Part 2

146 6 0
                                    

"Voooon!" Naglalakad ako ng mapayapa nang may sumigaw sa pangalan ko na boses palaka.

Lumingon ako sa likod dahil doon nanggaling ang boses na iyon.

At hindi nga ako nagkamali. Si Maja nga ang tumawag sa akin.

"Oh? Problema mo?" Tanong ko nang maabutan niya ako.

"Sorry ha? Nabasa ka ng ulan. Kawawa naman ang bestfriend koooo." Sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko. Anong ibig sabihin ng babaeng ito?

Napansin niya ata ang ekspresyon ko kaya naman nagpiece sign siya.

"Nakalimutan ko kasing isauli sayo yung payong mo nung isang araw. Malay ko ba na aabutin ka pala ng malakas na ulan." Sabi niya. Nagpunta kasi siya sa amin kahapon para mangopya ng assignment pero  naghintay siya dahil wala pa ako. Tapos yun! Nakita  niyang basang-basa ako ng ulan kahit na may payong na ako.

"By the way kanino pala yung payong na yun?" Tanong niya kaya napatigil ako. Sasabihin ko ba? Pero wala namang masama kung sabihin ko diba?

"A-ah kay Caster. Ata." Ninenerbyos na sabi ko.

"Talaga? Omo! Pinahiram ka niya?" Tanong niya.

"Ahhh parang ganon na nga." Sabi ko na lang.

"Talaga? Nakakaingit. Pinansin ka ng captain ng basketball." Malakas na sabi niya kaya napapatingin sa amin ang ibang estudyante.

Pahamak talaga siya.

"Tsk. Hindi ganon yun." Sabi ko at umupo na sa upuan ko.

"Ganon yun! Tsk. Pinahiram ka nga niya ng payong eh." Malakas na sabi niya. Nakalunok ba siya ng speaker? Bat ba ang daldal niya?

Hindi ako umimik dahil biglang pumasok si Caster. Sinalubong siya ng katropa niya.

"Oi captainball, mukhang may sakit ka ah." Sabi ni Mark.

"Ah wala to. Naambunan lang." Sabi niya at napatingin sa akin ng mabilis. O? Problema niya?

Pero teka lang. May sakit siya? O edi ako na ang concern.

Ay! Oo nga pala. Nasaakin yung payong niya. Kasalanan ko pa ata kung bakit siya may sakit.

Mamaya ko nalang isasauli dumating na kasi si Sir eh.

*  *  *
"Von anong masarap kainin ngayong tag-ulan?" Tanong ni Maja habang tumitingin ng ulam sa canteen.

"Sinigang." Napatingin kami sa nagsalita. Si Joseph pala. Ang ultimate crush kuno ni Maja.

"Ah sinigang po. Isang order." Baling niya sa magtitinda.

"Agree ako sa kanya. Sinigang tayo girl." Masayang sabi ni Maja.

At ayun na nga ang binili namin.

Pagkakuha namin ng order namin ay naghanap na kami ng mapwepwestuhan.

"Von tara doon sa may gilid." Sabi ni Maja kaya doon nga kami umupo.

Kumakain lang ako ng kumakain.  Galit galit muna. Gutom ako eh.

"Ui Hi Von!" Napalingon naman ako sa kabilang table kung saan may tumawag sa pangalan ko.

Napakunot ang noo ko. Mga basketball players to ah. Sino ba yung tumawag sa akin?

Sinapak ni Joseph yung katabi niyang cute.

"Mario umayos ka nga. Pagpasensyahan niyo na ah? Gutom lang to." Nawiwierduhan ako sa kanila. Ano bang pinagsasabi nito?

Napatingin naman kami sa lalaking lumapit sa kanila.

"*cough*cough*" mukhang may sakit talaga siya.

"Ui captain ayos ka lang ba?" Tanong nung Mario ata.

Tumango naman si Caster. "Hmm. Konting ubo at sipon lang to." Sagot niya.

Kumain nalang ulit ako.

Nagulat naman ako dahil siniko ako ng katabi ko.

"Oi ikaw ha! Bakit ka kilala ni Mario?" Tanong ni Maja.

"Aba anong malay ko?" Sagot ko at hindi na inintindi ang mga pinagsasabi niya dahil gutom na talaga ako.

*  *  *

"Class dismiss." Pagkasabi non ni Sir ay agad-agad akong tumayo.

Isasauli ko pa nga pala yung payong kay Caster.

"Caster!" Tawag ko sa kanya nang makitang nakalabas  na siya ng room.

Lumingon siya. "Bakit?" Poker face na sabi niya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Ah isasauli ko lang sana itong payong mo. Sayo to diba?" Sabi ko at inaabot sa kanya yung payong.

Tumingin muna siya sa langit bago sumagot. "Sorry pero hindi yan sa akin." Sabi niya at tumalikod na at tuluyan ng lumakad palayo.

I admit, nadissapoint ako. Hindi sa kanya itong payong? E kanino to?

Napatingala ako nang maramdaman ko ang pagpatak ng ilang butil ng tubig. Umaambon.

Gagamitin ko na nga lang muna ito. Mukhang wala pa namang may nag mamay-ari eh. Wala namang naghahanap. Bukas isasauli ko na talaga to promise. Hindi pa kasi isinasauli ni Maja yung payong ko. Naulit niya na rin kanina hindi pa isinauli.

Habang naglalakad pauwi ay hindi ko maiwasang malungkot.

Akala ko kasi ay kaniya ito. Akala ko ay sinadya niyang iwan ito para sa akin.

Well, sino ba ako para pag-iwanan niya ng payong?  Nakalimutan kong hindi nga pala kami close.

Nakatayo lang ako ng wala sa sarili sa tabing kalsada. Naghihintay na mag-green light na para makatawid.

Nagulat ako nang may sumulpot na lalaki sa harap ko. At mas nagulat ako nang mapagtantong si Caster pala ito. At hinarangan niya yung tumalsik na tubig dahil sa pagdaan ng isang kotse.

Napakurap mata pa ako para mapatunayang hindi nga ako namamalikmata.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit nakatayo ka lang jan?" Galit na sabi niya.

E? bakit siya nagagalit?

Hindi ako umimik.  Na speechless ako eh.

T-teka nauulanan siya.

Inayos ko yung payong na hawak ko para mapasukob ko siya. Kahit na basa na siya.

"A-ah nauulanan ka." Sabi ko.

Mula sa seryosong mukha ay nagpokerface siya.

"Huwag mo akong alalahanin. Umuwi ka na sa inyo." Sabi niya at tumalikod na sa akin at tuluyan ng lumakad palayo.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hindi ko siya magets.

Nang magreen light na ay tumawid na ako at umuwi.

----

Twitter acc: @eggyolknapula

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon