Chapter 10

744 14 12
                                    

Pasarado na ang mall ng pumunta si slater at tin doon pero nag-suot pa din ng baseball si slater para walang makakilala sa kanya. Habang bumibili si slater ng ticket ay bumili na si tin ng popcorn at softdrinks. Pagkapasok nila ay naupo na sila sa may bandang likod at madilim na part ng sinehan para siguradong walang makaka-kilala ky slater.

Tinaas ni slater ang arm rest na nakapagitna sa kanila at nilagay naman ni tin ang malaking bucket ng popcorn sa gitna nila. Masyadong focused si tin sa movie kaya hindi sila nakakapagusap ni slater.

Salitan din sila ng pagkuha ng popcorn. Mauuna si tin at susunod naman si slater. Hanggang sa isang beses ay nagkasabay sila ng pagkuha kaya nagtama ang kamay nila. Agad namang binawi ni tin ang kamay niya dahil bumilis nanaman ang tibok ng puso niya.

"umm sige tin ikaw na muna" alok ni slater

"Hindi sige okay lang" nakangiti namang tugon ni tin, hindi niya alam kung bakit pero kumakabog nanaman ang dibdib niya kahit sobrang saglit lang naman ang paghawak ni slater sa kamay niya

Si slater naman ay mas nakatuon pa ang pansin kay tin kesa sa movie. Sa kadiliman ng sinehan ay profile lang ng mukha ni tin ang nakikita niya pero gustong gusto niya itong tinititigan at naiisip niya kung gaano kaperfect ang mukha nito. Pati kung pano ito ngumuya ng popcorn at uminom ng softdrinks ay pinapanood din niya. Napapangiti na lang siya sa mga nakikita niya kay tin.

Sa gilid na mata ni tin ay napansin niyang nakatitig si slater sa kanya kaya humarap siya dito. 

"Bakit?" tanong ni tin

"Anong Bakit?" Balik tanong naman ni slater

"Ewan..." at bumalik na lang si tin sa panonood ng movie

Si slater naman ay humikab kunwari at nag-inat saka pasimpleng umakbay kay tin. 

"Slater, style mo bulok" natatawang puna ni tin sa binata

"Kinikilig ka naman" panunukso pa ni slater saka tinanggal ang popcorn sa gitna nila at hinila pa lalo si tin palapit sa kanya.

Sa ginawa ni slater ay hindi naman lumayo si tin, sa halip ay inenjoy na lang niya ang moment na yun. Humilig pa siya sa balikat ni slater na lubos namang kina-galak ni slater.

"Ano ba yan ang bigat naman" reklamo ni slater 

"Ay ganun pala ha..sige wag na" tinaas na ni tin ang ulo niya

"Hindi joke lang..sige lang" binalik nito ang ulo ng ni tin sa balikat niya

Natapos ang movie na ganito pa din ang pwesto nila. Bumukas na ang mga ilaw pero di pa din sila tumatayo. Tatayo na sana si tin nang hilahin ni slater ang kamay nito at bumulong sa kanya "Tin mamaya na tayo ha pag nakaalis na mga tao" 

"Ah..o sige" at umayos na ulit si tin sa pagkakaupo niya

Umakbay ulit si slater sa kanya pero this time ay sa may bewang naman niya.

"Nasasanay ka ha" turo ni tin sa kamay ni slater

"Masama ba?" nagpapa-awa namang tanong nito kay tin

"Hay nako tara na nga" tumayo na si ti at sinundan naman ni slater

                                   ----------------------------------------------------------------------

Past 12 na nang makarating sila sa bahay nila tin. 

"Thanks ulit ha slater" nakangiting sabi ni tin

"No problem tin"

"Sige papasok na ko" akmang bubuksan na ni tin ang pinto nag pigilan siya ni slater

"Wait lang tin...umm may sasabihin ako eh"

"Ano yun?" at tinitigan ni tin si slater 

"Umm...hindi wala sige good night ha" 

"Okay good night" masaya namang bati ni tin saka lumabas ng kotse

Binubuksan na ni tin ang gate nila nang bumaba rin si slater sa kotse. Kinalabit niya si tin na ikinagulat naman nito

"Slater!! papatayin mo ko sa takot!!"

"Sorry tin..may nakalimutan lang ako"

"Ano?"

"Ito.." pagkasabi  ni slater nun ay  hinalikan niya si tin sa lips. Hindi naman ito katulad nang lungs to lungs na kiss nila sa elevator ay parehas naman silang dalang-dala sa kiss na to.

Nang mahimasmasan si tin ay tinanong niya si slater "Ano yun?"

"Goodnight Kiss!"  nakangiti namang sagot ni slater "sige goodnight tintin! at humalik ulit to sa cheek ni tin bago pumasok sa kotse

Hanggang sa makaalis si slater ay hindi pa nakakapagsalita si tin. Sa halip ay tulala ngunit masaya siyang umakyat sa kwarto niya.

Si slater naman ay nagsisi na hindi niya natuloy ang gusto niyang sabihin kay tin  "Hay.... complicated kasi eh" sabi niya sa sarili niya

                                             ------------------------------------------------------------

Bago matulog si tin ay nireview muna niya lahat ng mga nangyari at ang mga pakikitungo ni slater sa kanya. Kilig na kilig si gaga dahil ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magkakagusto si Slater Young sa kanya. Hindi naman sa nag-aassume siya pero sa mga ipinakita nito ay maliwanag pa sa sikat ng araw na may gusto din ito sa kanya. Bakit naman siya hahalikan nito ulit kung hindi diba. Natulog si tin na may malaking ngiti sa mukha.

Kinabukasan ay nakatanggap naman siya ng "good morning :)" text galing kay slater pero nang sagutin niya ito ay hindi na naman ito nagreply. Inisip niya na baka busy lang si slater kaya tumuloy na lang siya sa station. 

Pagdating nya sa table niya ay naghihintay na ang mga kaibigan niya dun.

"Friend ang saya kagabi sayang wala ka!" bati ni marjie kay tin

"Naku okay lang di ko naman talaga hilig yung singer na yun eh"

"Kaya nga yun sabi namin ky slater...o kamusta naman date niyo kagabi?" tanong ni jean sa kanya

"Hmm...okay lang" nakangiting sagot ni tin

"Sauce... kinikilig ka eh o!" panunukso ni marjie dito

"Hmmm..medyo.." pagtatapos ni tin sa usapan nila saka tumayo ito at pumunta na sa opisina ni Ms.Alex

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon