Part 1

365 10 0
                                    

"Voooooon!" Sigaw ni Maja habang tumatakbo papalapit sa akin.

By the way Im Von Magcino. 16 years old at 4th year high school. Yung sumisigaw kanina? Siya si Majaica Valdez, ang sinto-sinto kong bestfriend.

"Oh? Ano nanamang pinuputok ng butsi mo?" Tanong ko pagkalapit niya sa akin.

"Wala lang. Tara sa canteen. Gutom na ako eh." Sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya.

"Ikaw nalang. Mag-aaral pa ako eh." Sabi ko at binuklat-buklat ang notebook ko. Props lang. 😂😂 Tinatamad akong samahan siya eh.

"Sige naaaaa.." sabi niya habang nakapout. Mukha talaga siyang platipus. "Libre kita?" Tanong niya habang may nakakalokong ngiti sa mukha niya.

Gusto kong tumangi pero parang may sariling utak yung tyan ko at sinasabing gutom na ako kaya tumayo na ako.

"Tara na nga! Mabilis lang ha?" Sabi ko..

Tumayo na siya at sumabay na sa paglalakad ko. "Kunware ka pa. Libre lang pala katapat mo." Sabi niya.

"Di wow!" Sabi ko nalang.

Pagdating namin sa canteen ay parang kiti-kiti ang kababaihan. Palibhasa nandito ang basketball players ng school kaya naman kinikilig sila. Hindi ko alam kung bakit sila kinikilig eh nakaupo lang naman yung basketball players. Wala naman silang ginagawa. 😑😑 mga abnormal.

Nagulat ako nang kurutin ako sa braso ni Maja.  Pagkatingin ko sa kanya ay nakatingin lang naman sa nilalakaran namin pero namumula.

"Oi, anong problema mo?" Tanong ko.

"Nakatingin sa akin ang team ni Joseph." Sabi niya kaya napalingon ako sa pwesto ng basketball players at nakatingin nga ang lahat ng basketball players sakanya. O sa amin. Shempre magkasama kami kaya naman mapagkakamalan ko talagang sa amin nakatingin.

Nagtama ang mata namin ni Lan Caster. Ang captain ng basketball team. At ang matagal ko ng crush.

Tumagal yun ng 3 seconds pero una akong nagbawi. Omo! Buti nalang hindi ako mabilis kiligin.

Ang babaw kasi kapag kinilig agad ako non e nakatingin lang naman siya. By the way hindi alam ni Maja o ng kahit sino na crush ko si Caster. Tanging ako lang ang nakakaalam.

Hindi ko masabi kay Maja kasi nahihiya ako sa kanya. Ewan ko. Open naman kami sa ibang bagay pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang tungkol sa crush ko.

Nailang ako kasi bukod sa tingin ng basketball players ay nakatingin din ng masama ang ibang kababaihan sa amin.

Problema nila?

Pagkabili namin ay napagdesisyunan naming dito nalang kumain. Or should I say pinilit ako ni Maja na dito kumain kasi daw nandito yung crush niya.

Possess na talaga siya sa crush niya dahil pinili niya pang umupo sa tapat ng table ng basketball players.

Pero nakatalikod naman kami sa kanila.  Nagpapapansin lang to eh.

"Ehem! Oi Captain ang ganda ng view diba?" Rinig kong sabi ng isa sa teammates nila.

Weh? Maganda ba ang view e nasa canteen lang kami? Siguro magandang tanawin para sa kanila ang mga pagkain.

"Pffft. Mario mas maganda daw yan kapag hindi nakatalikod." Sabi pa ng isa.

"Tumigil nga kayo." Kilala ko ang boses na yon. Alam kong si Caster yon.

Hindi ko maiwasang makinig kasi maririnig ko naman talaga. At mukhang nakikinig din tong katabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa canteen. Ayaw pa ngang umalis ni Maja dahil nandoon pa daw ang crush niya pero pinilit ko siya dahil mag-aaral pa ako para sa quiz namin mamaya.

"Feeling ko may nagugustuhan na si Caster na babae." Sabi ni Maja habang naglalakad kami papuntang room.

"Ha? Paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba narinig yung pinag-uusapan nila kanina? Mukhang inaasar nila si Caster sa isang babae." Sabi niya pa..

"Talaga? Hindi ko napansin." Hindi ko napigilang maging malungkot ang boses ko. Shempre hindi ako kinikilig katulad ng iba pag nakikita nila ang crush nila pero shempre nakakalungkot pa rin kapag nalaman mong may gusto yung crush mo na ibang babae.

"Oh? Bakit ganyan boses mo? Kulang pa ba ang kinain mo kanina?" Tanong niya tapos tumawa.

Hindi nalang ako umimik kasi nasa loob na kami ng room.

Nagbasa-basa nalang ako at kinalimutan ang sinabi ni Maja. Baka hindi ako makapasa pag nagkataon.

*   *   *

"Class dismissed." Pagkasabi non ni Maam ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko.

"Ui Von di ka ba sasabay sa akin?" Tanong ni Maja.

"Ah hindi. Cleaner ako ngayon eh. Una ka na." Sabi ko.

"K. Sorry. Mukha kasing uulan kaya iwan na kita. Babush." Sabi niya at umalis na nga.

Nagsimula na akong manglimot ng mga papel na nagkalat. At tulad ng inaasahan. Dalawa lang kaming natira dito. Natakas kasi ang iba naming kacleaner kaya kami ang napipirwisyo.

Napalingon ako sa bintana. Umaambon na pala.

Naglilinis ako ng cr ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Carla mula sa labas.

"Von! Uuwi na ako ha? Palakas na kasi yung ulan. Wala akong dalang payong." Sabi niya.

"Sige. Ingat ka." Sigaw ko pabalik.

"Ikaw rin!" Sabi niya.

Tumahimik bigla ang paligid. Mukha tuloy akong nagsesenti. Mag-isa lang ako tapos umuulan pa.

May narinig akong pumasok sa room. Hmm? Bumalik si Carla?

Lumabas na ako ng cr. "Bakit ka bu-malik?" Napahina na ang boses ko dahil sa gulat. Hindi pala si Carla ang pumasok.

Si Caster pala.

"Ah kukunin ko lang sana yung bag ko." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Napatango nalang ako. Nakakahiya naman. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

Kinuha ko na din ang bag ko at hinalungkat ko para kunin yung payong ko.

O__O hala? Naiwan ko ba yun?

"Nasaan na yun?" Bulong ko at inilabas lahat ng gamit ko.

Asan na yung payong ko?

Napatingin ulit ako sa labas. Lalong lumakas ang ulan. Nu ba yan.

Lumingon ako kay Caster. Wala na pala. 😑😑

Halaaa! Paano ako makakauwi ng hindi nababasa?

Maghahanap na nga lang ako ng payong dito. Baka may ulyaning nakalimot ng payong nila.

Ayun!

Lumapit ako sa upuan ni Caster kasi doon ko nakita yung black na payong.

Kanya ba to? Bakit niya iniwan? Pwede ko kayang hiramin? Pwede naman siguro no? Ibabalik ko naman bukas eh.

Kinuha ko nalang dahil lalong lumalakas ang ulan. Kailangan ko ng umuwi.

Pagkabukas ko nito ay agad kong napansin ang initial na nakalagay dito.

VM

-----

Twitter acc: @eggyolknapula

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon