Intro

25.9K 295 3
                                    

(A/N: So here it is try ko lang magsulat ng mature contained ng ilang Chapters only.)

(3rd POV)

Playground

Nakaupo sa swing ang batang lalaki, at kahit maraming batang naglalaro sa playground ng araw na yun ay walang lumalapit sa kaniya.

"Naku nakakatakot andito na naman pala ang psychopath na batang ire" bulong ng isang yaya sa isa pang yaya.

"Sinabi mopa. Alam mo ba na ang sabi sabi, siya ang dahilan kung bakit natuluyan ang nanay niyan. Aba itulak ba naman sa hagdan!!" Kwento pa ng kausap ng yaya.

"Kaya siguro hindi nakulong ang batang yan dahil under age pa" dagdag pa ng mga ito.

Habang ang batang nasa swing ay mahigpit ang kapit sa inuupuan.

'Wala kayong alam!'
'Dapat lang talaga mamatay ang babaeng yun! Demonyo siya!'

Nakangisi naman ang batang lalaki, kaya ng mapansin ito ng mga yaya mas lalo silang nahihintakutan dito.

"Bakit nga pala hindi natin pagtripan yung lalaki sa swing?" Tanong ng batang may blue na shirt.

"Bro baliw daw yan, baka magwala na lang bigla hahahahahahaha" tawa pa ng bata na may puting shirt.

"Psh! Edi maganda, kumuha kayo ng mga bato, babatuhin natin." Sagot naman ng maangas na bata, isang bully.

Kaya naman kahit ayaw ng dalawang bata, wala silang nagawa kungdi ang batuhin at pukulin ang 'psycho' na bata.

MY PSYCHO STALKER *SPG* Complete [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon