Part 9

133 6 0
                                    

"Von!" Nagulat ako nang yakapin ako ni Caster.

Napansin ko din ang pagtigil ng mga estudyante sa kanilang ginagawa. Malamang naman. E sinalubong niya lang naman ako ng yakap sa gitna ng daan.

Bahagya ko siyang tinulak dahilan para mapabitaw siya sa akin.

"Anong problema mo?" Nakakunot noong tanong ko.

"Nag-alala ako sayo." Nag-aalalang sabi niya. Teka? Alam niya kaya ang nangyari sa akin kahapon? Hindi pede.

"Bakit ka ba umabsent kahapon? Umalis ka tapos hindi ka naman nagpaalam sa akin." Malungkot na sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang hindi niya pa alam.

"Ah bigla kasing sumama ang pakiramdam ko." Sabi ko.

"Ah ganon ba? Ayos ka na?" Tanong niya na tinanguan ko naman.

Sabay kaming naglakad papuntang classroom at inaalalayan niya pa ako. Ang oa niya 😑😑

"Ano bang nangyari?" Tanong niya ulit pagkaupo ko sa upuan.

"Ah wala. Emergency lang." Sabi ko. Tumango naman siya.

Naalala ko ulit yung nangyari kahapon. Magkasama sila ni Maja. Iwinaksi ko nalang iyon sa utak ko dahil nararamdaman ko nanaman ang pananakit ng dibdib ko.

Maya-maya ay dumating na din ang teacher namin kaya naman umayos na kami ng mga upo.

*   *   *
"May kwento ka ba tungkol sa crush mo?" Tanong ko kay Caster pagkaupo namin.

Hindi ko alam kung bakit palagi ko pa ring tinatanong sa kanya ang tungkol sa crush niya kahit na nasasaktan ako-- wait nasasaktan? Masyadong mabigat yon. Nalulungkot lang pala.

Ito lang kasi yung paraan para makasama ko siya. Oo alam ko. Masyado akong nagiging martyr. Ni sa panaginip nga hindi ko naisip na magpapakamartyr ako para lang makasama ang crush ko. Ganito pala ang pakiramdam.

"Nag-alala talaga ako sa kanya kasi umabsent siya kahapon ng tanghali. Buti nalang ayos na siya ngayon." Sabi niya at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya naman napaangat ang ulo ko.

Bakit pakiramdam ko ako yung tinutukoy niya? Nag-aasume  lang ba ako?

Pero.... kahapon kasama niya si Maja. At absent din si Maja kahapon. Posible kayang... Haaayst! Parang ang sakit isipin.

Nagulat ako nang pumitik si Caster sa unahan ko.

"Okay ka lang ba talaga? Bakit ka nakatulala?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

"Ah ayos lang. Hmmm. Pwede ko na bang malaman kung sino ang crush mo?" Tanong ko at nagpatuloy na sa pagkain. Gusto ko na talagang malaman para masalvage ko kung sino mang babae yon. Pero shempre joke lang. He.he.he.

Ay! Parang pilit yung tawa ko. Bwahahahahahahahaha. Ay! Parang baliw naman. Ayoko na nga.

"Ui! Talaga bang okay ka lang?" Biglang sabi nanaman ni Caster kaya napatigil nanaman ako sa pag-iisip.

"Ah oo. Nasan na nga ulit tayo?" Tanong ko.

"Nasa canteen." Inosenteng sagot niya.

"Psh. Ano ngang sagot mo sa tanong ko?" Tanong ko ulit nang maalala na tinatanong ko nga pala siya.

"Ah yun ba! Siguro hindi pa ngayon. Kapag nagkalakas na ako ng loob na aminin sa kanya saka ko sasabihin sayo. Siguro soon." Sabi niya habang nakangiti. Edi siya na ang inlove.

Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Maya-maya ay bumalik na kami sa aming room.

*  *  *
"Class dismiss." Pagkasabi non ni Maam ay lumabas na ako ng room.

Dahan-dahan lang akong naglalakad. Sa corridor. Ewan ko ba pero parang tinatamad pa akong umuwi.

Napatigil naman ako nang makita ko si Casper na may kausap na babae. Akala ko ba ay may practice sila ngayon? Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib ko at pagbara ng lalamunan ko nang niyakap ni Casper ang babae. Ayun ba ang kinukwento niyang babae sa akin? Bakit parang ang sakit?

Hindi ko napansin na nakatulala lang pala ako habang umaagos ang luha ko. Pakiramdam ko ay aatakihin nanaman ako sa puso.

Pinahid ko na ang mga  luha ko at nagsimula nang maglakad. Bakit ganito? Bakit ganito yung pakiramdam ko? Katulad nung sakit nang makita ko sila ni Maja na magkasama. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Binilisan ko ang paglalakad ko patungo kung saan man.

Huli na bago ko marealize na dinala pala ako ng mga paa ko sa bahay nila Maja.

"Von? Anong ginagawa mo dito?" Naoalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko.

"Maja." Bangit ko sa pangalan niya at sinugod siya ng yakap.

Niyakap niya din ako pabalik at hinaplos-haplos ang likod ko. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Saka iba na yung paghinga mo. Okay ka lang ba?" Tanong niya at pilit na pinapatingin sa kanya.

Umiling naman ako. "Maja hindi ko na kaya." Sabi ko. Ang hirap huminga.

Pumasok kami sa bahay nila. Ngayon ay nakaupo ako sa sofa nila. Paglabas niya sa kusina nila ay inabutan niya ako ng tubig.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya.

"Hindi ko din alam. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabhin?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

Ikinwento ko sakanya ang buong pangyayari. Mula noong inakala kong kay Caster ang payong na black na iyon hanggang sa atakihin ako sa puso kahapon at ngayon. Inamin ko din sa kanya na naglihim ako tungkol sa pagkakacrush ko kay Caster. At talagang nag-iyakan kami ng bongga.

"Ikaw naman kasi! Bakit hindi mo naman agad sinabi sa akin? Para naman na suportahan kita? Ayan tuloy! Akala ko ay pinagpalit mo na ako kay Caster." Umiiyak na sabi niya.

"Gaga! Hindi mangyayari yon!" Sabi ko din habang umiiyak.

"Teka nga lang." Sabi niya at pinahid ang mga luha niya.

"Ano kamong sabi mo? Naninikip ang dibdib mo kapag nakikita mo si Caster na may kasamang babae?" Tanong niya na tinanguan ko lang.

"Hindi kaya mahal mo na siya?" Napatingin agad ako sa kanya pagkabangit niya ng mga salitang yon.

"Ha? Mahal?" Takang tanong ko.

"Oo. Hindi ka naman siguro magseselos kung hindi mo siya mahal diba?" Tanong niya.

"Ano? Nagseselos ako?" Gulat na tanong ko. 

Tumango naman siya. "Hmmm. Alam mo okay lang yan. It's part of growing up." Sabi niya.

"Selos? Ganon ba yon?" Tanong ko.

"Oo ganon yon! Ganyan din yung nararamdaman ko kapag may lumalapit kay Joseph na mga dikya eh." Sabi niya habang tumatawa.

Nagseselos? Mahal? Bakit ang hirap intindihin ng mga yun? Parang gusto ko pang magsolve ng math kaysa dito. Isa lang ang naiintindihan ko ngayon....

Ayoko ng pakiramdam na to.

---

Twitter acc: @eggyolknapula

Umbrella [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon