"Von! Tanghali na! Gumising ka na." Napabalikwas ako nang marinig na nagbubunganga ang nanay ko.
"Opo! Gising na po." Inaantok na sabi ko at bumangon na para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa kwarto at kumain. Pagkatapos non ay nagpaalam na ako kay mama at lumabas na ng bahay.
Umaambon nanaman.
Binuksan ko ang payong ko at nagsimula ng maglakad.
Pagkadating ko sa school ay umupo na ako sa upuan ko at naglaro ng COC.
Nagulat ako ng may magtakip sa mata ko. Ano ba yan! Estorbo eh!
Pilit kong inaalis ang kamay sa mata ko pero hindi ko matangal. Sino ba to?
"Oi naglalaro ako ha! Wag kang magulo kung sino ka mang kutong lupa ka!" Singhal ko dito. Epal eh!
Inalis na nito ang kamay niya kaya tinignan ko siya. Sinamaan ko ng tingin ang nakangising si Caster.
Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko para sana maglaro. Pero hindi ako makapagconcentrate sa pag-atak dahil nakatingin si Caster.
"Ang bc naman." Sabi niya at pinisil ang ilong ko.
"Ang epal naman." Sabi ko at pinatay nalang ang cellphone ko inilagay sa bulsa.
"Meron ka ngayon? Bat ang taray mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala ka na don." Sabi ko at tumayo para pumunta sa canteen. Nagugutom ako.
Nagulat ako nang akbayan niya ako. Pero hindi ko nalang inalis dahil sanay na ako.
Sa loob ng tatlong linggong nakalipas palagi kaming magkasama ni Caster.
Simula kasi nung nagkakwentuhan kami tungkol sa crush ay naging close na kami. Masasabi kong siya ang aking male bestfriend.
Napakaclingy niya kaya nasanay na ako. Minsan nga ay may lumalapit sa akin na mga babae at nagtatanong kung girlfriend ako ni Caster eh. Pero siyempre idedeny ko dahil yun naman ang totoo.
Dati nga kaoag dadaan kaming dalawa ay nagbubulungan ang mga estudyante at binibigyan kami ng kakaibang tingin. Pero ngayon ay hindi na. Siguro ay nasanay na sila.
Nagulat ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko. Nasa canteen na pala kami.
"Ano nanaman bang iniisip mo?" Tanong niya habang naakbay pa rin sa akin.
"Ah may naalala lang." Sabi ko.
"Gusto mong ishare?" Sabi niya habang nakangiti.
Inirapan ko nalang ito at inalis ang braso sa balikat ko. Umuna na ako sa paglalakad.
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" Tanong niya nang makalapit na sa akin.
"Wala ka na don." Pataray na sabi ko at kinuha na ang nagustuhan kong kanin.
Babayaran ko na sana ng pigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya.
"Ako na ang magbabayad. Para mabawasan yang katarayan mo." Sabi niya at kinindatan ako. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napatigil ako sandali. Umiling ako nang mahimasmasan.
"Edi wow!" Sabi ko nalang at naghanap na ng mauupuan. Dito ko nalang kakainin.
Nang makahanap ako ng upuan ay umupo na ako. Umupo naman siya sa harap ko at napakunot ang noo ko nang makitang nakapout siya.
"Oh? Problema mo?" Tanong ko at nilantakan na ang pagkain na binili niya.
"Bakit ba ang taray mo sa akin?" Sabi niya at mahahalata ang lungkot sa boses niya. Nakonsensya naman ako kaya naman medyo kinurot ko ang pisnge niya.
"Wala lang ako sa mood." Sabi ko at bahagyang ngumiti.
"Ayan na ha! Ngumiti ka na. Dapat maghapon kang ganyan para maghapon kang maganda." Sabi niya at tumawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Pagkatapos kong kung kumain ay bumalik na kami sa classroom namin.
Sinalubong naman kami ng kabarkada niya.
"Ito na pala ang lovers eh!" Sabi ni RJ.
Hindi nalang kami umimik at nagderederetso sa loob. Pero aaminin ko, sumaya ako dahil sa sinabi ni RJ. Hindi ko alam kung bakit.
Umupo na ako sa upuan ko. Kinulbit ko ang katabi ko.
"Ui Maja!" Tawag ko dito pero hindi niya ako nilingon.
Nakailang tawag ako sa kanya pero hindi siya nag-abalang lumingon sa akin.
"Ui Maja. Pansinin mo naman ako." Sabi ko sa malungkot na boses.
Lumingon siya sa akin pero hindi ako tinignan.
"May problema ba Maja?" Tanong ko dito.
"Ewan." Walang ganang sagot niya.
Napabuntong hininga naman ako.
Humarap nalang ako sa unahan at hinintay na dumating ang teacher namin.
* * *
"Von!" Napapitlag ako nang sigawan ako ni Caster sa tenga ko."Ano?!" Inis na tanong ko.
"Bakit ka tulala? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya at huminto sa paglalakad kaya napatigil din ako dahil hawak niya ang payong at pag umuna ako ay mababasa ako.
Umiling naman ako.
"Wala lang ako sa mood." Walang ganang sagot ko.
Pinagpatuloy nalang ulit namin ang paglalakad pauwi sa amin. Hinatid niya kasi ako at as usual ay wala siyang payong kaya ipapahiram ko ulit ang payong ko. Yung akin talagang payong. Iniwan ko na kasi sa room yung black na payong kasi hindi naman yun akin pero ginagamit ko pa rin.
Pagkadating sa bahay ay nagpaalam lang ako sa kanya tapos tumakbo na papasok sa amin. Hindi naman na ganon kalakas ang ulan.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga agad ako at tumigil sa kisame.
Gulong-gulo na ako. Dalawang importanteng tao ang gumugulo sa isip ko.
Una si Maja. Bakit hindi niya ako pinapansin? Last week pa nang magsimulang hindi niya ako sabayan sa pagkain sa canteen at tanungin kung sasabay ba ako sa pag-uwe sa kanya.
Lumalayo na sa akin ang Best Friend ko.Pangalawa, si Caster. Kapag magkasama kami ay may kakaiba akong nararamdaman. Oo, alam kong crush ko siya. Pero bakit palaging bumibilis ang tibok ng puso ko? Natutulala ako sa tuwing ngumingiti siya. Nalulungkot kapag may kasama siyang iba. Posible kayang inlove na ako sa kanya?
Sobrang naguguluhan na ako. Kailangan ko ng mapaglalabasan nito pero paano ko yun magagawa kung ang unang taong gusto kong lapitan ay hindi ako pinapansin?
BINABASA MO ANG
Umbrella [Completed]
Short Story𝙪𝙢·𝙗𝙧𝙚𝙡·𝙡𝙖 /ˌə𝙢ˈ𝙗𝙧𝙚𝙡ə/ 𝘯𝘰𝘶𝘯 1. 𝘢 𝘥𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘪𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘧 𝘢 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘤𝘢𝘯𝘰𝘱𝘺 𝘰𝘧 𝘤𝘭𝘰𝘵𝘩 𝘰𝘯 𝘢 𝘧𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘵𝘢𝘭 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘢 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘭 𝘳𝘰𝘥, 𝘶𝘴𝘦𝘥 𝘢𝘴...