.
Nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay nila Brent. Nakaupo sa isa sa mga benches. Dito kami madalas magpunta ni Brent tuwing umaga pagkatapos magjogging. Mag-isa lang ako ngayon. Hanggang ngayon kasi nagtatampo parin sa akin si Brent. Madalas siyang maagang umaalis sa bahay, kung kelan tulog pa ako. At sa gabi naman, madalas umuwi na siya ng hatinggabi. Talagang iniiwasan niya ako.
Kasalanan ko din naman. Hindi ko kaagad sinabi ang lahat tungkol kay Nicko. Nadatnan pa niya kami sa ganoong pagkakataon. Natigil ako sa pag-iisip nang mapatingin ulit sa babae.
Nakapang track suit outfit ito na kulay itim katulad niya. Kulay pink naman ang sakanya. Nakaearphone at sumasayaw hawak hawak ang cellphone. Weird but pretty.
Nakita ko na siya dati sa bahay nila Brent. I know her. Kahit hindi naman ako magtanong kay Brent kilala ko na siya. Halos litrato nila ni Brent ang nasa sala sa bahay.
She's Brent's twin sister. Hindi ko nga lang alam kung anong nangyari sa kanila at hindi siya madalas magpunta sa bahay. Wala ding nababanggit si Brent at daddy nito tungkol sa kanya. Wala din naman akong balak magtanong. Even Meg, their cousin, never talks about her.
Well, kung kusang ioopen ni Brent, makikinig ako. Pero hanggat di naman siya nagkukwento, wala ako sa lugar para magtanong.
Napalingon siya sa akin at ngumiti. Pareho sila ng ngiti ni Brent. Lumapit ito sa akin.
"Hi!", sabi nito saka naupo sa tabi ko.
"Hi!", ngiti ko din dito.
"Bambi", sabay lahad nito ng kamay sa akin.
Tinanggap ko naman ito at nakipagkamay.
"Era. Nice meeting you Bambi", ang cute niya sa malapitan. Kamukhang kamukha ni Brent. Hehe. Siyempre kambal di ba?
"This is one of our favorite place. Our mom used to bring us here para maglaro dati", nakangiting sabi nito habang nasa malayo ang tingin. Nakatingin ito sa mga batang naglalaro sa slide at swing.
"You know what, I think my brother really likes you. Or maybe... he really loves you. Kasi kung hindi, hindi ka niya yayayain sa kung ano mang meron man sa inyo ngayon. I don't really know you're real story para makialam pero what I do know, is my brother's a good person and I don't want anyone to hurt him", nakatingin na ngayon niyang sabi sa akin.
Nanatili akong walang imik.
Inalis nito ang earphone na nakalagay sa kaliwang tenga.
"You see, gusto ko lang sabihin na... don't ever hurt my brother. Kung talagang gusto mo din siya, prove it. Kung hindi naman, just tell it to his face directly. Hindi siya maghuhula para malaman kung talagang gusto mo siya o hindi. He may seem strong from the outside, but he's very soft inside", may sasabihin pa sana ito ng magring ang phone nito.
"Aist... istorbo talaga itong chinito na to!", agad nitong kinancel ang tawag.
"I know I shouldn't meddle with my twin's problem. Actually IDGAF, ayoko lang na nasasaktan siya. Get your acts together sis, if you love him, keep him. If you don't, immediately drop him. Simple lang. Isahang bagsak para hindi gaanong masakit. Okay?", tumayo na ito.
Patakbo itong umalis. Maya-maya lumingon ito.
"Anyways, additional lang, maiksi lang ang buhay sis. Before you knew it, baka nawala na yung mga taong mahalaga sayo. Wag laging nag-iisip. Minsan nawawala na yung thrill at saya ng buhay kung lagi nating iniisip yung consequences ng mga gagawin natin. Na gusto natin lahat nasa ayos. Pag gusto gusto. Tapos. Gumawa ng paraan. If you keep on thinking what other people might say, then you'll be doomed. Kung anong tama para sa kanila, doesn't necessarily have to affect you. Kung anong makatotohanan, kung anong nasa ayos, kung anong mga gusto nila, kung anong mga pamantayan nila. Hindi ka dapat magpaapekto ng bongga. Hayaan mong sarili mo mismo ang makadiskubre ng kagandahan ng buhay. That way, hindi ka na matatakot sa kung anumang pwedeng sabihin ng mga tao sayo. That way, hindi ka na matatakot sumugal sa mga bagay na gusto mo. Sa mga taong mahal mo. Kaya habang may pagkakataon ka pa. Gawin mo na! Okay?", she made a sign of three, 👌 meaning okay.
"Babye you!", saka ulit tumakbo.
She's weird.
But in a good way.
Brent's lucky to have a sister like her.
I wonder why she's not living with them now?
BINABASA MO ANG
Silent Cuddle Buddy
Ficción GeneralWe don't do sex. We just cuddle. We comfort them. We listened to their rants. We hug them. We let them fondle our breast. But never go beyond that. Waist down below... is a big no.no. But for him... There's special treatment. This is my story. And I...