"Von!" Napatigil ako sa paglalaro ng COC sa cellphone ko nang may tumawag sa akin. At the same time ay napakunot ang noo. Aba himala. Hindi ata si Maja ang tumawag sa akin ngayong umaga dahil boses lalaki ang narinig ko.
Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako. Dahil isang adonis pala ang tumawag sa akin.
"C-caster, ikaw pala." Sabi ko.
Bakit siya nakangiti? Ang wierd niya ngayon..
"A-ah isasauli ko lang sana yung notebook na pinahiram mo. Salamat ha?" Sabi niya at inabot sa akin ang mga notebook ko.
"Ah walang anuman." Sabi ko at nginitian siya.
"Bat di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasa, hilaga't kanluran! 🎶🎶" napatingin naman kaming dalawa kay Joseph na kumakanta habang ginagawang mike ang sariling kamay.
Lumapit naman si Caster at mahinang sinapak ito saka niya binulungan si Joseph.
Napailing nalang ako dahil nakakaloko silang dalawa.
"Good Morning Class." Sabi ng kadarating lang naming teacher.
Napaayos naman kaming lahat ng upo. Pero nakapagtataka. Bakit wala si Maja?
"Sir sorry Im late!" Napatigil kaming lahat sa pagsusulat nang may magsalita sa may pintuan. Bakit ngayon lang siya?
"Ms. Valdez come in." Sabi ni Sir. Mukhang goodmood si Sir. Di pinagalitan si Maja eh.
"Bakit ka late?" Bulong ko pagkaupo niya.
"Mahabang kwento." Sabi niya at nagsimula na ring magsulat.
* * *
"Ayun kaya ako nalate." Sabi ni Maja habang nilalamutak yung chocolate niya.Ikinwento niya kasi sa akin kung bakit siya na late. Hindi ko na ikukwento masyadong mahaba eh.
Kasalukayan din kaming nakaupo sa bench sa may ground. Nanunuod lang ng practice ng soccer players.
"VON ILAG!" Huli na ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ng isa sa soccer player nang tamaan ako ng bola.
"Von okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Maja at tinulungan akong tumayo.
Ang sakit. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko.
"Von okay ka lang? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong ni Mark, isa sa member ng soccer. Mukhang siya ang nakasapul sa akin.
"Okay lang ako." Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.
Nagsilapitan din naman ang iba niyang kamember.
"Sorry Von ha? Hindi namin sinasadya." Sabi ni Jun, kabatch mate ko, habang hinihimas ang batok niya.
"Okay lang. Kasalanan ko din eh! Dumidisplay ako dito." Sabi ko at tumayo na.
"Una na kami." Sabi ni Maja at kinapitan ako para alalayan.
* * *
"Aray!" Napasigaw ako dahil pinitik ni Maja ang noo ko kung saan may bukol at natamaan ng bola."Hindi ka kasi nakikinig sa kinukwento ko eh." Sabi niya.
"Nakikinig kaya ako!" Sabi ko at hinamas-himas ang bukol ko. Mukha tuloy akong may sungay nito.
"Oh? Anong kinuwento ko?" Nanghahamong tanong niya.
"Tungkol sa crush mo. Yan naman ang bukang bibig mo eh." Sabi ko.
"Nye nye! Hindi ka pa ba uuwi? Mukhang uulan ulit oh!" Sabi niya at tumingala sa langit.
BINABASA MO ANG
Umbrella [Completed]
Short Story𝙪𝙢·𝙗𝙧𝙚𝙡·𝙡𝙖 /ˌə𝙢ˈ𝙗𝙧𝙚𝙡ə/ 𝘯𝘰𝘶𝘯 1. 𝘢 𝘥𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘪𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧 𝘢 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘤𝘢𝘯𝘰𝘱𝘺 𝘰𝘧 𝘤𝘭𝘰𝘵𝘩 𝘰𝘯 𝘢 𝘧𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘵𝘢𝘭 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘢 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘳𝘰𝘥, 𝘶𝘴𝘦𝘥 𝘢𝘴...