Part 6

124 8 0
                                    

Naglalakad ako papuntang school nang makita ko si Caster na nakasandal sa pader ng kung kaninong bahay. Tapos na nakacap siya na black. Mukha tuloy siyang magnanakaw.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin. Parang nagslowmo.

"Ah anong ginagawa mo jan?" Tanong ko.

"Ah wala naman. Ahm nagpapalipas lang ng oras." Sabi niya.

"Sa kalagitnaan ng pag-ambon?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti lang siya at naglakad papunta sa akin. Nagsimula na akong maglakad kaya sumabay siya.

Sinukuban ko siya dahil nakakahiya naman kung hindi ko siya pasusukubin.

"Bat ba ang hilig mong magpaulan?" Tanong ko.

"Wala akong payong eh." Sabi niya at kinuha sa akin ang payong. Edi sya na ang gentlemen.

Pakiramdam ko tuloy nag-iinit ang pisnge ko.

"Bakit hindi ka bumili?" Tanong ko habang nakatingin sa daan. Nakakailang kasi kapag sa kanya ako tumingin.

"Kapag kasi nagkapayong ako, baka hindi na ako pansinin ng babaeng gusto ko." Tumingin ako sa kanya at nahuli kong nakatingin din siya sa akin at nginitian ako.

"Ang swerte naman nung babae." Bulong ko.

"Paano mo naman nasabi?" Ay? Narinig niya pala.

Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin lang dun siya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko.

"Uhmm kasi... Gagawin mo ang lahat para sa kanya?" Sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"Kasi kahit na nagkakasakit ka dahil sa ulan mas pinipili mong hindi bumili ng payong para lang makasama siya." Sabi ko.

"Sa tingin mo maswerte siya?" Tanong niya ulit.

"Oo naman. Teka nga lang sino ba yang babaeng gusto mo?" Tanong ko. Sobrang nakucurious na ako. Kahit masakit kasi may gusto siyang iba gusto ko pa ring malaman.

"Secret." Sabi niya at tumawa. Edi siya na ang proud na baliw.

Pagdating namin sa school ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Aba malamang! Magkasabay lang naman kaming pumasok at pinapayungan niya pa ako. Mukha tuloy kaming mag ano. Alam niyo na yun.

Kinukuha ko sa kanya yung payong ko pero ayaw niyang ibigay. Siya na daw total malapit na kami sa classroom.

Hindi nalang ako umangal dahil nasa tapat na kami ng room.

Pagkapasok ko ay agad akong nilapitan ni Maja na may kakaibang tingin sa akin. Sinto-sinto talaga.

"Oi! Bakit kayo magkasabay pumasok ha? Tapos magkasukob pa kayo sa payong. Ikaw ha!" Sabi niya at sinundot pa ang tagiliran ko.

"Wag ka ngang malisyosa." Sabi ko at pumunta na sa upuan ko.

"Wow ha! Gumaganan ka na." Sabi niya at tumawa mag-isa. Edi siya na ang loka.

* * *

"Oi Von, kailangan ko ng umuwi. Nagtext si Mama may pupuntahan daw kami." Sabi ni Maja habang iniimis ang gamit niya.

"Ah sige. Ingat." Sabi ko.

"Ay nga pala Von. Pahiram muna ng payong mo ha? Mukhang uulan ulit eh." Sabi niya.

"Oo na." Sabi ko at tumawa. Baliw talaga.

"Bye!" Sabi niya at tumakbo na palabas.

Nagsimula na akong magwalis ng buong classroom. Mag-isa ako ngayong naiwan para maglinis. Absent kasi si Carla. Ang malas ko naman.

"Oh mag-isa ka lang ulit?" Napatingin ako sa pumasok. Si Caster pala.

Tumango nalang ako kahit na gusto ko siyang barahin. Mag-isa nga ako. Ako lang nakikita niya eh.

Pagkatapos kong magwalis ay tinulungan niya akong mag-ayos ng upuan.

"Siguro maaswerte ang mapapangasawa mo." Napatingin naman ako sa kanya nang magsalita siya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Bukod kasi sa matalino, mabait at maganda ay masipag ka pa." Natawa naman ako sa pambobola niya.

"Mukhang tama ang ate mo. Playboy ka nga. Ang galing mong mambola eh." Natatawang sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

Sabay kaming lumbas sa room. Umuulan nanaman. Palagi nalang ba?

"May payong ka na?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan ang payong na hindi sa akin.

"Kaninang umaga lang magkasabay tayo ah. Malamang wala." Sabi niya habang tumatawa.

"Oo nga pala." Sabi ko. "Sabay ka na sa akin." Offer ko sa kanya.

"Ahm sige, salamat." Sabi niya at kinuha sa akin ang payong na hawak ko.

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon