Brent's POV
"Ano bang nangyari Manang?", kaagad na tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay dad na natutulog na ngayon at kinukuhanan ng nurse ng vital signs. Kaaalis lang daw ng doktor at sinabing medyo tumaas lang ang presyon ni dad kanina.
"E sir Brent, umalis lang ako saglit para sana bumili ng pagkain kasi pinayagan naman ako ni senyor, pero pagbalik ko, hinihingal at sumisikip na ang dibdib niya. Ang sabi naman ng nurse, may dumalaw daw na babae. Tinanong ko kung anong itsura, base sa deskripsiyon nung nurse, mukhang si Miss Era ata", paliwanag ni Manang.
Era? She came here? I think, I just have to ask dad pagkagising niya. Sinabi naman ng nurse na stable naman ang vital signs ni dad.
Tinry ko ulit kontakin si Era, but still I can't reach her. If I'm anxious kanina dahil hindi ko siya mahanap, mas doble ang nararamdaman kong kaba ngayon nang malaman na dumalaw daw siya dito.
Pagkagising ni dad, agad ko siyang tinanong about Era.
"I've heard mula kay manang na dumalaw daw ata dito si Era", sabi ko habang inaabutan ito ng tubig.
Kumunot ang noo nito na tila naguluhan.
"Saka ano bang napag-usapan niyo? Anong nangyari kanina?", usisa ko kay dad.
He cleared his throat.
"She asked for money", diretsang sagot nito sa tanong ko.
"She asked for million", dagdag nito.
"That's not true! Bawiin niyo ang sinabi niyo! Hindi yan totoo!", medyo napataas ang boses na sabi ko. I don't believe him. This is all bullshit.
Katulad siguro ng ginawa niya kay Axel dati, ganun din ang ginawa niya kay Era.
"I know what you're doing dad! Don't try to fool me! Ano bang dahilan at umalis si Era? I know may kinalaman ka kung bakit bigla siyang umalis!", napakuyom ang kamao kong sabi sa kanya.
"Do you really believe that bitch loves you? Oh come on Brent, you know better. She's after our money! And besides gusto mo ba sa babaeng tira-tira na ng iba?", dad smirked.
Mas lalong nag-igting ang panga ko. Kung hindi ko lang siya tatay, at kung wala lang siyang sakit, nasapak ko na siya.
Dad got his phone in the bed side table. May pinindot siya at inabot ito sakin.
"Watch it. Tingnan natin if you still want her after", he said.
Pinanood ko ito.
As I watched the video, I was gritting my teeth dahil pinipigilan ko ang galit ko. Those assholes! How could they say those words! Bedded her!? I know better! I was her first!
Binato ko ang cellphone pagkatapos.
Nawarak ito.
"What the! You're really insane!", dad said.
He was about to get up from the bed when I stopped him.
"Wag na kayong magsayang ng pagod para lang paghiwalayin kami ni Era 'cause it will never happen. Kahit pa itakwil niyo ako katulad ni Biel, I will never leave her", sabi ko pagkatapos at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si manang na nasa labas.
Ibinilin ko ulit si dad kay manang at nagpunta sa bahay ni Meg. Malakas ang pakiramdam kong andun si Era.
Pagdating ko sa bahay ni Meg, naabutan ko sila ni Era na papalabas ng gate. May dala itong maleta at pasakay na sana ng sasakyan.
"I think, you two need to talk. May pupuntahan lang ako. Just lock the house kapag aalis na kayo.", sabi ni Meg at pinaharurot na ang sasakyan.
Naiwan kaming dalawa ni Era.
There was silence between us.
I was the one who broke it.
"Ahm...", I cleared my throat.
"Dumalaw ka daw kay dad kanina?", I asked.
Kumunot ang noo niya. But still, she didn't answered.
"He told me you ask for money", I said kahit na alam ko naman na hindi niya yun kayang gawin. I know her. She's not a gold digger just like what dad is saying.
Kita ang gulat at pagkalito sa mukha niya. Pero mayamaya din ay napalitan ng galit.
"Oo. Humingi ako ng pera. Kailangan ko kasi. He offered me money at dahil kailangan ko, so I accepted", diretsang sagot nito.
"You're kidding right? Is this one of your pranks again? Kasi I'm telling you babe hindi na 'to nakakatawa. I'm getting really pissed so please... please stop this", I desperately said to her.
Napapagod na rin ako sa kasusuyo sa kanya. Alam kong si dad ang iniisip niya kaya nasasabi niya ang mga ito. Siguradong may dahilan kung bakit siya biglang nagkakaganito. Kung bakit biglang gusto niyang lumayo.
Nilapitan ko siya at hinila. Niyakap ng mahigpit kahit pa panay ang tulak niya sa akin. Isinubsob ko ang ulo sa kanyang leeg.
"Ayoko. Ayokong iwan mo ako. I love you Era. Please don't do this to me babe. Itigil na natin itong walang kwentang away na to. If you have anything na ikinagagalit sabihin mo lang. We can work this out", I said.
Tiningnan ko siya at hinaplos siya sa mukha. I wiped her tears away.
"We won't break up. You hear me. Never", at mas niyakap ko siya ng mahigpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/79011478-288-k718340.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Cuddle Buddy
Genel KurguWe don't do sex. We just cuddle. We comfort them. We listened to their rants. We hug them. We let them fondle our breast. But never go beyond that. Waist down below... is a big no.no. But for him... There's special treatment. This is my story. And I...