Chapter 5

737 9 5
                                    

Nagising si tin nang maramdaman na unti-unti nang gumagalaw ang elevator at pagmulat ng mata niya ay may ilaw na.

"Slater..Slater..Wake up!!" niyugyog nito si Slater hanggang magising

"Uyy..uyy wow..umaandar na!" napatayo si slater at napayakap kay tin nang mahigpit

Matagal din nagyakapan ang dalawa hanggang bigla na lang bumukas ang pinto ng elevator na di nila namamalayan

"Click" may mga  kumuha ng picture nila na magka-hug

"Slater!! akala namin kung napano ka na" sigaw nang handler nito at lumapit sa dalawa, agad namang binitawan ni slater si tin at niyakap ang handler niya

Si tin naman ay nagulat sa dami ng tao sa labas ng elevator. Mga nagtatrabaho din sa network ang mga taong ito. "Grabe, big deal pala para sa kanila ang nangyari" naisip nito. Agad siyang nakipagsiksikan sa mga tao para makaalis sa lugar na yun

"Slater, anong feeling na mastuck sa elevator for 12 hours?" tanong ng isang reporter ng lumabas na sila ng elevator

"Umm..okay naman.. pangit lang yung feeling na nging cause of delay sa taping" sagot naman ni slater

"Hindi mo naman kasalanan yun slater..kasalanan ng company natin yun..luma na kasi elevator" sabi naman ng isa

"Basta thank you lang kasi naayos na. Thank you din sa nakasama ko for 12 hours, nagshare siya ng food niya sakin.." Lumingon ito para hanapin si tin pero nakita niya ito na naglalakad na ng mabilis palayo

"Tin! Tin! Tintin!" sigaw ni slater dito, pero hindi na to pinansin ni tin at dumeretso na lang sa paglalakad papunta sa ibang elevator at saka umakyat sa news department.

                                                        ------------------------------------------

"Don't worry, I heard about what happened. Na-stuck ka daw sa elevator for 12 hours. You think pagagalitan kita dahil dun?" Tanong ni Ms. Alex kay tin nang puntahan niya ito 

"Di naman Ms.A, kaso lang di ko na nabigay coffee and cake mo..nakain na namin"

"Hmm..kahit naman siguro sino ang ma-stuck sa elevator kasama si slater young eh iooffer din lahat ng pagkain niya. Sure ka yun lang binigay mo sa kanya?hahahahah"

"Ms.Alex,, kayo huh.. green minded.."

"Hmm...eh kung ako yun... hahaha...never mind..sige Tin umuwi ka na muna. Take the day off. Pahinga ka.. I'll see you tomorrow"

"Thanks Ms.Alex" sabi ni tin at niyakap niya ito bago umalis

"Naku kung alam lang nila mga nangyari" sabi ni tin sa sarili niya habang nakangiti ng malaki

                                                         --------------------------------------------

Pagkauwi ni Tin ay nagexplain siya sa parents niya about what happened.  Pagkatapos ay naligo ito at kumain ng breakfast at saka natulog. Hapon na nang magising siya kaya binukas na lang muna niya ang TV. Sakto naman na ang palabas ay isang talkshow na panghapon kung san iniinterview si slater.

Reporter: (Pinakita ang picture nila ni tin na magka-hug) Sino tong nakasama mo mastuck sa elevator at bakit nahuli kayo ng camera na magka-hug?

Slater: Ah, wala po yan.. siyempre happy lang kami kasi okay na yung elevator.

Napasimangot na si tin sa "Wala po yan" na comment ni slater

Reporter: Mukang naging close na kayo nung girl? She's from the network din right?

Slater: I 'm not sure po. We didn't get the chance to talk masyado. 

"Ah ganun ba? so panaginip ko lang pala yung kwentuhan natin? grabe ang plastic mo naman pala eh..akala ko sincere ka" kinakausap ni tin si slater sa Tv

Reporter: So walang anything special na nangyari during the 12 hour stay?

Slater: Wala po (sabay ngumiti ito dahil naalala ang kiss nila ni tin)

"Hmm...okay.." naisip na lang ni tin 

Reporter: Ah, I see..that's a good news for all the "Fritzter" fans.  Sino una mo hinanap nung nakalabas na kayo?

Slater: Siyempre si fritzie po.. 

Reporter: Nako slater, for sure marami na naman ang pinakilig mo ngayon

"Madami ka nga pinakilig, may isang tao ka naman pinalungkot, hay buhay.." sabi ulit ni tin sa TV at pinatay na niya ito. Ayaw na niya marinig ang mga pagdedeny ni slater sa mga nangyari sa elevator.

"Well, sino ba naman ako para mag-expect na iacknowledge niya kahit konti diba? Oh well, papel, hassle" sabi na lang ni tin sa sarili niya

                                                        -----------------------------------------------------

Pagkatapos ng interview ky Slater ay nagmamadali itong umakyat sa news department. Tinanong niya ang isang babae na nasa may table."Excuse me, do you know where I can find Christine?" 

"I am Kristine..Dianne Kristine..."

"You know what, you're pretty too but..no, umm.. I'm looking for a different person..si tin.. yung intern ni Ms.Alex Romero?"

"I knew that.. I was just kidding, you're looking for Tin Patrimonio yung nakasama mo ma-stuck sa elevator"

"Yes..yes..I'm looking for her.."

"Aww... sorry but she's not here. Pinauwi siya ni Ms. A to get some rest"

"Do you know kung san ko siya mako-contact?"

"Nope, but you can ask Ms. A"

"Ayt, thanks"

Pumunta si slater sa office ni Ms.Alex para tanungin ang number ni tin

"What can I do for "The Mr. Slater Young?" magiliw na bati ni alex dito

"Ms.A, do you have Tin's number? pwede ko ba mahingi?"

"Ah..oo naman, wait..I'll write it down for you"

"Thanks Ms.A.."

 Pagkatapos nito ay agad siyang nag-dial sa phone niya ng number ni Tin

                                             ------------------------------------------------------

Nageexercise si tin sa threadmill nila sa bahay nang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niya itong sinagot ng makitang si Ms.Alex ang tumatawag.

"Hello Ms. A? Bakit po kayo napatawag?" nag-aalalang tanong ni tin

"Tin,, nasan ka?"

"Nasa bahay po, bakit Ma'am? Do you need me to go there?"

"No, I just want to inform you na pwede ka na gumulong-gulong diyan sa bahay niyo"

"Gulong po ako Ms.A? Bakit po?"

"Gumulong sa kilig... kinuha ni slater young ang number mo. Siya pa mismo ang pumunta dito para kunin ha..manliligaw ang peg?"

"Hmm...naku naman ma'am baka sasabihin lang niya na wag ako magsalita about sa mga nangyari sa elevator" lugmok pa din si tin sa interview na napanood niya

"Wait, ano ba ang nangyari dun?" tanong ni Ms.Alex

"Wala naman po..sige ma'am bukas na lang tayo magkwentuhan"

"O sige baka tumatawag na rin sayo ngayon yun..sige ciao"  at binaba na ni Ms.A ang phone habang si Tin naman ay naiwan na spaced out after ng tawag.

"Hiningi ni Slater ang number ako? Pero baka tama ako na gusto lang niya ko pagsabihan to shut up about what happened" sabi ni tin sa sarili. Pinipigilan niyang kiligin dahil ayaw naman niyang mabasag lang din sa huli.

Biglang tumunog ang phone niya at unknown number  ito. Naramdaman ni Tin na si Slater yun kaya't nagdesisyon siyang hindi na sagutin kahit paulit-ulit ang tawag nito.

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon