Part 3

138 8 0
                                    

"Vooooon!" Tumingin ako sa palakang kokek na tumawag sa pangalan ko.

As usual, si Maja ang tumawag sa akin.

Pansin niyo? Tuwing nagsisimula ang araw ko ay siya ang naririnig ng mga tenga ko. Kaya siguro minamalas ang buong araw ko.

"Tara nood tayo ng practice nila Joseph. Vacant time naman natin ngayong first period eh." Sabi niya habang nagpupuppy eyes. Mukha siyang bull dog.

"Oo na. Pwede bang ibaba ko muna yung bag ko?" Sabi ko sa kanya.

"Wag naaaa. Kanina pang nagsisimula yung practice nila eh." Sabi niya at hinila na ako papunta sa court.

Nagpahila na lang ako dahil wala ako sa mood makipagtalo sa babaeng ito.  Isa pa ay napuyat ako. Kasalanan to ni Caster. Kung hindi sana siya sumulpot kahapon edi sana. Edi sana. Ay ewan! Alam ko namang walang dahilan para mabahala ako. Pero kasi yung ekspresyon niya. Aish!

"Kyaaaaaaaaaaahhh!" Napabalik ako sa wisyo nang marinig ang matitinis na sigaw ng kababaihan.

Nasa court na pala kami.

"Ang hot ni Joseph oh!" Kinikilig na wika ni Maja.

Hindi ako nag-abalang tignan ang crush niya dahil hinanap ng mga mata ko ang gustong makita nito.

Bakit wala siya?

"Nakakaawa naman si Caster my bebe. Absent siya ngayon. May sakit daw siya. Nagpaulan kasi eh. Tsk." Sabi nung katabi kong babae.

"Eh? Paano mo nalaman?" Tanong nung kasama niya.

"Sabi ni Mario." Sabi nung katabu ko.

"Wow! Edi ikaw na ang update jan sa ka ultimate crush mo." Sabi nung isa.

Teka lang naman. May sakit si Caster? Dahil kaya kahapon? Ugh!

Hindi ako mapakali. Sa lahat ng klase namin ay lutang ang isip ko. Anong gagawin ko? Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari.

"Ui! Nakikinig ka ba Von?" Tanong sa akin ni Maja habang naglalakad pauwi.

"Ah Maja, umuna ka na kayang umuwi? May dadaanan lang ako."sabi ko at tumakbo na palayo sa kanya.

"Hoy saan ka pupunta?" Rinig kong sigaw niya pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya sa halip ay kinawayan ko nalang siya.

Hindi ko na kaya. Nakokonsensya  ako.

Nagdingdong ako sa bahay nila Caster pagdating ko dito. Hindi ako stalker okay? Kaya ko lang nalaman na dito yung bahay niya ay dahil nagkaroon kami ng group project na kami ay magkagrupo at dito namin yon ginawa. Okay! Anong pinaglalaban ko? Psh.

Ilang doorbell lang ay may nagbukas ng pinto.

Bumungad sa akin ang nanay ni Caster.

"Ah yes?" Sabi nito.

"Ahm good afternoon po. Classmate po ako ni Caster. Nandiyan po ba siya?" Tanong ko.

"Ah oo. Pasok ka ija." Nakangiting sabi niya at binuksan ng malaki ang gate nila.

"Maupo ka muna." Sabi niya pagkapasok namin sa bahay nila. "Jake! Tawagin mo nga ang kuya mo!" Sigaw niya.

Ilang minuto lang ay lumabas din si Caster sa  kwarto niya.

"Von? Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong niya.

"Ah titignan ko lang sana kung ayos ka na." Sabi ko.

"Ayos na ako asdfghjkl." Sabi niya pero hindi ko na naintindihan yung kasunod na sinabi niya dahil mahina ang pagkakabangit niya. Hindi ko nalang pinaulit.

"A-ah ibibigay ko na rin sana sayo yung notes na sinulat ngayon saka yung mga assignments natin." Sabi ko. Buti nalang di ako nautal.

"Ah pinapapunta ko dito si Joseph para doon pero dahil nandito ka na rin naman, yung sayo nalang. Salamat. Pero sana hindi mo nalang iti ginawa. Baka abutan ka ng ulan." Sabi niya at ngumiti.

Nginitian ko nalang din siya. "Ah kasi ano--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang dumating ang mama niya.

"O mag meryenda ka muna ija." Sabi ng mama ni Caster.

"A-ah hindi na po. Nagmamadali na rin po kasi ako eh. Gabi na po. Siguro po next time nalang." Sabi ko at nginitian siya ng apologetic smile. Yeah! Gumaganon na si ako.

"O siya sige. Aasahan ko yan ha? Babalik ka dito.." sabi ng mama ni Caster.

Tumango naman ako.

"Sana pagbalik mo dito kayo na ni Caster." Sabi ng mama niya na ikinabigla ko.

"Mama naman. Nakakahiya kay Von." Bulong ni Caster pero narinig ko.

"Haha. Joke lang. Kayo talaga. Kabataan nga naman." Sabi niya at bumalik sa kusina.

"A-ah Caster una na ako ha?" Sabi ko sa kanya.

"No. Ihahatid kita sa inyo." Sabi niya at akmang pupunta sa kwarto niya pero pinigilan ko siya.

"Ah wag na. Okay lang ako. Saka baka lalomg lumala yung sakit mo." Sabi ko.

"Hindi. Delikado sa labas. Gabi na. Baka mapano ka." Sabi niya.

Sa huli ay natalo ako sa pagdedebate naming dalawa. Bigla kasing sumingit yung mama ni Caster at sinabing pumayag na akong magpahatid kay Caster dahil hindi daw ito magpapatalo dahil matigas ang ulo nito.

Tahimik lang kaming naglalakad. Nakakailang naman.

"A-ah hindi ka na dapat nagpunta sa amin.  Ginabi ka tuloy." Basag niya sa katahimikan.

"Ah sorry ha? Naperwisyo tuloy kita." Sabi ko habang nakayuko lang.

"Nah! Thank you sa concern." Sabi niya.

Hindi na ako umimik.

Maya-maya ay naramdaman ko ang  pagpatak ng ulan. Napatakbo tuloy kaming dalawa sa may gate namin. Buti nalang malapit na ang bahay namin.

"Ah salamat sa paghatid." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Salamat sa concern" sabi niya at akmang aalis na ng pigilin ko siya.

Kinuha ko yung payong na black sa bag ko at inabot sa kanya.

"Ah gamitin mo muna. Baka maulanan ka nanaman eh. Baka lalong lumala yung sakit mo." Sabi ko.

Kinuha naman niya yung payong at ginulo ang buhok ko. "Salamat." Sabi niya at nginitian ako.

Tumango nalang ako. "Mag-ingat ka." Sabi ko na tinanguan lang niya.

---

Twitter acc: @eggyolknapula

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon