Last Part

210 11 0
                                    

"Von!" Nang marinig ko ang boses na iyon ay kinaladkad ko si Maja para mapabilis ang paglalakad namin.

"Ui ano ba!" Reklamo naman ni Maja.

"Von!" Napatigil naman ako nang may humawak sa kabila kong braso.

Lumingon ako sa kanya. Naguilty naman ako dahil hinihingal siya.

"Kanina pa kitang tinatawag. Ang bilis niyong maglakad." Hinihingal na sabi niya.

"Ah pasensya na hindi ko kasi narinig eh." Pagdadahilan ko.

"Ah ganon ba." Sabi niya na lang at sinabayan kami sa paglalakad.

"Pafall si koya." Kinikilig na bulong ni Maja.

Hindi ko nalang siya pinansin.

* * *
Pagkasabi ng teacher namin na pwede na kaming magrecess ay agad kong hinigit si Maja papuntang canteen.

"Aray ko. Bakit ka ba nagmamadali? Hindi ka mauubusan ng pagkain." Reklamo niya pero hindi ko siya pinapansin.

Haggat maaari ayokong makasalubong o makasabay si Caster. Kung tama man ang sinabi ni Maja na mahal ko na si Caster at nagseselos nga ako ay kailangan kong lumayo at umiwas sa kanya. Gusto kong itigil ang kalokohang ito.

"Ui! Ano ba? Pumili ka na ng bibilhin mo. Nakakaabala tayo sa ibang estudyante oh." Biglang sabi ni Maja.

Napatingin naman ako sa mga estudyante sa likod namin. Mukhang naiinis na nga ang mga estudyante.

Pagkabili namin ay naghanap na kami ng
mauupuan.

Pero sa kasamaang palad eh ngayon pa kami naubusan ng upuan.

Napatingin naman kami doon sa may kumakaway. "Dito kayo oh!" Sabi ni Mario.
Naku naman! Bakit sa lahat pa ay siya? Sa ka teammate pa ni Caster. Psh.

Napilitan kaming umupo doon sa table nila (sa upuan shempre) dahil lahat ng basketball players ay nakatingin sa amin. Nakakahiya naman kung tatangihan namin.

Pinaupo nila kami sa pagitan ni Caster at Joseph. Bale katabi ko si Caster sa kanan at si Maja naman sa kaliwa. At ang isa pang katabi ni Maja ay si Joseph.

Kumain lang ako nang kumain at hindi na pinansin pa ang mga nag-aasarang players na ito.

Pagkabell ay hinigit ko na ulit si Maja papunta sa room.

Napatigil kami sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.

"Von may problema ba?" Nakakunot noong tanong ni Caster.

"Ha? Wala naman. Bakit?" Takang tanong ko.

"E bakit parang iniiwasan mo ako?" Tanong niya ulit. Akala ko hindi niya napapansin.

"Ha? Iniiwasan ba kita? Parang hindi naman." Inosenteng sabi ko.

"Ah ganun ba? Akala ko kasi iniiwasan mo ako." Nakangiting sabi niya at inakbayan ako na parang sakal na din.

"A-aray hindi ako makahinga." Sabi ko sakanya kaya niluwagan niya pero hindi niya inalis. Sira talaga to!

Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi niya ako binitawan.

Pagkadating ni Sir ay nagsiupuan na kami.

"Okay class, magkakaroon tayo ng activity. By partner at ako ang mag-aasign kung sino ang magiging partner niyo." Agad namang nagbulungan ang mga kaklase ko. Kadaldal ng mga to!

Nagsimula na si sir na magbangit ng pangalan. Dahil nababagot ako ay nilaro ko nalang ang ballpen ko.

"Oi, ano ng gagawin natin?" Nagulat ako nang magsalita ang katabi ko. Pagkatingin ko ay si Mark pala. Yung kabarkada ni Caster na soccer player.

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon