"Von!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Mark pala.
"Oh?" Sagot ko habang nakatingin sa cellpgone ko. LOL muna pag may time.
"Ahmmmm wala lang. Itatanong ko lang sana kung ayos na yung noo mong natamaan ng bola." Napatingin ako dahil sa sinabi niya.
"Oo naman. Ang tagal na non eh. 😑😑" sagot ko.
"Ah oo nga. Hehe." Sabi niya at nagkamot ng batok at saka umalis.
Sinundan ko ng tingin ang katawan niyang papalayo. Abnormal.
Ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at naghalumbaba. Tinamad na ako.
Nilaro ko nalang ang ballpen na nakita ko sa kabilang upuan. Malamang sa seatmate ko to.
Napatingin ako sa likod ko nang maramdaman na may nangulbit sa akin.
Pagkalingon ko ay nakita ko ang nakangising si Caster.
"Goodmorning Ms. Beautiful." Sabi niya at umupo sa upuan ni Maja.
Tinignan ko lang siya.
"Wala ka pa rin sa mood?" Tanong niya habang nakapout.
Nakangting umiling ako dahil sa inasal niya.
"Masama ang gising ko." Sabi ko nalang dahil yun naman talaga ang totoo. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos.
"Ganon? Libre kita para gumanda ang umaga mo?" Sabi niya at nagtaas baba pa ang kilay.
"Alam mo kasi wala talaga ako sa mood kaso ayun ang kahinaan ko kaya tara na!" Sabi ko at tumayo na.
Sumunod naman siya at sumabay sa paglalakad ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Maja. Kasama ang iba naming kaklase.
Hindi siya tumigil sa paglalakad at nagderederetso lang sa paglalakad. Ni hindi niya rin ako tinapunan ng tingin.
Sa pagkakataong yon ay gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay pinagpalit na ako ng bestfriend ko.
Nawalan na ako ng gana kaya naman inaya ko ng bumalik si Caster sa room.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Tumango nalang ako. Baka kapag nagsalita ako ay mapaiyak na ako.
Hindi niya na ako kinulit hanggang sa makadating kami ng classroom.
Papunta na ako sa upuan ko nang mapansin na nakipagpalit si Maja ng upuan.
Pagkaupo ko ay huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
* * *
*kring*kring*Pagkarinig namin ng bell ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko.
Hinanap ng mga mata ko si Maja. Pero nakalabas na siya.
Naglakad ako papuntangcanteen. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Caster na may kasabay na babae.
Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak dahil may kasama ang crush ko na ibang babae o dahil sa ang babaeng iyon ay ang bestfriend ko.
Bakit pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako? Nakakatawa.
Napagpasyahan kong wag nalang maglunch. Pumunta nalang ako sa likod ng school. Naglatag ako ng tuwalya sa tapat ng isang malaking puno.
Umupo ako at nagsimulang huminga ng malalim. Pinaulit-ulit ko yun.
Parang may nakabara sa dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan ang nararamdaman ko.
Siguro ay naiiyak ako dahil hindi ako pinapansin ng bestfriend ko samantalang ang iba ay kinakausap niya.
Nakaramdam nanaman ako ng sakit nang maalala ang nakita ko kanina.
Ipinikit ko ang mata ko dahil ramdam ko ang pag-init nito.
Sunod-sunod ang paghinga ko ng maramdaman na kinakapos ako ng hangin. Sht! Wag ngayon.
Walang tao dito kaya malamang ay walang makakapansin sa akin.
Naluha ako.
Wag kang magpanic Von. Sabi ko sa sarili.
Napansin kong may papalapit sa akin na isang estudyante pero hindi ko maaninaw dahil nanlalabo na ang paningin ko.
Napangiti ako nang makita ang lumapit sa akin bago ako mawalan ng malay.
Maja.
* * *
"Ikaw naman kasi! Ano bang nangyari at inatake ka nanaman?" Nagbubungangang sabi ni Mama habang inilalagay ang oxygen sa akin.
Sobrang nahihirapan na akong huminga.
Iyak lang ako ng iyak.Tumabi sa akin si Maja at hinawakan ang aking kamay. Hinigpitan ko ang pagkakakapit dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Nang medyo lumuwag na ang paghinga ko ay ipinikit ko na ang mata ko para makatulog upang hindi ko na maramdaman ang sakit.
"Mauna na po ako. Tawagan niyo na lang po ako kung sakaling atakihin ulit siya sa puso." Rinig kong sabi ng doktor at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto hudyat na nakaalis na siya.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko at alam kong umupo si mama sa tabi ko.
Hinaplos haplos niya ang buhok ko. Hindi ko na iminulat ang mata ko dahil nasa kundisyon na ang paghinga ko. Natatakot ako na kapag nagmulat ako ay hindi nanaman ako makahinga ng maayos.
Alam kong umiiyak na siya at ganoon na din si Maja. Rinig na rinig ko ang pagsinghot nila.
Ito ang dahilan kung bakit mabunganga si mama. Alam niya kasi na makikinig lang ako sa kanya kapag sinermunan niya na ako.
Since birth palang ay may sakit na ako kaya naman napilitan si papa na mag-ibang bansa. Pati na rin ang magkaroon ng kapatid ay hindi ko naranasan.
Pagkaanak kasi sa akin ay naconfine ako dahil sa inatake ako sa puso at doon na nila nalamang may sakit ako. Kaya naman napagpasyahan nila mama na pagtuunan muna ako ng pansin. At dahil sa taon-taon akong inaatake ay hindi na nila nagawang mag-anak pa.
BINABASA MO ANG
Umbrella [Completed]
Short Story𝙪𝙢·𝙗𝙧𝙚𝙡·𝙡𝙖 /ˌə𝙢ˈ𝙗𝙧𝙚𝙡ə/ 𝘯𝘰𝘶𝘯 1. 𝘢 𝘥𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘪𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧 𝘢 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘤𝘢𝘯𝘰𝘱𝘺 𝘰𝘧 𝘤𝘭𝘰𝘵𝘩 𝘰𝘯 𝘢 𝘧𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘵𝘢𝘭 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘢 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘳𝘰𝘥, 𝘶𝘴𝘦𝘥 𝘢𝘴...