Chapter 9

764 10 8
                                    

 Kinikilig pa si tin habang nirereplyan si slater  "Sos..bolero! nyt! " ang nireply niya dito. Hindi na niya inaasahan pa na magtetext back pa itong muli kaya nilagay na niya ang phone niya sa bedside table at umayos na ng higa. Nagulat na lang siya ng wala pang 2 minuto ay tumunog ang phone niya.

"Matutulog ka na ba? Can I call?" ang reply sa kanya ni slater

"Umm..was about to sleep na, pero sure..you can call" nagngingig pa ang kamay ni tin habang tinetext si slater

At wala pa ngang ilang minuto ay nagring na ang phone ni tin. Agad naman niya tong siangot.

"Hello tin?"

"Uyy, slater... bakit ka napatawag?" kunwaring inaantok ang boses ni tin

"Wala lang..namiss ko lang boses mo"

"Bola..."

"Totoo nga.."

"Sus...sige na nga bahala ka"

"Umm tin?" wari'y nagaalangan na tanong ni slater 

"Bakit?" 

"Anong ginagawa niyo ni jericho kanina? bakit kayo magka-hug?"

"Ah..nakita mo pa yun? wala nagtthank you lang ako sa kanya kasi tinulungan nya ko sa presscon"

"okay,, so di ka naman niya nililigawan?" tanong ulit ni slater

"Huh? ewan ko"

"Sige..yun lang... sleep ka na..maaga ka pa din bukas eh diba?"

"Oo nga..sige nytie nyt slater"

"nyt tintin!" 

Humiga na ulit si tin na may malaking ngiti sa mukha dahil sa pagtawag ni slater sa kanya. Kahit di sabihin ng binata ay obvious naman na selos ang nag-udyok dito na tumawag at iconfirm ang nakita.

Hindi akalain ni tin na tutunog nanaman ang phone niya. KInuha niya ito at hindi naman siya nabigo. Si slater pa din ito... "I missed you Tin!" ang text nito sa kanya

                                  

                                                            -------------------------------------------------

Pagpasok ni tin kinabukasan sa office ay kinorner siya agad ni jericho. "Tin pwede sabay tayo maglunch mamaya? treat ko" 

"Umm..sure! basta kasama sila jean at marjie ha.." 

"O sige" medyo nadisappoint na sabi ni eco

Maya maya ay lumapit na si marjie at jean sa kanya nang nakalayo na si eco.

"Hoy friend... so may bago ka nanaman manliligaw ha? Iba ka talaga" panunukso ni marjie

"Grabe kayo friends lang kami ni eco" pagpapaliwanag pa ni tin 

"Eh si slater young?" sabat naman ni jean 

"Huh? ano? wala yun..wag kayo assumera bawal yan..madami magagalit" ani tin

"Sige sabi mo eh.." 

"Inaaya pala tayo maglunch ni eco mamaya ha" paalala ni tin

"Ganun? Sige friend pero sasama ko si  Cocoy ha yung boyfriend ko..may usapan kasi kami eh" sabi ni marjie

"Ganun ba? eh di tawagan ko na rin si derek ko.. alangan naman ako walang partner dun!" sabi naman ni jean

Dumating ang lunch time at kumain sila sa resto sa tapat ng network. Tabi si marjie at si cocoy na boyfriend niya pati na rin si jean at ang dini-date nitong si derek. Walang nagawa si tin kundi tumabi kay eco kaya't mukha ngang pares pares sila. 

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon