Part 5

116 7 0
                                    

"Vooooon!" Napabalikwas ako dahil sa gulat. Shutakte! Sigawan daw ba ako sa tapat ng tenga?

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga nang bubulabog ka!" Sabi ko habang nakatalukbong.

Ang aga niyang pumunta dito. Alam naman niya na restday ko tuwing linggo.

"Tara magsimba tayo." Sabi niya at huhulaan ko. Nakapout yan.

"Tsk. Wag ako. Iba nalang." Sabi ko.

"Hindi ka na nga nagsisimba, mamaya niyan pagpasok mo sa simbahan in the future maging abo ka." Sabi niya.

"May third Mass naman diba? Saka wala ka bang pwedeng isama bukod sa akin?" Sabi ko at inalis na ang pagkakatalukbong ko.

"Ehhh gusto ko ikaw." Parang batang sabi niya.

Sa huli ay napatayo niya din ako.

Magsisimba naman talaga ako pero masyado pang maaga. At sobrang inaantok pa ako. Pero dahil makulit siya magsisimba ako ng maaga.

"Ma alis na po kami!" Sigaw ko at sabay na kaming lumabas ni Maja.

"Ui Von magdala ka ng payong, mukhang uulan oh!" Sabi niya kaya binatukan ko siya. Yung malakas para dama.

"Bakit nanaman?" Sabi niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Anong bakit? Nasayo kaya ang payong ko. Ni hindi mo manlang sinauli." Sabi ko at inirapan siya.

"Ay oo nga no? Wala bang ibang payong jan sa inyo?" Tanong niya.

Naglakad na ako dahil talagang aabutin kami ng ulan kung dito kami magtsitsikahan.

"Wala." Sagot ko. Ayoko namang dalhin yung payong na ginamit ni Mama nung isang araw. Ang laki. As in ang laki. Kasya ata limang tao don eh.

Pagdating namin sa simbahan ay naghanap kami ng bakanteng upuan. Madami ngayong tao dahil umaga. Kaya gusto kong sa hapon eh. Kakaunti kasi ang nagsisimba kaya naman siguradong may mauupuan ako.

Pumunta kami sa gilid para tignan kung may bakanteng upuan ng mahagip ng mata ko ang grupo ng kalalakihan. O sabihin din nating basketball players.

Napatingin naman ako sa palakang nakakakapit sa braso ko dahil kinukurot niya ako.

"Alam mong nandito sila no?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis.

Sabi na eh. 😑😑

"Ui Von dito nalang kayo oh!" Sabi nung cute na lalaki na kamember nila nang madaanan namin sila. Sa pagkakatanda ko ay Mario ang pangalan niya.

"Ah hindi na maghahanap nalang kami ng mapwepwestuhan." Sabi ko habang pilit na nakangiti. Nakakahiya. Lahat sila nakatingin sa amin.

Hindi na sila nagsalita kaya umupo na kami sa bakanteng upuan, sa unahan nila.

"Magbigayan kayo ng kapayapaan." Pagkasabi non ni Father ay nagbeso kami ni Maja. Ganto kami magbigayan ng kapayapaan eh.

Lumingon ako sa likod para sabihan ang basketball players ng ...

"Piece be with you." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Piece be with you." Halos sabay-sabay na sabi nila.

*   *   *
"Humayo kayo ng mapayapa." Pagkasabi non ng pari ay tumayo na kami ni Maja at  pumunta kay Father para magbless.

Nakasabay din namin ang basketball players at katabi ko si. Kilala niyo na.

May mga batang medyo natulak ako kaya naman lalo akong napapalapit kay Caster.

Hinawakan niya ako sa bewang na ikagulat namin pareho.

"A-ah so-sorry. Akala k-ko kasi matutumba k-ka." Utal-utal na sabi niya.

"Ah okay lang. Salamat." Sabi ko at umalis na pagkabless kay Father.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ah! Baka dahil hindi ako makahinga kanina.

Hinanap ko si Maja pero wala siya. Holo? Nasaan na yun?

Kinuha ko yung cellphone ko at balak sanang itext siya kaso nakalimutan kong wala nga pala akong load.

Paano na to? Aish! Yaih na nga. Kaya niya na naman sigurong umuwi mag-isa.

Lumabas na ako ng simbahan at napabuntong hininga nang mapagtantong umuulan pala. Ang malas ko naman.  😣😣

"Ui Von! Nasaan na yung kasama mo?" Napalingon naman ako sa nagtanong.

Si Mario ata to kasama yung mga kateammates niya. Bakit ba ang fc niya?

"A-ah hindi ko nga din alam eh." Sabi ko at lumingon-lingon para tignan kung nasaan na siya.

"Ah wala kang dalang payong?" Tanong naman nung isa.

"A-ah wala." Sagot ko.

"Si Caster meron." Sabi ni Mario habang may pang-asar na ngiti.

"A-ah oo nga pala. Ito yung payong mo." Sabi ni Caster at inabot sa akin yung payong na hindi naman talaga sa akin.

"Ang bagal naman ni Captain. Ihatid mo na sa kanila." Sabi nung isa.

"Oo nga. Baka mamaya madulas si Von at mafall, baka iba ang sumambot." Sabi nung isa. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang pinag-sasabi ng mga to?

Sinamaan ni Caster ng tingin ang kateammates niya at inis na binuksan ang payong.

"Ihahatid na kita." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Ahh hindi na. Okay lang." Pagtanggi ko.

"Okay lang. Uuwi na rin naman ako eh." Sabi niya at lumapit na sa akin.

Nagwave lang ako sa kateammates niyang tumatawa at nang-aasar samantalang siya ay namumula. Oh? Problema nito?

Hindi naman ganon kalakas yung ulan kaya hindi kami masyadong magkadikit mgayon.

"Ah pagpasensyahan mo na yung mga kateammates ko ha? May pinagdadaanan lang yung mga yun." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Tumango naman ako. "Ayos lang." Sabi ko.

Sa paglalakad namin ay may nasalubong kaming  grupo ng mga college.

"Oi! Caster, lagot ka kay mama. Kelan ka pa nagkagirlfriend? Hindi mo manlang sinasabi sa amin." Sabi nung isa sa kanila. Yung ate ata yun ni Caster.

Hindi siya pinansin ni Caster  kaya binalingan niya nalang ako.

"Nakoooo! Playboy yang kapatid ko. Timer yan! Wag kang magpapaniwala jan." Sabi nito na parang proud pa atang playboy ang kapatid niya.

Halata namang nainis si Caster dahil sa sinabi nung babae kaya nagsalita na siya.

"Tsk. Ate seryoso ako sa kanya okay?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa pagalalakad.

Uh! Nakakagulat yung sinabi niya.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa malapit na kami sa bahay namin. Nakakashock eh.

"Uhmm V-von. Sorry doon sa nangyari kanina. Uhm. Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Nainis lang ako sa kapatid ko." Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

So hindi yon totoo.

Bakit parang nasasaktan ako?

"Ah ayos lang. Hehe. Hindi naman yun big deal." Sabi ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kamay niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Kinuha niya ito at pinahawak sa akin ang payong.

"Salamat sa payong." Sabi niya at ngumiti.

Nagulat ako nang tumakbo siya sa ulan. Nanaman?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo doon.

Lalo siyang naging wierd.

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon